Kabanata 16

82 10 0
                                    


Kabanata 16: Information About Monar

Hindi maiwasan namangha ang binata, umabot sa punto kuminang ang mata sa kaniyang nakikita mga libro. Sa likod ng rebulto na agaw pansin niya na makita ang nakalagay na “Poison Technique at Poison History” sa kagustuhan niya mabasa ito. Lumapit siya sa rebulto na walang ingay na ginawa. Nang makarating sa rebulto doon niya nakita ang nakaukit sa tinapakan nito.

“Lady Marry Rose.”

Intersado si Ziwin na malaman ang tungkol sa rebultong ito. Lumapit sa lalagyan ng mga libro. Kumuha siya ng isang libro at binasa ang pabalat ng libro. “The Lady Marry Rose” binuklat niya ang libro.

Sinimulan basahin gamit ang isip. Si Lady Marry Rose ay hindi nagmula sa mundong ito na ginagalawan ng mga tao. Dumating siya sa mundong ito upang ibahagi ang kaalaman sa lason at gamot. Kinilala siya ng lahat na Lady Marry Rose ayon sa kaniyang kakayahan na taglay ang liwanag. Sa kaniya nag mula ang lahat ng kaalaman sa liwanag sa mundong ito. Kahit sino man ang pwede matuto sa liwanag ngunit tangi may malinis na puso lang ang maari mag taglay nito pag na abot ang legend star rank.

“Kung ganon mukhang nakatagpu ako ng mahalaga Impormasyon.”

Mabilis nilipat ni Ziwin ang pahina, hindi niya na binasa ang kabuohan kwento. Huminto sa pahina na may letrato ni Lady Marry Rose.

Napakagandang nilalang, matulis ang tenga, matangos ang ilong, mapulang labi, kulot ang mahabang buhok hanggan beywang, maamo ang mukha na para bang isang anghel.

Sa ibaba ng letrato nakasulat ang mahalagang impormasyon.

“Si Lady Marry Roses ay isang elf na mula sa ibang mundo. Malapit sa kalikasan, hindi nakakapagtaka na taglay niya ang liwanag.”

Paglipat sa sunod na pahina bumungad ang taktikang nakasulat ng detalyado.

“Light Connection?” takang sambit niya.

Ang light connection ay sinaunang taktika na mula sa lahi ng mga elf. Malapit sila sa diyos ng liwanag at kalikasan. Ang kakayahan ng light connection ay kaya komonekta  sa liwanag ng araw.

Blanko ang nakasulat sa sumunod, hindi na alam ni Ziwin. “Kahit ganon pa man na hindi kompleto ang nakasulat, maari ko subukan ito sa susunod na araw.” ibinalik ang libro matapos basahin ang huling pahina.

Samantala sa labas ng Poison Hall nakatayo ang lalaki na tinatawag na panginoong ng tatlong babae.

“May paparating mukhang napaaga yata ang kaniyang pagbabalik.”

Isang batang babae ang nakasakay sa dahon  habang umaawit na tela maganda ang araw. Bumagsak ang dahon sa sahig na walang ingay na nagawa.

Tumayo ang batang babae saka umalis sa dahon. Hinawakan ang dahon ng bata na pinaglaho nito.

“Kumusta Chango?” malamig na wika ng lalaki.

“Panginoong, ikaw ba yan?” nanglaki ang mata nito.

“Ako nga, hindi ko inaasahan napaaga ka, pumunta na ako dito para alamin ang nangyayari sa atin angkan. Maraming namatay ang noong nakaraan mahigpit isang libo ang bilang. May nabalitaan ka ba o nahanap na mahalaga impormasyon?”

Nagbigay galang ang batang si Chango. Inilabas ang isang piraso ng papel na may bahid ng dugo.

“Hindi ko alam kung paano sisimulan panginoong. Baka ika'y magulat sa oras na malaman kung sino ang nasa likod ng patayan.”

“Sa tingin ko panginoong ikaw na bahala sa papel na ito.”

Lumutang ang papel sa hangin, kinuha naman ito ng lalaki. Dahan-dahan nilapit sa ilong saka inamoy.

Bahagya nagulat ang bata na kumawala ang napakalakas na aura na naging sanhi nag vibrate ang Poison Hall.

"Chango, mag salita ka, totoo ba ito?”

"Kahit ako hindi ako mapaniwala na magagawa nila bagay na yun. Siyang tunay panginoong ang nag may-ari ng dugo niyang ay nagmula sa Angkang ng Monar.”

“Monar? Hindi sapat ang mga salita mo, Chango para maniwala ako.”

Hindi nagawang mag salita ng bata nakaramdam ng panginginig ang buong katawan na magtama ang tingin nila.

“Hu-Huminahon ka panginoong... Paano ko ma ipaliwanag sa iyo ang lahat ng aking nasaksihan at nalaman.”

Binawi ng lalaki ang aura inilalabas nito na ikinatigil na pag vibrate ng Poison Hall.

“Panginoong kitang kita ng dalawang mata ko pinaslang ng mga Monar ang ating ka angkang. Hindi ko nagawang iligtas ang buhay nila sapagkat nandon ang ancestors nila. Alam natin nasa legend Star rank na rin ito. Ito ang patunay na Monar ang may gawa.”

Inilabas ng bata ang simbolo ng dahon na sira-sira. “May kakayahan ka naman matukoy ang pinagmulan ng pagkawasak ng Leaf Symbol natin, hindi ba?”

“Naniniwala na ako sa iyo, Chango. Paumanhin kung naging marahas ako sa iyo.”

“Huwag mo na isipan ang bagay na yan, panginoong. May mahalaga ako nalaman na impormasyon mula sa angkang ng Monar. Binabalak nila makatapak sa Grandmaster at Legend Star Rank. Upang makakuha ng sapat na kaalaman para sa gagawin nila pag patay sa mga mahihinang Angkang na sakop ng kaharian.”

“Nasisiguro ko hindi sa Venus Kingdom ang pinapatay nila na mahinang Angkang.”

“Siyang tunay panginoong. Nabura na ang maraming angkang na mahihina na may kinalaman sa elemento ng lupa. Binabalik nila ubusin ang may taglay nito at kabilang na ang ating angkang.”

“Hindi maari mangyari yun. Walang silbi ang pag sumbong natin sa mga nakakataas sa Assassin Sector. Mukhang kailangan natin labagin ang palatuntunan nila. Kung maari aalis tayo sa Assassin Sector kung wala silang gagawin para pigilan ito...!”

Muli nag vibrate ang Poison Hall saglit. Samantala sa loob ng library hindi nararamdam ni Ziwin ang nangyayari sa labas. Abala ito sa pagbabasa ng maraming libro.

Pang huling libro kimuha niya ay patungkol sa Monar. Hindi niya inakala may impormasyon siya makikita sa loob. Ang tungkol sa mga dati talentado na naging tanyag.

“Kung ganoon hindi nakakapagtaka madali nila napabagsak ang Angkang kinabilangan ko.”

Ibinalik ni Zwin ang libro sa lalagyan. Mas lalo tumindi ang galit ni Ziwin sa Angkang ng Monar. Ang Monar may kakayahan manipulahin ang isipan sa pang aakit ng mga salita kahit nag hinala ang biktima, malabo papalag pa ito.

“Maikling panahon na lang ang natitira. Mapapabagsak ko Angkan ng monar, sa oras na yun handa na ako harapin ang mga legend na mula sa Assassin Sector.”

Lumabas si Ziwin sa library na puno ng bagong kaalaman at impormasyon patungkol sa history.

Hindi namalayan niya may kaunting blood aura ang humalo sa aura niya. Sengyales gustong pumatay at nadadala sa poot at galit.

Ang blood Aura humalo sa kaniyang Aura ay hindi pangkaraniwang. Kulay itim ito na Sengyales na hindi maganda ang kinalalabasan sa oras na lamunin ng kadiliman ang kaisipan ni Ziwin.

Mapanganib ito sa kaniyang sarili. Napansin ito ng kaluluwa ngunit nanatiling tikom ang bibig nito. Ayaw niya mag salita na hindi sigurado, baka ikasasama ito ng loob ng binata pag sinabi niya.





Author Note : kung naalala niyo sa chapter 39, sa book 1. May scene doon na banggit si Chango.

Shadow Of War: Assassin's Sector Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon