Kabanata 22: choosing to send on a mission
Maaga kumalat ang balita nag bago ang isip ng batang babae nag anunsyo sa Rank list. Walang nakakaalam kung bakit maaga ang Rank list.
Walang magawa ang lahat ng Assassin's Kahit abala sila. Kailangan nila dumalo sa Rank list upang mapanatili ang ranking.
Gaganapin ang ranking list sa Legend Hall na ikinagulat ng lahat. Sa unang pagkakataon nakakapasok silang lahat. Wala siyang ideya kung bakit bigla inilipat ang rank list.
Sa labas ng Legend Hall maraming Assassin ang naghihintay sa pag labas ng Legend Star na si Pipa. Samantala tahimik nagmamasid si Ziwin sa paligid.
Lumipas ang isang oras na paghihintay lumabas na ang Legend Star. Hindi inakala ng lahat ang batang babae taga anunsyo.
“Magandang Araw. Alam ko nagtataka kayo kung bakit hindi ang mga Legend Star ang narito sa inyong harapan. Alam ko kilala niyo na ako taga Anusnyo ngunit sa akin tunay pangalan ay hindi.”
Nagsimula ang ingay sa paligid, kaniya -kaniya saloobin ang lahat.
“Nais kong ipakilala mismo ang aking sarili. Ako si Legend Aira!”
Natigilan ang lahat. Matagal na hindi umiral ang kilalang Assassin's na kinatatakotan ng dalawang kaharian. Ang dating hari ng Helliz Kingdom ay na talo niya sa labanan na naging sanhi ng kamatayan at pumalit ang hindi pa handa na maging hari.
Akala ng lahat namatay na ito sa pakipag laban sa Hari ng Venus Kingdom. Sa panahon iyong hindi pa ganap na Legend si Aira.
Ang tanging makakaapak sa Legend Star may makasaysayan na gawa at na mastey ang weapon at elemental power.
Nakilala ng lahat si Aira na Snow Assassin's Legend Star sa panahon yun. Hindi maiwasan ng karamihan ang matakot lalo nabalitaan nila mahigpit ang pagbigay ng rank list nito.
Napatingala ang lahat na bumuhos ang Snowflake na ikinabigla ng lahat. Sa kisap mata maraming bumagsak na Assassin's na dumapo sa kanila ang Snowflake.
Nalilito ang lahat ng inutusan ni Aira ang mga Alipin na alisin ang mga Assassin's na bumagsak.
“Ngayon nakikita ko ang hindi karapat-dapat na makilahok sa Rank list. Wala na sila pagkakataon makapag rank up.”
“Humihingi ako ng paumanhin sa inyong lahat. Nag bago ang pamamaraan para mag rank list. Ngayon opisyal ko ipaalam sa inyo. Kung nais niyo umangat ang iyong antas sa paging Assassin's. Kailangan niyo kalabanin ang mas angat na antas sa inyo!”
Na alerto ang lahat na umagat ang tinatapakan nila sa eri. Lumitaw ang harang sa palibot na likha ng isa pang Legend na si Pipa.
Kahit hindi na sabihin ng mga Legend ang patakaran ay ka agad nag simula ang labanan.
Samantala si Ziwin walang kahirap hirap na tinalo ang nagbabalak na patayin siya ng palihim. Nalaman niya Kay Valencia ang bagong Rank List malaya ang pumatay.
Hindi siya nag dalawang isip na tapusin kahit nakaramdam siya ng awa. Dahil nang pinabayaan niya ang nagmamakaawa Assassin's, inatake siya nito ng palihim muli.
Hindi niya sinubukan gamitin ang kaniyang elemento lalo na Angkang ng Monar ay nag Kalat. Ang tanging gamit niya ang Thousand Fan blade niya at balak niya gamitin ang taktika ni Valencia na Duplicate. Ngunit napagtanto niya agaw pansin ito.
Maraming umatake sa kaniya ng sabay. Wala na siyang pag piliian kung hindi gamitin ang taktika ng Leaf Clan.
Malapit na tumama ang atake sa kaniya ngunit kasabay lumitaw ang usok sa buong katawan niya. Sa kisap mata ang hangin ang tinamaan ng atake ng mga Assassin's.
Napatawa siya ng malakas na bumagsak ang mga ito nanginginig ang buong katawan. Napansin ni Ziwin ang tingin ng dalawang Legend Star sa kaniya.
“Nagamit niya ang technique ng Leaf Clan sa maikling panahon. Ano sa tingin mo Pipa?”
“Mukhang ganoon na nga. Nakakasiguro ako sa maikling panahon maabot niya ang antas ng Master.”
Tumalon pa atras si Ziwin na hinampas siya ng espada ng lalaki na mula sa Monar. Hindi niya malilimutan ang pagmumukhang ito. Isa ito sa pumatay sa mga Elder sa Membre.
Hindi siya natatakot o na apektuhan ng atake. Ngunit kailangan niya mag panggap para mapaniwala ang lahat na isang siyang mahina Assassin's. Kahit kaya niya ito patayin ng walang kahirap hirap.
Tumalon siya paatras na muntik na tumama sa kaniya ang marahas na atake ng kalaban.
“Natutuwa ako makita ka muli.”
Natigilan ang lalaki sa kaniyang narinig. Pagkakataon na niya atakehin ito. Hindi na siya nag dalawang isip na gamitin ang pamaypay.
Sa bawat hampas ng pamaypay kasabay lumabas ang mga dahon patungo sa kalaban. Walang kahirap hirap na sinira ng isang Monar.
“Madaya ka bata. Nanabik ako patayin ka lalo na may kinalaman sa kalikasan ang ginamit mo na taktika.”
Nagmamadali sumulong ang lalaki at ganoon din si Ziwin. Maririnig ang banggaan ng dalawang sandata na walang tigil sa pag atake at sangga.
Sa huli na gawa ni Ziwin tadyakan ito ng malakas na ikinatilapon nito.
“Pangahas ka!” galit na wika ng lalaki na tumama ang Monar sa kaniya na naging sanhi na ikinatumaba nito.
Kahit nakahiga ang lalaki madali niya pinatay ang Monar sa isang atake. Kahit si Ziwin ay nabahala dito. Sa oras na mag laban sila ng lalaking ito. Baka hindi niya mapigilan ang sarili ang ilabas ang totoong niyang lakas.
Nakahinga ng maluwag siya na tumunog ang kampana.
“Hindi ko inaasahan may mamatay ngunit huwag kayo mag alala nasa ilalim namin ng kapangyarihan ang nangyari sa arena. Ang lahat na namatay sa loob ng Arena ay pandalian lang.”
Kusa nagpagulong gulong ang katawan ng walang buhay hanggan bumagsak sa ibaba. Hindi nag tagal nagkaroon muli ito ng buhay.
“Hindi ko na kailangan sabihin ang pag angat ng ranggo niyo sa Assassin's. Kusa niyang aangat sa tamang oras. Opisyal ko i anonsyo tapos na ang Ranking List.” matapos mag salita ni Aira bumalik na ito sa loob ng Legend Hall.
“Bweno ang ipapadala sa misyon ay makakatanggap ng Sound Bell. Sa hindi nakakaalam ang Sound Bell ay isang uri ng Artificial, may kakayahan mag padala ng mesanhi sa nais niyo padalhan.”
Sa kumpas ng kamay ni Aira kasabay nag silitawan ang maliit na gintong kampana sa mga napili.
“Paalaala tatlong beses magagamit ang Sound Bell. Sana mawalang malagas sa bawat Angkang ang napili ipadala.”
Hindi na rin ito mag salita pagkatapos. Tinapunan sila ng mapanuring tingin bago pumasok sa Legend Hall.
Napansin ni Ziwin ang bawat Angkang napili ipadala ay may tatlo o apat na bilang.
“Mapanganib ang misyon gumamit pa ng Artificial. Tama si Aristotle hindi ganoon kadali ramdam ko na,” mahinang sambit nito.
BINABASA MO ANG
Shadow Of War: Assassin's Sector
FantasyBook 1: The Power Within: Ziwin's Journey Book 2: Shadow Of War: Assassin's Sector Tinanggap ni Ziwin ang mapanganib na misyon, at natapos niya ito na puno ng mga katanungan. Sa kanyang pag-uwi, naligaw siya ng daan at napadpad sa teritoryo ng Ass...