Kabanata 19: Is this true?
Kumawala sa katawan ni Ziwin ang blood Aura na naging sanhi napa atras si Pipa. Lumitaw sa likuran ni Ziwin ang kaluluwa ni Valencia na nanglaki ang mga mata. Hindi niya inaasahan lumala ang kalagayan ng binata at hindi lang basta na gamit ang blood aura. Sapagkat na abot nito ang mataas na antas ng blood aura, hindi malabo nakikita ni Valencia malaki ang potensyal ni Ziwin magamit ang Blood Technique.
Bumagsak ang katawan ni Ziwin sa malamig na sahig. Ang tanging na sambit ni Ziwin bago kainin ng kadiliman ang kaniyang paningin, “Totoo ba ito?” parang namatay si Ziwin. Hindi na kumikilos at maging paghinga ay huminto sa hindi malaman dahilan.
Patuloy na umangat ang antas ni Ziwin hangga't sa umabot sa Legend Star. Hindi naramdaman ni Pipa ang tunay na antas ni Ziwin sapagkat may pumipigil na Artificial sa kaniyang aura at enerhiya.
Hindi alam ang gagawin ni Valencia. Kung ano man ang mangyari Kay Ziwin apektado siya. Hindi niya lubos maisip na gagawin niya ang bagay na iniiwasan niya na mangyari.
Dahan-dahan nag hugis bilog si Valencia. Kahit matindi ang liwanag na kumakawala Kay Valencia hindi naman ito nakikita at nararamdaman ni Pipa.
Pumasok sa katawan si Valencia upang mapanatili aktibo ang pintig ng puso nito. Hindi niya alam kung anong nangyayari ngunit sa kaniyang ginawa mananatili siya ka isa ni Ziwin. Sa pagkakataon ito maaari magamit ni Ziwin ang kaniyang kaalaman sa kapangyarihan, taktika at higit sa lahat ang kaniyang kasanayan sa pakikipaglaban.
Nanglaki ang mata ni Pipa na walang naramdaman na buhay mula sa binata. Isang pambihirang ang nangyayari na hindi niya lubos maunawaan, paano nangyari ito.
Pumasok ang apat na Grandmaster sina Natasha, Kwagi, Evan at Moron na may hindi makapaniwala ekrespyon.
Huminahon ang legend na muli naramdaman ang pintig ng puso ni Ziwin. Ngunit napakunoot siya na naramdaman mabilis bumaba ang ranggo ni Ziwin. Bumagsak ito sa bronze 8th star.
Kahit ang apat na Grandmaster ay nagtataka sa nangyari. Ngunit kaagad ipinaliwanag ni Pipa ang buong nangyari upang maunawaan.
Malinaw nila nakikita ang nangyari ay isang aksidente. Kung saan ang isang Assassin's na sampilitan hindi makontrol ang blood aura. Sanhi na pagkawasak ng pundasyon sa inner core.
Sa kumpas ng kamay ni Pipa lumutang ang katawan ng lima at ipinadala sa kaniya kaniya Angkang kinabibilangan.
“Mag handa kayo pinatawag tayo ng Lord natin upang pag usapan ang mahalagang usapin patungkol sa atin,” walang emosyon sambit ni Pipa.
Ang araw na gusto niya turuan ang mga baguhan subalit nadala siya ng bugso ng damdamin. Hindi niya na isip na ganoon kalakas ang epekto ng legend sa mababang ranggo.
Samantala dumating ang inutusan ng Legend na ihatid si Ziwin sa Angkang kinabibilangan nito.
“Nakakapagtaka, nasaan ang mga tao dito?” Inilibot ng lalaki ang kaniyang paningin.
Walang katao-tao ang village. Napabuntong hininga ang lalaki. Napagpasyahan iwan ang binata sa ilalim ng puno.
Nagmamadali ito umalis na maalaala ang babala ng Legend sa kaniya. Ang bawat Angkang na kabilang sa Assassin's Sector may kaniya kaniya village na Sakop sa pamumuno ng Assassin's Legend.
Samantala lumabas ang matandang lalaki na may pagtatakang tingin sa direksyon ni Ziwin. Pinakawalan ng matanda ang blood aura upang matukoy kung ano ang kalagayan ng binata.
Ka agad binawi ng matanda na maayos ang kalagayan ng binata. Ngunit napakunoot siya na naramdaman nasa Bronze 8th star ang binata.
“Sino ka?” tanging na sambit ng matanda. Habang dahan-dahan lumapit ang matanda ay biglaang Hindi niya naramdaman ang kaniyang katawan mismo sa hindi malaman dahilan.
“Nakakapagtaka, sengyales ito ng negatibong epekto ng pag gamit ng blood aura na hindi pa bihisa. ”
Kahit isang Grandmaster ang matanda ay hindi niya kayang labanan ang blood aura na nilabas ng katawan ng binata.
“Isang Bronze 8th Star pero malakas ang kaniyang blood aura? Siya na siguro ang tinutukoy ng panginoong.”
Tumilapon ang matanda na lumabas sa katawan ng binata ang asul na enerhiya.
Bago pa man bumagsak sa lupa ang matanda mapigilan sa pamamangitan sa pag gamit ng enerhiya at lumapag sa lupa na maayos nakatayo.
Kaunti ang bilang ng Leaf Clan. Hindi umabot sa dalawampu sapagkat namatay noong huling digmaan sa Assassin's Sector. Sa panahon ng tag-lamig.
“Totoo ba ito nakita ko?” Wala sa sarili sambit ng matanda.
Mayaman sa Blood Aura ang binata halos kapantay na nito ang mga na unang Old Legend. Mas lalo tumibay ang koneksyon ni Ziwin sa Blood Aura ng sumanib sa katawan ang kaluluwa si Valencia.
Bronze man ang antas sa paningin ng matanda ngunit salungat sa katotohanan na ang blood aura nito ay higit pa.
Dumating si Aristotle na may hindi makapaniwala ekrespyon. Hindi niya lubos maisip na may malaking potensyal si Ziwin. Sa maikling panahon natuto na ito ng Blood Aura kahit walang nagtuturo. Malinaw sa kaniyang isipan na marami kayang gawin ang binata.
Nabalitaan ni Aristotle na isa itong ganap na Weapon Mastery. Nasaksihan niya ang kakayahan nito na paging Healer at Poison Grandmaster.
“Asura? ”
Kumilos si Aristotle upang pigilan ang binata. Kung tatagal na ganoon ang kalagayan nito. Baka maakit ang kanilang mga kalaban na mag tungo sa kanilang teritoryo.
Isinagawa ni Aristotle ang Heavenly Leaf technique. Pumalibot sa buong katawan ng binata ang mga dahon na may iba't ibang kulay. Hindi nag tagal biglaang nag laho na parang bula ang marahas na blood aura.
Ngunit hindi nila inaasahan masaksihan ang pag laho ng kapangyarihan ng binata. Ang elemento ng tubig tuluyan nawala.
“Ano ang ibig sabihin nito?”
Isang liwanag na kulay asul ang kumawala sa katawan ng binata bago bumagsak sa lupa.
“Hindi maaari totoo ang nakita ko. Isang alamat ang tungkol sa mga Gem Beast na may kakayahan bigyan kapangyarihan ang kung sino man ang may hawak ng Gem Core ng Beast.”
Nagmamadali lumapit ang matanda para tulungan ang binata. Samantala tulala nakatingin sa kawalan si Aristotle sa kaniyang nalaman.
“Hindi niya tunay na elemento ang tubig. Kung ganoon nag sinungaling siya sa amin. Maaari nawala ang kaniyang natural na elemento kaya napilitan siya mag hanap ng Gem Beast para mag karoon ng kapangyarihan. Pero totoo ba ito?”
Nag hinala na si Aristotle kung ano ang tunay na katauhan ni Ziwin. Bigla na lang ito sumulpot sa kanilang Assassin's Sector para sumali. Hindi niya alam kung ano ang nasa likod ng tunay dahilan na kaniyang pag sali.
Author Note: Updated ako mamaya or bukas. Sinipag birthday ko Kasi bukas kahit walang wala.😇
BINABASA MO ANG
Shadow Of War: Assassin's Sector
FantasyBook 1: The Power Within: Ziwin's Journey Book 2: Shadow Of War: Assassin's Sector Tinanggap ni Ziwin ang mapanganib na misyon, at natapos niya ito na puno ng mga katanungan. Sa kanyang pag-uwi, naligaw siya ng daan at napadpad sa teritoryo ng Ass...