CHAPTER 1

19 11 1
                                        

                           BODY GUARD

"KNIGHT POV"

Nang mangyari sa akin ang aksidente para akong nanghihina ng sobra, tila nadagdagan ang pagod ko sa katawan... bwesit naman kasing lalaking iyon... Hindi kaya pinadala iyon ng papa ko para ipapatay na ako? O kaya naman pinaghahanap na ako para patayin.

"kahit kailan ang sama mo papa! hinding hindi kita ituturing ama pagkat kinasusuklaman kita habang buhay... Bakit mo gustong patayin si mama, at ngayon ako naman"

Ang tanging pinanghahawakan kong lakas ng loob ay ang sarili ko at si mama! Siya lang nakakaintindi sa akin simula nong bata pa ako! Pero simula nong magkahiwalay kami ng dahil kay papa galit na gali ako, dahil pilit ipinapagawa sa akin ni papa ang bagay ng labag sa aking kalooban. Naging masama ako at walang puso kahit pa si mama gusto ko naring kalabanin... para akong asong gutom na kakainin kahit na anong bagay. minsan para akong baliw, kinakausap ko ang sarili at may bumubulong sa akin na gawin ang bagay na iyon kahit na Mali. Pero alam niyo? nakapatay na ako ng tao... dahil doon naging masaya ang papa ko... At nang nalaman ni mama ang tunay na pagkatao ni papa at nang kapatid ko agad tumawag ng police si mama non, kaya nahuli si papa at nakulong ng walong taon pero nasitakasan ang mga kapatid ko at nagkawatak watak simula non tumakas na kami ni mama, pero agad din naming nalaman na nakatakas si papa at nagtatago hanggang sa natuntun kami at pinagsasaksak si mama sa katawan... Galit na Galit ako non at gusto kong paghigantihan ang papa ko! Pero ang gusto niyang kapalit sa buhay ng mama ko! ay maging katulad niya ako kasama ng mga kapatid ko! Kaya napilitan akong sumama ng tatlong taon at ang alam nila patay na si mama pero itinago ko ito para gumaling si mama sa hospital. Hanggang sa ang tangi kong ginagawa ay ang magnakaw ng pera sa tuwing may ipinapautos si papa na papataying pamilya... at hindi talaga ako pumapatay ng tao... pero pumatay na ako ng hindi naaayun sa aking kagustuhan. kung gusto niyong malaman, dalawampo't apat na tao ang napatay ko! na parang tinanggap ko nalang na sarili ko na, may dugo akong nananalaytay sa dugo ng papa ko! kaya kung minsan hindi ko nakokontrol ang sarili ko.

Pero ngayon, malaya na ako sa impyirnong buhay na ito... at parang wala lang sa akin ang lahat kahit pa ang laki ng kasalanan ko! Pero sa totoo lang hindi ako ang may gawa non, sadyang ang masamang ako ang may gawa non hindi ang mabuting ako. Tandaan niyo may "dalawang tayo" ang sarili natin, at Minsan hindi natin nakokontrol ang bagay nayon... kaya kailangan mag-ingat tayo sa mga bagay na di natin alam kong tayo ba ang may gawa!

Magaling na ako, nakakapagsalita, maari naring makatayo at maayos na ang pakiramdam ko. At sobrang saya ko na sabay kaming gumaling ni mama... At ang bagay na gusto kong kalimutan at talikuran ay ang bagay na sa panahong hawak pa ako ni papa.

Ngayon paalis na kami sa hospital nato, Nabayaran nanamin ang bill sa halagang 287, 341. 00 pesos. At Kahit na ang perang binayad ko ay galing sa marumi at di kaayaaya, ginamit ko yun para makaalis na kami dito! hanggang sa makasalubong ko siya ng makalabas kami sa hospital, may dala siyang mga prutas, "ngunit para saan naman?"

Papunta na siya sa kinatatayuan namin ni mama at may nakita akong kahinahinalang lalaki.

"Anak tara na!

"Mama? pumasok ka muna sa loob!

"bakit naman anak? lumabas na tayo tapos babalik uli...

Pinilit kong pumasok si mama sa loob ng hospital at hinatid ko talaga siya at pinaupo sa waiting area.

"Anak ano bang meron!

KILL YOUR HEARTWhere stories live. Discover now