"KNIGHT POV"
Gusto ko lang naman makiayos sa kanya, kausapin at hingin kung pwede lang sana. Pero bakit ganon ang naging ugali niya? Ewan ko ba at hindi ko siya naiintindihan.
Naiintindihan ko naman kung ano yung pinagdadaanan niya pero yung sa akin hindi e. Siguro nadala lang siya. Wag ko nangang pag-usapan to.
Pumasok na siya sa luob at sumunod naman ako, Kitang kita ko kung paano nagpapagaling ang kuya ko, Gagaling pa kaya siya. Pagpasok din namin ay nandito rin ang dalawang nurse at ang doctor ng kuya ko.
Hinanap ng doktor kung sino ang kamag-anak ng pasiyente, at agad naman akong nagsalita hindi na sumapaw pa si Zelle at nakinig nalang. At sinabi ng Doctor na fifty-fifty ang kalagayan ng kuya ko. At hindi ko alam kung bakit, e saksak lang naman ng matalim na kutsilyo ang sugat ni kuya.
Pero ang hindi ko alam, malaki na ang sakit ng kuya ko at sa utak pa niya ang may malaking epekto, pero hindi sinabi ng Doctor na Stroke ang sanhi nito, kung hindi ay may nakita silang isang bagay na kumakain ng lakas ng kuya ko, hindi pa nila matukoy kong ano, pero sinabi ng Doctor na may gamot para rito, pero hindi sigarudo kong makakapaggaling bah.
Hindi ko alam kung magagalit ako o hindi, o kaya naman pababayaan ko nalang siya sa kabila ng maling ginawa niya. Pero hindi ko kayang 'yon sa kuya ko, Kapatid ko parin siya kahit pa'y kinasusuklaman ko siya noon. Tsaka, pinakita niya rin sa akin kung paano siya nagsisi sa ginawa niya. Pero sapat ba 'yon na patunay para tanggapin ko siyang muli?.
Parang naiintindihan ko na ngayon si Zelle, pero ang gulo, hindi ako makapagdesisyon ng mabuti... parang hindi ko kayang mamili kong sino ang may mali at tama. Sa ganitong paraan sana ay magawan ko ito ng isang senyales kung saan hindi ko na kailangan pang magdesisyon, pero sana hindi huli ang lahat para magawa ko ito.
Nang marinig ko ang sinabi ng Doctor parang hindi na ako nakaramdam pa ng awa, siguro kunti pero nagdadalawang isip pa. Tila may punto si Zelle pero hindi ko siya kinakampihan, kasi may tiwala din ako na nagbago na ang kuya ko. Sana nga!
Kung isa ito sa plano ng kuya ko, siguradong kailangan na naming pagplanohan ito. Ano naman kaya ang iisipin ni Zelle kung nagkataon.
Habang kausap ko pa ang Doctor hindi ko na namalayan na lumabas si Zelle, At maya maya pa natapos narin ang pag-uusap namin. Hinanap ko agad si Zelle at hindi ko siya masilayan ng mabilis, hindi ko rin naman alam kung nasaan siya at kung anong ginawa niya.
Bakit ba siya umalis? akala ko ba may pag-usapan kami sa loob... hindi ko alam pero kanina lang pagpasok namin kakaiba na ang tingin niya sa kuya ko, hindi ko lang pinansin pero totok na totok siya sa mukha ng kuya ko. Tila may galit talaga siya.
Ikalimang ikot ko na sa hospital na ito pero nabigla akong iba ang nakita ko! Hindi ko alam pero kilala ko ang dalawang to, na may kausap sa counter.
"Maxine!? Cristy? Napahinto ako at napasabi.
Malayo pa naman ako kaya hindi nila ako maririnig. Hindi ko alam kong magtatanong ako kung nakita ba nila si Zelle o kaya naman nagkita na sila. Teka nga? alam ba ni Zelle kung narito sila.
Nasa isip ko parin na hanapin si Zelle kaya hindi ko muna sila pinansin. Baka kasi pag pinuntahan ko pa sila kukulitin na naman ako ng Maxine na yun, naiinis pa naman ako sa kanya sa tuwing nilalandi niya ako... ang hirap niyang lapitan kumakabit kasi... siguradong mahihirapan ka talagang makaalis sa babaeng yun.
Ewan ko ba at nakuha pa niyang magtrabaho bilang isang nurse, kung ganon siya bilang babae, natatanong ko nga sa sarili ko kung pati pasiyente niya ay dinidikitan niya kahit malubha ang sakit, o kaya naman mamatay na sa kunting dikit niya lang, o pati siguro yung matanda na kahit kunting hinga nalang tsugi na. hayst! bakit ko ba siya pinag-uusapan.

YOU ARE READING
KILL YOUR HEART
Sonstigeslove doesn't feel right and wrong but sometimes it feels like what better person they want to love.