Kabanata 31: The secret threat
"Inaamin ko kabilang ako sa Angkang pinabagsak ng Monar," wika ni Ziwin, ang boses niya ay mahinahon ngunit puno ng determinasyon. Kaharap ang isang 3rd Legend Star, wala nang maitatago ang katotohanan. Hindi na rin siya natatakot. Kung sakaling makakatulong ang pag-amin niya, mas mabuti."Hindi ko alam kung bakit nila ginawa yun, lalo na ang nangangalan Cersa, ang pinuno ng Monar Assassin's. Kinaibigan pa niya ang aking lolo at pinuno ng aking angkang. Subalit sa likod ng kanyang kabaitan, may masamang plano pala laban sa aming angkang," dagdag niya, ang kanyang mga mata ay nagniningning ng galit at pagnanais na maghiganti.
"Hinahanap ko kung sino ang nasa likod ng Monar. Huwag kang mag-alala, Pinunong Neo, hindi sinasadya napadpad ako sa Assassin's Sector. Wala akong balak na gumawa ng malaking gulo na makakaapekto sa Leaf Clan."
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kanila. Lumipas ang sampung minuto, tila naghihintay ng isang senyas mula sa langit.
Bang!
Yumanig ang lupa, muntik nang matumba ang dalawang elder. Ang kanilang mga mukha ay puno ng pagkagulat.
"Pagmasdan niyo ang nasa kalangitan!" sigaw ni Elder Varro, ang boses niya ay puno ng takot.
"Anong nangyayari?" Nanlaki ang mga mata ni Elder Aron.
Nandilim ang ekspresyon ni Neo Leaf. "Hindi ako pwedeng magkamali," bulong niya, ang kanyang mga mata ay nakatitig sa kalangitan. "Ang enerhiya na iyon..."
Sa ilang sandali lamang, isang ibon na may kulay berdeng enerhiya na nakabalot sa katawan nito ang nakita ng lahat. Ang ibon ay lumipad nang mabilis, at naglaho na parang usok.
"Natutuwa ako sinabi mo ang katotohanan, Ziwin," wika ni Neo Leaf, ang kanyang boses ay malumanay ngunit may halong pag-aalala. "Subalit sa nangyayari ngayon, humihingi ako ng paumanhin sa iyo."
Sa isip ni Neo Leaf, hindi niya akalain na muling mangyayari ang digmaan sa pagitan ng Leaf Clan laban sa ibang Clan sa loob ng Assassin's Sector. Kahit ang pinuno ng Sector ay walang magagawa sapagkat maraming sasalungat sa kanya kung makikialam pa siya.
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Ziwin, ang kanyang mga mata ay nakatuon kay Neo Leaf, naghihintay ng paliwanag.
"Ziwin, kailangan mo nang malaman ang katotohanan," sabi ni Neo Leaf, ang kanyang boses ay seryoso. "May kalaban tayo sa loob ng Assassin's Sector. Hindi lang Monar Clan ang may galit sa Leaf Clan. Hindi natin alam kung bakit, ngunit may isa pang angkang na nagbabanta sa atin."
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Ziwin, ang kanyang mga mata ay nagliliwanag ng kuryosidad.
"Ang ibon na nakita natin kanina ay isang senyales. Isang senyales ng kanilang presensya," paliwanag ni Neo Leaf. "Ang mga elder ay may alam tungkol sa mga ito."
Sumingit si Elder Varro, "Ang mga ito ay mga Shadow Assassins. Matagal na nating kalaban, pero akala natin ay wala na sila. Lumalaban sila gamit ang anino at may kakayahang kontrolin ang mga ibon."
"Kung gayon, bakit hindi natin sila nakita noon?" tanong ni Ziwin.
"Nagtatago sila sa anino, Ziwin," sagot ni Elder Aron. "Nakakakita lamang sila ng mga angkop na pagkakataon para umatake. Dahil sa sunod-sunod na pagkamatay ng ating mga miyembro, alam natin na sila ang nasa likod nito."
Habang nakikinig si Ziwin sa plano ng Head Family, isang pamilyar na presensya ang naramdaman niya. Biglang bumukas ang pinto at naglakad papasok si Aristotle, kasama ang tatlong magagandang babae, si Ayisha, Xera, at Eritrea. Lahat sila ay may mga seryosong ekspresyon sa kanilang mga mukha.
BINABASA MO ANG
Shadow Of War: Assassin's Sector
FantasíaBook 1: The Power Within: Ziwin's Journey Book 2: Shadow Of War: Assassin's Sector Tinanggap ni Ziwin ang mapanganib na misyon, at natapos niya ito na puno ng mga katanungan. Sa kanyang pag-uwi, naligaw siya ng daan at napadpad sa teritoryo ng Ass...