"YUMI POV"
Nakarating na kami sa aming taguan kung saan walang makakaalam, puwera nalang kong may makasunod talaga sa amin na hindi namin malalaman.
Pero kahit na ganon, ginagawa parin namin ang lahat para lang hindi kami madamay dito! pero gaya nga nang sinabi ko mukhang malabo nayon dahil pinasok na namin ang isa sa mapanganib na gagawin kaya wala na kaming magagawa kung hindi ang tatagan ang loob namin, mahirap na baka isa sa amin ay madidihado.
Nang makapasok na kami agad kaming napansin ni Samantha, e kasi naman puno ng CCTV 'tong tinutuluyan namin.
"Ano? kamusta ang lakad? si Knight? ayos lang siya? pag-aalala agad ni Samantha sa amin.
"Hindi ko masabing maganda ang naging lakad namin ngayon! Pero kinakain kami ng takot at pangamba ngayon! sabi ko na pagod na pagod at umupo nalang sa upuan.
"Yan nanga yung sinasabi ko eh! sabi niya nang nakakamot ang isang kamay niya sa nuo niya.
"Ops! Ops! Ops! relax lang Samantha? alam ko na natatakot ka pero lakasan lang ang loob natin ngayon! mas ayos nanga ito eh! kasi Survival 'tong ginagawa natin! dahil kung hindi dahil kay Knight tambay nanaman tayo at walang ginagawa! sabi ni wilson na masaya lang at walang pinoproblema.
"Alam mo ikaw? mas lalo mo'kong pinakakaba! baka gusto mong sabihin ay dahil kung wala si Knight maganda 'tong buhay natin dibah? sabi ni Samantha!
"Whoa! Whoa! Whoa! Stop na muna, parang poul ka don... dibah tinanggap naman natin toh! okay! walang kasalanan si Knight dito! magkakaibigan tayo dibah? at ang magkakaibigan nagtutulungan! Pakiayos na sabi ni Yumi na tila nahihirapan pa siyang ayosin yun! Nilingon ko si Rex at binigyan ng sign ng mata ko! ibig sabihin ng sign na yun? dapat siyang may gawin para maging maayos lang ang lahat! at kita ko sa mata niya na parang hindi siya nakaintindi kata inulit ko na.
"Okay, Samantha? napangiting sabi ni Rex.
"Ouhm? napalingon naman si Samantha at ako naman ay pumasok na sa computer lab ni Kurt.
"Alam mo ginagawa na ni Knight ang lahat ngayon! at isa pa magiging maayos ang lahat! sabi ni Dabs, na mukhang inulit niya lang ang sinabi ko.
Nang makapasok na ako at sinara ang pinto, ay hindi ko na sila marinig...
"Buti naman at ayos lang kayo! salubong ni Russell sa akin.
"Oo nga eh! mahirap yung ginawa namin don ah! pero isang matagumpay ang misyon na iyon! dahil kung hindi natin agad nakita yun Hindi natin sila maliligtas. Sabi ko nang may ngiti, at agad niya akong binigyan ng kamao at sinabing "Good Job." at ganon narin ang ginawa ko.
"Tika lang si Rob? nasaan siya? napatanong ako pagkatapos.
"Alam mo naman, kumakayod! nandon siya sa Tatoo shop niya..
"Kaya nga! ---at ang genius na hard working naman natin ay ginagawa ang lahat basta safe lang kami. tinutukoy ko si Kurt.
"Wag mo na akong bolahin! mahirap kaya 'tong ginagawa ko! sabi niya.
"Eh sa dami naman ng connected na TV sa laptop mo mahihirapan ka talaga, matukoy mo lang ang kalaban natin! sabi ko pang ganon.
"Pero alam mo Yumi! may nakasunod talaga sa inyo kanina! pero napahinto siya eh! tignan mo'to. napatigil ako sa sinabi niya sa akin, at napatingin agad sa ipinakita niya. "Mula sa CAM21 hanggang CAM28 kitang kita na kahit gaano na kayo kalayo ay sinusundan talaga kayo! Pero wala na akong makita mula sa
CAM29 hanggang CAM 40 papunta sa atin.

YOU ARE READING
KILL YOUR HEART
Casualelove doesn't feel right and wrong but sometimes it feels like what better person they want to love.