"KNIGHT POV"
Nagulat nalang din talaga ako ng makita ko ang mama ko dito sa loob ng Hospital at may dala pa talagang kutsilyo. Ano kayang nangyayari sa kanila sa bahay? Nakakapagtaka naman!
Hindi man lang naawat si mama sa gate ng hospital? Sa dami ng police nang nagkalat dito hindi man lang siya napansin si mama na may dalang kutsilyo!? Grabe naman, nanay ko palang ay tila walang binatbat ang mga police dito. Pag Oras na nakatakas ang kuya ko? mawawalan na kami ng impormasyon.
Niyakap agad ako ni Mama at umiyak narin siya habang kinukuha ko ang kutsilyo sa kamay niya.
"Knight!? Gusto ko makita ang Kuya mo! dalhin mo ako sa kanya pwede bah!? nagmamakaawang sabi ni Mama.
"Opo, pero ano bang nangyayari? bakit kayo naparito!? dilikado sa labas e, paano pag may nangyari sayo!? pag-aalala na sabi ko.
"Yaya Mel? ano ito? ba't kayo naparito!? si Zelle.
Bigla nalang napaiyak si Yaya Mel at nagmamakaawa pero wala naman siyang luha na nailabas, habang si Manong walang magawa kung hindi ang mahiya. Lumuhod pa si Yaya Mel para lang kaawaan talaga siya.
"Patawarin niyo po ako Ma'am Zelle! hindi ko naman talaga siya pinapayagan na lumabas o pumarito eh! e kaso nagpupumilit siya na pumunta dito! e pagkatapos niyang manuod ng Balita nagkakaganyan na siya. E gusto niya raw makita ang Panganay niyang anak! kaya ma'am wala talaga akong magawa... e ito din naman kasing si JokJok! ayaw niyang i hinto ang sasakyan e. sabi ni Yaya Mel... at mukhang tapos na siyang magpaliwanag at dinamay niya pa si Manong.
"Ano!? --- Ma'am Zelle hindi po yun sa ganon! kaya ko po nagawa yun kasi po tinutukan niya ako ng kutsilyo kaya wala po akong magawa at pinaandar nalang yung kotse. Sabi ni Manong na lumuhod din agad matapos siyang idamay ni Yaya Mel at may pa Pray Hand pa siyang nalalaman.
Nagulat talaga ako sa sinabi ni Manong at napatingin kay Mama, nahiya naman siya sa akin. Naiintindihan ko si Nanay pero bakit naman humantong pa sa ganon!
"Mah!!! Bakit mo naman yun ginawa!? gulat na sabi ko.
"Pasensya na anak, gusto ko lang naman makita si Zoren, sa tagal ng panahon na hindi ko siya nakita ngayon lang uli na pwede ko siyang mayakap at makita, pwede bang pagbigyan mo ako? Baka kasi huli na ang lahat para muli ko siyang makita. pakiawang sabi ni Mama.
"Oo naman Mah! pero hindi sa ganito! Alam ko at naiintindihan ko naman kayo, alam kong nangungulila ka pero delikado sa labas e! buti nga walang nangyaring masama sa inyo! Pag nangyari yun ako pa tuloy mag-aalala sayo. May halong galit na sabi ko.
"E sabik na sabik na akong makita ang Kuya mo Knight, kaya pwede bah? samahan mo'ko? ganon parin siya.
"Ahm sigeh na Knight! samahan mo na ang Ina mo, at bibili narin ako ng kakainin natin mamaya. Sabi ni Zelle.
"Hindi pwede, sasama ako... mahirap na baka----
"Magpapasama nalang ako ng Police, para di kana mag-aalala. sabi niya agad habang nakatingin pa sa akin..
"Mmm tama, sigeh... samahan ko lang si Mama, mag-iingat ka parin. sabi ko.
"Kaya ko ang sarili ko, wag kang mag-aalala. Police ako at kaya kong ipaglaban ang sarili ko. sabi niya.
"Sigeh.
Pumunta na kami ni Nanay sa taas, At hindi ko na nilingon si Zelle.
.
"ZELLE POV"
Parang tingin ko bigla okay na kaming dalawa, okay naman kaming dalawa kanina pa pero iba kasi ang pakiramdam ngayon. Parang yung may halaga ka.

YOU ARE READING
KILL YOUR HEART
Randomlove doesn't feel right and wrong but sometimes it feels like what better person they want to love.