1

10.7K 180 12
                                    


Isang lalaki ang nakatayo sa nakabukas na pinto ng kwarto. Matangkad siya, na may taas na 6'2, moreno, at matipuno. Nakasuot siya ng brown na polo shirt at itim na pantalon. Clean-shaven, matangos ang ilong, mapungay ang mga mata na binagayan ng makapal na kilay at mahabang pilikmata. Sa edad na beinte kuwatro, kilala na si Marcus Del Pierro sa larangan ng negosyo. Madalas makita ang kaniyang mukha sa mga magasin kasama ang ilang sikat na chef dahil sa kaniyang sikat na chain of restaurants sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.

"Do you like to eat dinner? I can order food if you want?" tanong ni Marcus. Nakatingin siya sa banyo habang nakabukas ang pinto. Maririnig ang marahang pagbuhos ng tubig mula sa gripo.

"Sure. I'll take the wine. I need to go home," sagot ng babae sa tanong niya.

Sumandal si Marcus sa pinto at inilagay ang kanang kamay sa bulsa ng pantalon. "Are you sure you don't want to stay?" Tumikhim siya at pilyong ngumiti. "You know, Dionne, you can just say it?" Napadako ang tingin niya sa kama, makikita ang isang king-size bed na nababalutan ng itim na kumot. Malawak ang kwarto na napapalibutan ng glass windows. May nakasabit na dalawang abstract paintings sa puting pader, may 70-inch wall TV na pinaganda ng mga ornamental plant sa gilid, at kapansin-pansin ang malaking aquarium malapit sa black leather sofa na bumagay sa Persian carpet. Bahagyang nakabukas ang pulang kurtina, at sa labas, makikita ang kumikislap na mga gusali.

"No, to your first question." Lumabas ang babae sa banyo. Nakasuot lang na itim na bra at lacey panty. Nasa 5'10 ang tangkad, slim ang legs, well-toned ang mga braso, at malaman ang dibdib. Tumingin si Dionne sa dako ni Marcus. "Say? What?" nakakunot-noong tanong niya at bahagiyang nagsalubong din ang kilay. Halatang hindi masiyadong gumagamit ng eyeliner dahil natural ang kapal at perpekto ang kurba ng kaniyang kilay. Bumagay din sa maliit na mukha ang maliit na nunal sa kaliwang kilay, mapungay ang mga mata na mukhang laging inaantok ngunit mas nakakaakit tingnan dahil parang tinunaw na tsokolate ang kulay ng kaniyang mga mata.

"Wala akong maalala, Marc? I mean...may nakalimutan ba ako at kailangan mo akong i-remind?" Pinulot ni Dionne ang white blouse sa sahig at sinuot. Sabay din tinali ang buhok na abot-balikat at sinuot din ang black fitted mini skirt.

Tumikhim si Marcus. "You don't want to stay? Dito ka na muna matulog, it's late, bukas ka na umuwi," paanyaya ni Marcus at naunang pumunta sa malawak na kusina, binuksan ang cupboard at kumuha siya ng dalawang wine glass.

Umupo si Dionne sa mahabang stool na malapit sa kitchen island. "You left me unsatisfied, I need to take my frustration to my bed." Nakangiting biro niya.

"That's not what I heard a couple of minutes ago," makahulugang sagot ni Marcus at umangat ang gilid ng labi. Kumuha siya ng isang bote ng wine, binuksan gamit ang corkscrew at ekspertong binuhos sa dalawang baso.

"Uh-uh. What did I say?" Mapanghamong tugon ni Dionne sabay umarko ang kanang kilay at paharap na sumandal sa counter.

"Oh! Harder!" Natatawang turan ni Marcus nang inilapag ang dalawang baso ng alak sa counter at umupo sa tabi ni Dionne.

Isang matulis na heels ng sapatos ang sumipa sa paa ni Marcus. "Ouch! Please don't hit me!" tumatawang biro ni Marcus at bahagiyang napangiwi sa sakit.

"You deserve it!" nakangiting depensa ni Dionne.

"Okay!" Tumikhim si Marcus at seryosong tumingin sa katabi. "So?"

"So?" Inulit ni Dionne ang tanong at uminom ng alak.

"When are you going to tell me that you're in love with me?" ulit na tanong ni Marcus.

Napaubo si Dionne nang masamid sa alak. "A-anong klaseng tanong 'yan?" Tumatawang sagot niya at napailing.

Dandelions in the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon