kabanata 29

73 5 3
                                    

Kabanata 29: The Whispering Wind

"Inuulit ko, paano mo nagawa mapatay ang napakaraming Beast na hindi baba sa ranggo ng Grandmaster? Kung hindi ako nagkakamali, isa kang Poison Master, dahil sila lamang ang may kakayahan upang magamit ang matinding lason na may mataas na antas," wika ni Brick, ang kanyang boses ay puno ng pagdududa. "Sumagot ka."

Hindi napigilan ni Ziwin ang pag-init ng kanyang ulo. Bago pa siya makapagsalita, isang malakas na boses ang nag-utos, "Brick, tumigil ka na! Ang grupo nila Hellion ay nangangailangan ng tulong! Ang misyon nila ay nagtagumpay, ngunit sa kanilang pag-uwi ay nakaranas sila ng matinding panganib. Dapat tayong magtulungan upang mailigtas sila."

Nagulat si Brick nang makita ang kanyang kasamahang si Jace na siyang nagsalita. Seryoso ang mukha nito, at nakikita ni Ziwin ang pag-aalala sa mga mata nito.

"Paumanhin, Jace. Nakalimutan kong nasa gitna tayo ng misyon. Ako ang nagmamadali," ani Brick, bahagyang nagmamaktol. "Pero ang ginawa niya—"

"Hindi na mahalaga. Ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ng lahat," putol ni Jace. "Hindi ba sinabi ng ating pinuno na ang grupo ni Hellion ay kakailanganin ng tulong? At isa pa, hindi ba't ipinadala tayo dito upang iligtas sila? Mag-focus tayo sa ating misyon."

Napatingin si Ziwin sa dalawang lalaki. Hindi niya alam kung anong pinag-usapan ng mga ito, pero alam niyang may mali. Alam niyang nagtago siya ng sikreto, ngunit hindi niya inaasahan na ganito ang magiging reaksyon ng mga Assassin's. Hindi siya takot sa anuman mangyari sapagkat isa na siyang legend na higit mas malakas sa kanila, ang kaniyang pagpapangap ay kailangan upang itago ang katotohanan.

Nagsimula nang gamutin ni Jace ang mga sugatan sa grupo. At makalipas ang ilang sandali, nagising si Hellion at nagpasalamat kay Jace at Brick. Nang makumpirma na ligtas na ang lahat, nagpaalam si Ziwin sa kanila.

"Babalik na ako sa Leaf Clan. Maraming salamat sa pagtulong ninyo," ani Ziwin.

"Mag-ingat ka," wika ni Jace. "At kung sakaling kailanganin mo ng tulong, huwag kang mag-atubiling magpadala ng mensahe sa amin."

Tumingin si Ziwin kay Brick. Nakikita niya ang galit sa mga mata nito. "Oo naman," sagot ni Ziwin.

Sinimulan niyang kolektahin ang mga patay na beast. Malaking tulong ito sa kanyang gagawin at paglikha ng mga gamutan. Maaari niyang ibenta sa Sector ang Karne. Hindi mahirap sa kaniya na alisin ang lason sa Karne.

Nang makalayo si Ziwin, nagsimula nang maglakad si Brick pabalik sa direksyon ng Monar Clan. "Makakasiguro ka, hindi ako titigil sa pagsisiyasat sa kanya. Hindi niya maitatago ang kanyang tunay na pagkakakilanlan," sambit ni Brick kay Jace.

"Brick, kailangan nating magtiwala sa pinuno," sabi ni Jace. "Ang grupo ni Hellion ay may kinalaman sa isang mahalagang misyon. Ang lahat ng pangyayari ay bahagi ng mas malaking plano."

"Sana lang tama ka, Jace."

Habang naglalakad si Brick, nagsasalita siya sa kanyang sarili, "Hindi ako titigil hanggang sa mahanap ko ang katotohanan. Ang pag-uugali niya... may mali... Kailangang malaman ng Monar Clan ang tunay na kwento..."

Bumalik si Ziwin sa Leaf Clan, ngunit isang nakakabahalang katahimikan ang sumalubong sa kanya. Walang katao-tao, at ang karaniwang maingay na paligid ay tahimik na parang libingan. Nagpasyang magpahinga muna sa pamamagitan ng pag-cultivating, umaasa na sa paggising ay makikita niya ang mga kasamahan niya. Ngunit sa kanyang pagkukubli, naglalakbay naman si Brick patungo sa Monar Clan, dala ang kanyang matinding hinala.

"Pinuno, may nakita akong hindi pangkaraniwan," wika ni Brick, nakatingin sa matandang pinuno ng Monar Clan. "Ang batang iyon, si Ziwin, may kakayahan ng elemento ng lupa. Nakita ko mismo ang paggamit niya nito sa labanan. Isa pa, alam kong siya ay kabilang sa Assassin's Sector, at isa rin siyang miyembro ng Leaf Clan. Masama ang kutob ko sa kanya, pinuno. Hindi ba't alam nating lahat ang nangyari sa dating hari? Ang pagkamatay ng hari ay dahil sa pagiging masyadong malupit sa mga nagtataglay ng elemento ng lupa. Pinatay niya ang lahat ng nagtataglay ng elemento ng lupa, kahit na mga bata, at ipinagbawal ang anumang uri ng pakikipag-ugnayan sa mga tao mula sa ibang kaharian na nagtataglay ng elementong ito. At ang bagong hari ay hindi sang-ayon sa ginawa ng dating hari. Nais niyang baguhin ang mga batas at muling magkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng mga kaharian."

Napalunok ang pinuno ng Monar Clan. Alam niyang malaki ang panganib na dulot ng impormasyong ito. Ang bagong hari ay hindi sang-ayon sa pagpatay ng mga nagtataglay ng elemento ng lupa, at ang pagkakatuklas na ito ay maaring magdulot ng malaking kaguluhan. Hindi pa nakaka-recover ang kanilang Clan sa pagkamatay ng dating hari, at ang pagkakatuklas na ito ay maaring maging dahilan ng kanilang pagbagsak. Lalo na ngayon, hindi nila alam kung ano ang tunay na motibo ni Ziwin.

"Hindi pa tayo maaring magmadali," wika ng pinuno. "Kailangan nating malaman kung ano ang tunay na layunin ni Ziwin. Bakit siya nakikipag-ugnayan sa Assassin's Sector? At ano ang kanyang kaugnayan sa Leaf Clan? Hindi pa natin alam ang kanyang tunay na layunin."

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Cersa, ang lalaking umubos sa lahi ni Ziwin. May takot at pangamba sa mga mata nito.

"Pinuno, may kailangan akong sabihin sa inyo," ani Cersa. "Alam kong hindi dapat ako makialam, pero hindi ko na kaya pang itago ang katotohanan. Si Ziwin... siya ay mula sa angkang pinatay ko. Siya ang anak ng isang elder ng Membre Clan."

Napakunot ang noo ng pinuno. "Ano?!" bulalas niya. "Hindi ko maintindihan. Bakit hindi mo sinabi agad?"

"Natakot ako," wika ni Cersa. "Natakot ako na baka malaman ng Assassin's Sector na ako ang pumatay sa kanila. Pero mas natatakot na ako ngayon na baka malaman niya na ako ang pumatay sa kanyang magulang. Kung malaman niya ang katotohanan, tiyak na gaganti siya sa akin. Lalo na ngayon, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko."

"Hindi ba't matagal na nating hinahanap ang batang ito?" tanong ng pinuno. "Ang nakaligtas na anak ng isang elder ng Membre Clan?"

"Oo, pinuno," sagot ni Cersa. "At siya ang huling nakaligtas sa pag-atake natin."

Naging tahimik ang pinuno ng Monar Clan. Alam niyang hindi nila alam ang tunay na plano ni Ziwin. Ang pagkakasali niya sa Assassin's Sector at Leaf Clan ay nagbibigay ng mas malaking panganib. Hindi nila alam kung anong gagawin ni Ziwin, lalo na't siya ay anak ng isa sa mga elder ng Membre Clan at nakaligtas sa kanilang pag-atake.

Ang kanilang kinakatakutan ay naging katotohanan. Ang batang si Ziwin ay isang bomba na naghihintay lang ng pagkakataon upang sumabog. At ang Monar Clan ay nasa gitna ng panganib.

Hindi alam ng pinuno kung ano ang gagawin. Ang lahat ng kanilang mga plano ay nakabatay sa paniniwalang patay na ang lahat ng miyembro ng angkang iyon. Ngayon, nakaharap sila sa isang malaking problema - isang anak ng isang elder ng Membre Clan na may kakayahang kontrolin ang elemento ng lupa, at nagtatago rin bilang isang miyembro ng Assassin's Sector.

"Kailangan nating kumilos nang mabilis," wika ng pinuno. "Hindi natin maaring hayaang magtagal siya sa Assassin's Sector. Kailangan nating hanapin siya at patayin bago pa siya makapagdulot ng karagdagang panganib sa ating Clan."

"Pero pinuno," sabi ni Cersa, "hindi ko alam kung saan siya pupunta o kung ano ang kanyang mga plano. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin kung sakaling makita ko siya. Natatakot ako."

"Hindi ka nag-iisa, Cersa," ani Brick. "Lahat tayo ay natatakot. Pero kailangan nating magtulungan upang malutas ang problemang ito. Kailangan nating protektahan ang ating Clan."

"Sa ngayon, kailangan nating i-monitor ang kanyang mga galaw," wika ng pinuno. "Susubaybayan natin ang kanyang mga aktibidad sa Assassin's Sector. At maghahanda tayo kung sakaling magdesisyon siyang lumipat sa ating teritoryo."

Matapos ang ilang oras na pag-uusap, napagkasunduan ng Monar Clan na isagawa ang isang lihim na pag-atake kay Ziwin. Kailangan nilang gawin ito nang hindi nalalaman ng ibang mga elder ng Assassin's Sector. Kung malalaman ng iba, magkakagulo ang lahat, lalo na ang mga legend.

Samantala, sa legend hall, nakatayo sa labas si Legend Pipa na may seryusong ekspresyon. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng matinding panganib, na Amoy niya ang malangsang dugo. Isa sa mga kakayahan ng legend ang makaramdam ng sakuna paparating. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari, ngunit alam niyang may isang malaking panganib ang naghihintay sa kanila.

Biglang bumukas ang pinto ng legend hall at lumabas ang isang matandang lalaki na nakasuot ng itim na damit. Siya ay si Legend Aegis, isa sa mga pinaka-malalakas na legend o kilala na elder sa Assassin's Sector.

Hindi nag bago ang wangis matapos umabot sa legend, sa kadahilanan taglay niya ang sumpa ng sinaunang lahi.

"Pipa," ani Aegis, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala. "May nangyayari.  May isang malaking panganib na paparating. Kailangan nating mag-ingat."

"Alam ko," sagot ni Pipa. "Nakaramdam ako ng panganib, at amoy ko ang dugo.  Hindi ko alam kung ano ito, ngunit kailangan nating maging handa."

"Tama ka," ani Aegis. "May isang malaking panganib na naghihintay sa atin.  Kailangan nating maghanap ng paraan upang maiwasan ito."

"Paano?" tanong ni Pipa.

"Hindi ko pa alam," sagot ni Aegis. "Pero kailangan nating magtulungan.  Kailangan nating mahanap ang pinagmulan ng panganib na ito."

Sabay na tumingin sina Pipa at Aegis sa kalangitan. Ang hangin ay nagsimulang umihip ng malakas, at ang mga puno ay nagsimulang mag-galaw ng mabilis. Ang bulong ng hangin ay tila nagsasabi ng isang bagong kabanata ng panganib.

Shadow Of War: Assassin's Sector Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon