Kabanata 2: Light Star
Nang matapos kumain ang dalawa. Napagpasyahan nila suriin ang kapaligiran ayon sa kanilang kakayahan. Minabuti ni Ziwin na lumapit sa bahay upang malaman kung anong mayroon. Hindi pa man siya nakalapit sa pinto. Bigla lumitaw ang harang na likha sa elemento ng hangin.
“May mag salitang nakapalibot. Ano ito?”
Ang nasa harapan ng binata ay tinawag na Words Formation . Ang Words Formation ay isang uri na mataas na taktika sa elemento ng hangin at lupa. Hindi ito madali matutonan lalo na kung walang kontrol sa sarili ang nilalang sa kaniyang kaisipan.
Paulit-ulit tinawag ang pangalan ng binata ng kaniyang Spirit subalit sa pag dampi ng kaniyang palad sa harang. Wala siya marinig na ingay. Ka tahimikan ang pumasok sa kaniyang sistema. Naramdaman niya ang malamig na temperatura mula sa loob ng harang. Ang Words Formation ay hindi lang pan depensa, ito rin ang pangunahin gamit sa digmaan ng komonekasyon ng isaʼt isa.
Napalingon siya sa pinagmulan niya kanina subalit wala siyang makita maliban sa isang lagusan. Hindi niya maintindihan ngunit Intersado siya malaman kaya nag pa tuloy siya. Habang tumatagal nadama ni Ziwin ang nakakakilabot na aura mula sa loob. Huminto si Ziwin na parang may mali.
Lumitaw ang ilang mga salita na hindi niya mabasa. Hindi niya mahabol ng tingin ang mga letra kusang gumalaw at gumawa ng panibagong salita na hindi pa rin lubos maunawaan.
Sinubukan ng binata na hulihin ang mga letra nagbaka sakaling may malaman na impormasyon sa pamamagitan nito. Nadismaya na tumagos lang ang mga letra.
“Hindi ito pang karaniwan. Sa aking palagay ang bahay na ito pag mamay-ari ng isang makapangyarihan Adventure. Pala isipan paano ito na punta maliban na lang kung nanatili siya sa Continent ito.”
Naaalala niya bigla naiwan si Mush sa labas. Nagmadali bumalik sa takot na baka may mangyari hindi maganda subalit natigilan siya na hindi niya nakita ang lagusan kanina limang oras ang lumipas na.
“Water Bang!” Sunod sunod nag pakawala ang binata subalit walang epekto sa halip hinigop lang ito ng Barrier.
Ginawa niya lahat ang atake na alam niya sa elemento ng tubig subalit ang lahat ng iyung walang Epekto kahit katiting sa Barrier.
“Earth Wall...!” umangat ang lupa kinatatayuan. Halos nanginig ang buong katawan ni Ziwin ang nakakakilabot na enerhiya mula sa mga letra.
Nasira ang Earth Wall na likha niya sa hampas ng mga letra. Sinubukan niya lahat ng nalaman na skill subalit ang lahat ng iyung walang magawa para gumanti umatake. kung hindi pang depensa la mang.
“Anong klaseng Formation Barrier ito?”
Bakas sa mukha ni Ziwin ang pag ka pagod. Kusang kumilos ang kaniyang katawan na labis na ipinagtaka ni Ziwin. Walang kahirap hirap na sinangga ang bawat letra na may puno na enerhiya.
Ang hindi niya alam nasa ilalim na siya ng kapangyarihan ng Words Formation. I lalabas ng Word Formation ang hangganan na kapangyarihan ni Ziwin sa dalawang elemento upang ito ay maubusan ng enerhiya at mamamatay sa loob ng Words Formation.
Kahit anong pigil niya sa pag palabas ng enerhiya subalit hindi niya kinaya. Ayaw niya mangyari na mismo kapangyarihan niya ang komontrol sa kaniya
Hindi mapigilan ni Ziwin ang pag pikit ng mga mata niya. Nagising siya sa gitna ng kadiliman na halos ka tahimikan ang bumalot sa kapalogiran.
“Nasaan ako?”
Napakamot siya sa ulo na maalaala wala siyang kakayahan ng liwanag o apoy para magawa ng ilaw sa madilim na kinalagyan niya.
“Anong gagawin ng isang nilalang sa kadiliman upang mahanap ang daanan?” saad ng malaking boses.
“Hanapin ang tunay na halaga at kilalalanin upang mabuksan ang panibago panimula,” sagot ng mahinang boses.
“May punto ka sinabi mo eho subalit mali ka rin. Upang mahanap ang daanan kailangan mo ng liwanag.”
“Halimbawa ng liwanag na ano? Apoy po ba ang tinutukoy mo?” nalilitong sagot ng mahinang boses.
“Hindi apoy kung hindi ang liwanag ng isipan at puso. Doon mo mahanap ang tunay na halaga at ilaw ng bituin mo. Kung mag tagumpay ka, nais ko lang balaan kita. Hindi madali sanayin ang ganoon kapangyarihan.”
“Mas—”
May mga boses nagsasalita mula sa kadiliman ngunit hindi niya mahanap kung saan ito nag mula.
Napagtanto niya ang usapan ng dalawang nilalang. Yun ang kasagutan sa kaniyang kinakaharap na panganib. Hindi malabo magawa niya sapagkat isa siyang Celeste na may mga Bituin sa kaniya loob na spiritual ng Inner Core.
Nag pokus siya pumasok sa kaniya spiritual na kalooban. Nakikita niya ang munting liwanag na kulay asul na bituin sa tuktok.
Inilahad niya ang dalawang kamay kasabay nag liwanag ng nakakasilaw ang munting bituin. Hindi niya inaasahan ang pag higop niya dito ng enerhiya na dumaloy sa ugat sa buong katawan patungo sa kaniya puso at isip.
Nabuo sa magkabilang palad ng binata ang berdeng liwanag na naging dahilan na pag ka wala niya sa kadiliman. Nagbalik muli siya sa realidad kung saan kasalukuyang linalabanan niya ang pwersa ng mga letra.
Sobrang nanginginig ang buong katawan na labis na ikina takot ni Ziwin. Mangyayari na ang kagustuhan ng Words Formation. Dahan-dahan umangat ang siya sa eri habang pa tuloy ang pag labas niya ng liwanag.
Hindi maiwasan ni Ziwin na sumigaw na umabot sa kaniyang isip ang liwanag hanggan sa nag liwanag ang magkabilang mata nito.
Mabilis ang galaw ng mga letra na parang hindi mapalagay. Biglaan sumabog ang enerhiya sa loob ng katawan ni Ziwin na sahi pag ka basag ng Words Formation. Sa unang pagkakataon matinding enerhiya ang kumawala sa katawan niya na naging sanhi na labis na pang hina nito.
'Master anong liwanag ito? ʼ
'Ito ang paraan para sampilitan ilabas ang potensyal ng isang bituin,ʼ seryuso tugon ng lalaki.
'Ligth Star ba ang tinutukoy mo, Master? ʼ
'Ito ang sinasabi ko sa iyo palagi. Sanaʼy isa puso at isip mo ang aking mga aral sa iyo. ʼ
Napahawak sa ulo si Ziwin sa ulo sa sobrang daming boses ang naririnig niya. Nagmadali naman lumapit ang kaniyang Spirit na puno ng pag alala.
“Master anong nangyari sa iyo?”
“Hindi ko alam...!”
Pagulong gulo si Ziwin na hindi matiis ang matinding init na bumalot sa kaniyang ulo. Hindi ito nakikita ng Spirit ni Ziwin sapagkat kapwa Celeste lang ang maaari makita sa tunay nakalagay niya.
Binalutan ni Ziwin ang sarili ng tubig saka lumikha ng Water Ball na sobrang laki. Kaagad na pumasok upang mawala ang matinding init na dumadaloy sa kaugatan ng kanyang utak.
'Ang masamang epekto ng Words Formation kung nakaligtas ang sino man ay mararanasan niya ang matinding init ng negatibong enerhiya mula sa kaniya. ʼ
Patuloy naririnig ni Ziwin ang mga boses na tila parang pinag aralan ang negatibo at pasitibong epekto nito. Lalo na sa isang Celeste napilitan ipalabas ang tunay na potensyal ng bituin na kung tawagin na Ligth Star upang magising ang tunay na kapangyarihan nito.
BINABASA MO ANG
Shadow Of War: Assassin's Sector
FantasyBook 1: The Power Within: Ziwin's Journey Book 2: Shadow Of War: Assassin's Sector Tinanggap ni Ziwin ang mapanganib na misyon, at natapos niya ito na puno ng mga katanungan. Sa kanyang pag-uwi, naligaw siya ng daan at napadpad sa teritoryo ng Ass...