Kabanata 12: Ang kabiguan ni CersaNakatingin sa kaniya ang lahat na may pagmamaliit. Nagsimula ang bulungan sa iba't ibang panig ng mga Assasin maliban sa simbolo bandila na dahon nanatili tikom ang bibig.
Sa kabilang banda si Cersa palihim ngumiti. Nagduda na siya sa katauhan ng binata, wala siyang maalaala, isang taon na ang lumipas matapos pabagsakin ng hukbo niya ang Angkang ng Membre. Sa dami napatay ni Cersa hindi niya matandaan ang pangalan, ayon sa kaniyang mga tauhan nag tagumpay ang mga ito na patayin ang lahat ng nakaligtas.
Nag balik sa realidad si Cersa na marinig ang ingay na likha ng ika-anim na Grandmaster. Napatingin siya sa unang Grandmaster na tumayo ito.
“Hindi ko lubos akalain sa unang araw pa lang ng kaganapan dito sa Assassin. Nagawa mo na labagin ang batas, batas na hindi naman mahalaga. Tama ganyan nga, ang isang Assassin aalis na walang paalam.”
Hindi makapag salita ang ibang Grandmaster. Si Grandmaster Pipa ang may pinakamalakas na kapangyarihan at antas.
Hindi inaasahan ng lahat maging ang mga kasama Grandmaster. Sa unang pagkakataon nag salita ang unang Grandmaster tungkol sa mga bagong Assasin na sumali.
Binawin ng mga Grandmaster ang aura. Napabaling ang tingin ni Grandmaster Pipa sa bagong Grandmaster matapos makatayo si Zwin.
“Bagong Grandmaster tanggapin mo ang hamon namin mga Grandmaster na subukin ang kakayahan ng sandata ng mga bagong Assassin.”
Napatayo ang mga Assassin, hindi makapaniwala ang lahat sa unang pagkakataon ngayon lang nangyari sa bagong Grandmaster Assassin na sa mga bagong Assassin pa i subok ang lakas, at kaalaman pag dating sa mga sandata.
Nasa isip ng lahat na hindi mahihirapan ang bagong Grandmaster, kahit hindi na kailangan pa nito bigyan ng buong atensyon maliban na kung hindi talentado at kulang sa kaalaman ang bagong Grandmaster.
“Tanggapin mo ang hamon bago ka maging ganap na Grandmaster. Hindi ka nararapat umupo kasama namin sapagkat isa ka lang Master. Hindi ba?”
Napakagat sa ibaba ng labi si Cersa. Isa ito sa kaniyang pangarap na makatapak sa Grandmaster Assassin Nation at Grandmaster Assassin Star.
Hindi nag alinlangan na tinanggap ni Cersa ang hamon sapagkat mga baguhan lang naman ang kakalabanin niya para sukatin ang talento mayroon sa sandata.
Tumalon siya sa ibaba at lumapag sa sahig na nanatiling nakatayo. Napaatras si Cersa na ihagis sa kaniyang direksyon nadaplisan ang pisngi niya sa sobrang bilis ng dagger. Nag laho ang dagger at bumalik sa kamay ng may-ari.
“Sa nakikita natin hindi inaasahan ni Cersa ang atake mula sa mga bagong Assassin. Kasalukuyang iniiwasan at sinangga ang bawat atake ibinato ng apat kay Cersa maliban kay Ginoong Stellar nanatiling nanonood,” paliwanag ni Evan.
Si Cersa nasa Master ng ika anim na bituin, kaunting pag cultivation na lang para tatapak sa susunod na antas si Cersa.
“Kakaiba ang mga talento mayroon sila. Bakit hindi pa kaya kumilos ang isang yun, mukhang na takot ko.”
Patuloy ang pag palitan ng atake, kahit mataas ang antas ni Cersa nagawa ng apat na bigyan siya ng mga pasa at sugat.
Tumilapon ang apat matapos ibalik sa kanila ang atake. Natuwa si Cersa aa kaniyang nagawa ngunit hindi naglaon lumitaw sa kaniyang harapan si Ziwin.
Ginamit ang pamaypay na ikinaatras ni Cersa ng ilang metro. Mabilis tumakbo si Cersa saka tumalon na malapit na siya kay Ziwin ngunit hindi pa man lumapat ang sandata ni Cersa sa paypay ni Ziwin, nagawa na pumulupot ang ribbon ng Spear sa katawan ni Cersa.
Nasunog ang ribbon na naging dahilan na walang sa kontrol ang babae. Nagawang mailag ni Ziwin sa tamang oras na ibato ni Cersa ang espada na tumama sa sahig.
Hindi maiwasan ng mga Grandmaster na namanghan masaksihan ang mga pangbihrang sandata na gawa mismo ng mga bagong Assassin.
Nahihirapan si Cersa sa bawat atake ng lima na mag kasunod sa bandang huli siya ang nanalo nakaluhod habang nakapikit ang kanang mata.
“Ikinalulungkot ko sabihin sa iyo, hindi mo pa oras tumapak sa Grandmaster Hall. Wala ka ng Karapatan para bumalik sa upuan ng Grandmaster.”
Matapos marinig ni Cersa ang hatol ng pinuno ng Grandmaster para siyang nawalang ng lakas. Umalis ang mga Grandmaster kasabay ang lahat.
Sa kabilang banda nagdiwang si Ziwin sa nangyari kay Cersa. Nahinto ang kaniyang pag iisip ng lumapit ang tatlong babae na mula sa simbolo ng bandila ng dahon. Sumabay ito sa kaniyang paglalakad.
“Anong sadya niyo mga Binibini?”
“Nandito kami para batihin ka sa tagumpay mo ngayon araw. Bukas malalaman mo rin ang dahilan ng pag lapit namin sa iyo. Huwag mo sana kami biguin.”
Hindi nakapag salita si Ziwin nakatingin sa tatlo na kasalukuyang papalayo sa kaniya. Lumingon siya sa huling pagkakataon sa direksyon ni Cersa na hindi gumalaw.
“Sino siya?”
Napahawak sa dibdib si Ziwin sa gulat na sumulpot ang kaluluwa. Nag madali siya bumalik sa bahay nila upang makausap ng maigi ang kaluluwa si Valencia. Mahirap pag may nakakita sa kaniya nagsasalita mag-isa baka iba ang isipin sa kaniya.
Hindi pinansin si Ziwin ng mga bantay, pumasok siya sa loob habang nakikinig sa kaluluwa ng kung ano ano na lang sinabi sa kaniya. Pumasok sa kaniyang kwarto saka sinigurado nakasara ang pinto bago umupo sa kama.
Samantala sa master hall hindi maganda ang pakiramdam ni Cersa patungo sa library. Iniisip niya ang nangyari kanina, hindi niya pa rin natanggap na bumagsak siya sa ikalawang pagsusulit. Kung sakali nakapasa siya baka kanina na anonsyo ng pinuno ng mga Grandmaster na kabilang na siya sa kanila.
“Ang antas ko bilang Adventure nasa huling hanggan na ng diamond, tatapak na ako sa susunod na ranggo pero hindi pa rin sapat iyun. Lalo na ang antas ko bilang Assasin nasa Master Assassin Star. Kung magagawa ko makatapak sa susunod na ranggo baka mag tagumpay ako na makapasok sa Grandmaster.”
Huminto si Cersa sa harap ng library. Pumasok siya sa loob bumungad sa kaniya ang nakalutang na mga libro na kulay itim. May iba't ibang ranggo ang nandito tungkol sa taktika at impormasyon sa bawat ranggo maliban sa ranggo ng Grandmaster, Old Legend, At New Legend.
Natigilan si Cersa na makita ang libro tungkol sa kapangyarihan ng mga elemento. Tumatalon sa saya ang puso ni Cersa, sa mahabang panahon na pagsusumikap na mahanap ang libro tungkol sa elemento para mas lalo lumakas ang kaniyang kapangyarihan at kaalaman.
“Ngayon ko malalaman kung ang lalaki yun ay kabilang sa Angkan na pinabagsak ko. Sa oras na malaman ko taglay niya ang elemento ng lupa. Ibig sabihin lang nito kabilang siya sa mga nakatakas.”
Hindi matandaan ni Cersa kung saan kabilang si Ziwin sapagkat sa taong yun marami siya pinabagsak na angkang na may taglay ng elementong lupa.
Ang ikinabahala niya. Kung bakit nandito ito sa Assassin at hindi nandito lang kung hindi sumali pa ito sa Assassin.
BINABASA MO ANG
Shadow Of War: Assassin's Sector
FantasyBook 1: The Power Within: Ziwin's Journey Book 2: Shadow Of War: Assassin's Sector Tinanggap ni Ziwin ang mapanganib na misyon, at natapos niya ito na puno ng mga katanungan. Sa kanyang pag-uwi, naligaw siya ng daan at napadpad sa teritoryo ng Ass...