kabanata 27

97 8 2
                                    

27: Trial Soul

Tatlong araw na lumipas matapos ang misyon sa bayan ng Manori. Ngunit nanatili ang dalawang grupo upang magpagaling sa pinsala laban sa dalawang Grandmaster Warbird Beast. Maraming namatay sa dalawang grupo, ang natira sa Earth Superior Sector ay walo na bilang samantala sa Assassin's Sector ay pitong bilang kasama ang tumatayong leader.

Ginamit ng dalawang grupo ang artificial communication na dala-dala nila, upang makahingi ng tulong sa kaniya -kaniya Sector.

Simula mapuksa ang naging dahilan na taghirap sa bayan ng Manori. Unting-unti na bumalik sa pangkaraniwan ang bayan na ito, kung dati-rati maraming bangkay na may usok na kulay berde, halos lahat ng naninirahan may malalang karamdamaa at higit sa lahat patay ang ganda ng kalikasan.

Ngunit ngayon maraming tao umaasa na muli makakaahon sa kahirapan. May kaniya -kaniya gawain ang mamamayan ng bayan ng Manori. May nagsasaka upang pangalagaan ang kalikasan, may taga-bantay at iba pa na malaking tulong sa bayan.

“Maraming salamat sa tulong niyo. Kung hindi dahil sa inyo siguro mananatiling bagsak sa kahirapan ang bayan ng Manori,” naiiyak na wika ni Sera.

Sa kabutihang palad nakaligtas si Sera sa bingit ng kamatayan, ngunit sa tulong ni Kaori nagawa agapan ang nakakamatay na lason at pinsala mula sa Grandmaster Beast.

“Alam ko mahirap tanggapin nasawi ang ilang sa inyo, nais ko sana ibigay ang kayamanan iniingatan namin sa inyo. Kung pahintulotan niyo ako.”

Nakatayo ang dalawang tao na tumatayong pinuno ng dalawang grupo.  Bakas sa kanilang mukha ang pagtataka na marinig ang tungkol sa kayamanan.

“Walang anuman. Pangunahin namin tulungan ang kahit sino na may kinalaman sa sakuna sa kalikasan. Pumapayag ako na tanggapin ang iyong handog sa amin.”

“Sumasang ayon ako Kay Kaori.  Iisipin namin na kabayaran ang iyong ibinigay.”

Malawak napangiti ang babae balot ng tela ang magkabilang kamay at mukha. Nawala ang tela sa ilang parte ng katawan sa kadahilanan hindi nakakatulong na, simula nahawaan ng lason ang tela nakabalot.

“Kung ganoon, ikinagagalak ko malaman. Dilayla, ilabas ang kahon!”

Nagmamadali tumakbo ang babae habang bitbit ang dalawang kahon na kulay itim. Hindi ganoon kalaki ang kahon gaya ng iniisip nina Kaori at Hellion.

Huminto ang babae tinatawag na Dilayla sa harapan ng dalawa saka maingat na nilapag sa sahig ang mga kahon.

“Tanggpin niyo ang handong namin sa inyo. Sa katunayan ang dalawang kahon na itinuturing sa mahabang panahon na kayamanan ng amin ninuno. Ngunit walang nakakaalam kung ano ang laman ng kahon. Subalit nakakasiguro ang amin ninuno na isa itong kayamanan.”

Napakunoot noo si Kaori, “ Paano nakakasiguro na isang kayaman ang kahon?” mahinang wika, “Ano ang patunay, Sera?” dagdag na tanong.

“Hindi ko na kailangan magpaliwanag pa. Pagmasdam niyo maigi ang gagawin ko.”

Nag ipon ng enerhiya si Sera sa dalawang kamao saka  sunod-sunod nagpakawala ng suntok sa kahon. Lumipas ang limang minuto nakalikha ng usok si Sera na dulot ng kaniyang ginawa.

Hinampas ang kamay ni Sera upang mawala ang usok nakapalibot sa mga kahon. Bumungad sa kanila ang maayos na mga kahon na parang Hindi inatake ng malakas.

“Kunin niyo ang kahon.”

Walang nagawa ang dalawa Kunin ang kaniya-kaniya ibinigay sa kanila.

Samantala sa loob ng silid pagamutan kasalukuyan nagbantay si Zendu sa mga kasamahan niya. Kahit hindi inutos ng tumatayong pinuno, kusa na siya nagbantay upang din maiwasan ang hinala sa kaniya.

Shadow Of War: Assassin's Sector Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon