CHAPTER 8

18 10 1
                                    

APRIL 5, 2000

"FELIX ELEMENTARY SCHOOL"

Ito ang araw kung saan nandito ako sa school namin kasama ang tatlo kung kapatid at ito rin ang araw kung saan bully ako at birthday ng mama ko, magka-iba naman kami ng room ng mga kapatid ko kaya hindi kami magkasama ngayon.

Uwian na matapos magturo ang mga guro sa amin, nagsilabasan narin ang mga kaklase ko, maliban sa apat na nag-aabang sa akin. Hindi ko maiwasang patingin-tingin sa kanila habang pinasok ko ang notebook sa bag ko.... wala naring tao maliban sa amin. Patayo na ako ng nilapitan nila ako!

"Ano? nasaan na yun pera namin! sabi nong isa habang sinapak ako sa braso.

"wala akong pera ngayon! hindi ako binigyan ni mama. Ni wala nga akong ulam ngayon ehh...  tahimik na paliwanag ko kasabay ng takot at walang kalaban laban.

Tinawanan lang nila ako, dahil hindi sila naniniwala sa akin.

"Magsinungaling ka pa!? Ilabas mo nalang ng hindi ka namin sasaktan! sabi naman ng leder-lederan nila.

"wala nga! sabi ko naman habang yakap-yakap ang bag ko.

"Nakalimutan mo na ba yung sinabi namin kahapon!? pag di mo yan ibibigay ang pera mo!? ikukulong ka talaga namin sa madilim at nakakatakot na room na yun! nananakot niya sa akin.

"Ano? ibigay mo na! sabi naman nong isa habang tumatawa.

"Wala nga akong pera! pamimilit ko pa, Sa totoo lang meron talaga akong pera, at di ko kayang ibigay sa kanila at hindi pwede ngayon. dahil birthday ng mama ko ngayon, may bibilhin sana ako na paborito niya. tatlong araw ko pa naman tong pinagiipunan tapos ganito lang ang mangyayari, kukunin lang nila sa akin ng walang awa. Lagi rin nilang ginagawa to sa akin tuwing lunch break. kaya wala akong magagawa dahil wala rin naman akong kalaban laban.

Namimilit ako na makaalis pero tinulak ako nong isa at natumba ako, Sinuntok ako sa tiyan ng leder-lederan nila at pinagtatawanan lang ako, Dahil wala akong maibigay binugbog nila ako hanggang sa kinuha nila yung bag ko.

Nakita nila ang pera sa lagayan ko pero di nila kayang buksan yun dahil na sa bulsa ko ang susi.

"akala ko ba wala kang pera! sabi niya.

"Akin na yan! para sa mama ko yan! tumayo ako at gustong agawin ang alkansiya ko pero wala akong magawa ng bigla niyang pinasa sa kasama niya at natumba uli ako...

Pilit ko itong hinabol pero sa maliit at mahina kong galaw wala akong magawa kung hindi ang mahirapan ako sa pinang-gagawa sa akin.

"Kung sinabi mo sana sa amin kaagad di sana hindi kana mahirapan pa! anga pa na sabi Niya.

Napaiyak naman ako.

"Eh paano yan, ang hirap buksan ng alkansiya niya! metal ata at mahihirapan tayong basagin yan. sabi pa nang kasamahan niya.

"marami namang paraan para mabuksan yan. dagdag ding sabi nong isa.

"matagal pa yan!? bilisan niyo diyan.... sabi din nang isa habang nagbabantay sa pintuan.

"mabubuksan natin to!.... kung ibibigay niya ang susi! sabing napatingin sa akin.

"susi? anong gagawin natin sa susi!? tanong nong isa na tila nagtataka.

"bobo ka ba!? ehh malamang para mabuksan natin toh! sabi niya na parang galit pa.

"Hanip pala yung alkansiya niya. disusi.
napatawang sabi nong isa.

"ano? ibigay mo na!

"Anong ginagawa niyo sa kapatid ko! Napalingon kaming lahat ng marinig namin ang boses ng kuya kong si Zoren pagkatapos niyang bogbogin ang isa don sa pintuan. Parang wala ng malay at duguan pa.

KILL YOUR HEARTWhere stories live. Discover now