Copyright © Grace Lang, 2014
All Right Reserved.
Isang malaking eskandalo ang kinasangkutan ko na hindi ko inasahan, ngunit hindi kagaya ng ibang eskandalo hindi ko ito ikinakahiya ni pinagsisihan.
Isang napakagandang eskandalong sana lahat ng tao hindi lang masaksihan, hindi lang malaman, kundi maranasan.
Ito yung tipo ng eskandalong gusto kong ipagsigawan hindi lang sa loob ng puso ko, hindi lang sa loob ng utak ko, ni sa loob ng panaginip ko. Hindi sa silid ko, hindi sa C.R., at hindi sa tahimik na lugar at walang tao.
Ito ay isang eskandalo na hindi mapigilang ipagsigawan at ipanganlandakan sa daan. Hindi mapipigilan ang nagtataeng tinta ng pluma; Hindi mapipigilan ang litanya ng isipang ipagsigawan sa pamamagitan ng mga titik at letra ang eskandalo ng Kanyang biyaya at habag, pag-ibig at wagas na pagsinta sa akin at sa maraming taong nakakasalamuha ko.
Hindi ko sinasabing perpekto akong tao, ngunit sinasabi kong kaya kong maging kung sino man ako maging gusto Niya sa buhay ko.
Tama, hindi dahil sa sarili kong kakayahan dahil ako, kagaya ng sinoman ay walang maipagmamalaki.
Kaya ko, dahil sa habag Niya. Kaya ko dahil sinabi Niya.
Ako si Grace Lang, yung eskandalong kinasangkutan ko ilang taon na ang nakakaraan, eskandalong hanggang ngayon sariwa pa sa isip ko, ay siya rin eskandalong ipinagsisigawan ko saiyo at sa mga taong makakabasa nito.
Ipagsisigawan ko kung paano ako nasangakot at hanggang ngayo'y nasasangkot sa eskandalong ito na naganap 2000 years ago.
Huwag kang mag-alala hindi ako nahihiya. Ipagsisigawan ko.
Alam ko kasi babalik Siya.
~~~~~~
A/N:Mula nang maapunta ako sa mundo ng wattpad nganga ako sa mga techniques kung paano ba mapapaganda ang pagshare ko.
Kaya ngayon lang din ako nagkaroon ng prologue kung kailan nakailang chapters na ako. (Hindi ko nga alam kung prologue ba'to).
Naisip ko ng lagyan kasi humahaba na ang eskandalong kinasasangkutan ko.Salamat saiyo na may time magbasa! Paki-indorse naman sa iba. :D
To God be the Glory!
BINABASA MO ANG
# Scandal of Grace
SpiritualIsang malaking eskandalo ang kinasangkutan ko na hindi ko inasahan, ngunit hindi kagaya ng ibang eskandalo hindi ko ito ikinakahiya ni pinagsisihan. Isang napakagandang eskandalong sana lahat ng tao hindi lang masaksihan, hindi lang malaman, kundi m...