Kabanata 10: Trial Assassin (Part 3)
Bahagya tumalon pabaliktad si Ziwin na tumama sa kinatatayuan ang tatlong patalim. Mabilis umikot sa eri bago bumagsak sa sahig na maayos. Sa formation rock kasalukuyang nag agawan ang mga adventure ng ligtas na pwesto na maari tapakan patungo sa mga isa sa bandila.
Nagulat ang lahat na may bigla lumitaw sa unahan nila. Matuwid ito nakatayo nakatalikod sa kanila.
“Hindi maari maunahan niya ako, dapat ako ang nanguna upang mapansin ako ng isa sa mga hurado,” sambit ng isang lalaki na balot ang mukha ng itim na tela at nakasuot ng matulis na sumbrero.
Naglaho ito sa kinatatayuan at naiwan ang bakas na kulay itim na usok. Nagsimula muli ang bawat adventure na makipag laban sa bawat isa. Itinuturing na kalaban ang bawat isa kahit magkaibigan o magkakilala ay balewala na ito sa kanilang isipan. Ang tanging nasa isip nila ang makapasok sa Angkan ng mga Assassin.
Na alerto ang lalaki nasa unahan, tumalon ito palipat lipat sa ibang bato. Natigilan siya na makita ang lalaki nagsalita kanina.
Lumingon sa kaniya ang lalaki, “Mauna na ako sa iyo.” Lumabas sa pulso nito ang itim na usok na hugis patalim na mabilis binato sa kaniyang direksyon bago tumalon ang lalaki sa unahan.
Walang magawa siya kung hindi ilagan ang mga ito. Tumalon siya sa kabila ng dahan-dahan bumaba ang tinapakan niya na bato. Nakatingala sa mga nagtataasang mga bato, kitang kita ng dalawang mata niya na mabilis nag palipat lipat ang lalaki naka maskara ng itim na tela.
Bahagya tumagilid siya na maramdaman may paparating na patalim. Dumaan sa kaniyang mukha ang patalim na may tali na kadena sa hawakan patungo sa nag may-ari nito.
“Tabi…!” sigaw ng lalaki matapos hilahin ang kadena pabalik ngunit ang ipinagtaka ni Ziwin ang lalaki ang nahila ng kadena patungo sa kinaroroonan ng patalim. Paikot itong sa eri patungo roon.
“May isang bandila na lang ang ligtas sa kamay ng iba. Yun na lang siguro ang pag tuonan ko ng pansin.”
Sa kisap mata naglaho ang pigura ng binata na labis nagpagulat sa mga hurado. Hindi nila maramdaman ang kahit katiting na mahika na mula sa binata. Ito ang unang pagkakataon na mangyari sa Trial Assassin na may mas magaling sa pag tago ng mahika at presensya. Tumayo ang mga hurado na sunod-sunod na tanggal ang kalahok. Nakaramdam sila ng tuwa habang nakatingin sa apat na kasalukuyang hawak ang mga bandila.
“Nasaan ang lalaking 'yun?Hindi ko matukoy kung nasaan siya ngayon,” sambit ni Master Kwagi.
Hindi nagsalita ang ibang hurado, nanatili seryuso nakatingin sa mga kalahok
Hindi nila inaasahan ang mga kalahok sa gitna ng Formation Rock na kasalukuyang naglaban laban sa ibaba ng bandila biglaan hindi makontrol ang bawat atake ibinabato sa isa't isa na naging sanhi na pagkahulog nila sa Formation Rock. Lumitaw ang binata na hawak ang bandila na may ngiti sa labi.
Sa kumpas ng kamay ng babaeng hurado, lumabas sa kamay nito ang limang bula na maliit patungo sa lima. Nang makarating ito sa harapan ng bawat isa, kusa na lang pumasok ang katawan nila sa loob ng bula na hindi lubos maintindihan kung ano ang eksaktong nangyayari.
Sa pagkumpas muli ng kamay ni Winkie ay dahan-dahan lumapit sila sa kanilang harapan na may nalilitong ekspresyon.
“Ang hawak niyo na bandila ay sumisimbolo sa bawat Grupo sa loob ng Assassin. Opisyal na kayo kabilang sa Assassin, sapat na ang aming nakita. Sa mga hindi pinalad maaari na kayo umuwi sa inyong tahanan at sisiguraduhin ligtas ang inyong pag-uwi,” nakagiting paliwanag ng babae.
“Ngayon oras na para mag bigay ng puntos,” saad ni Shao.
“Ang puntos na makuha niyo lahat na mula sa hurado, magsilbing susi sa mga sandata na may pagpipilian sa inyo. Bilang Assassin ang pangunahing kagamitan ang sandata na sapat na babagay sa inyong kapangyarihan. Hindi na sasambitin ang pangalan sa pagbibigay ng puntos sa halip ang kulay ang batayan. Simulan ang pagbibigay puntos…!”
“Kulay itim isang puntos, kulay bughaw dalawang puntos, kulay dilaw tatlong punos, kulay pilak apat na puntos, at kulay Berde limang puntos.”
Pagkatapos mag bigay ng puntos ni Evan bumalik na ito sa pag-upo.
“kulay bughaw isang puntos, kulay dilaw dalawang puntos, kulay itim tatlong puntos, kulay berde apat na puntos, at kulay pilak limang puntos.”
Ngumiti ang hurado si Master Kwagi bago muli bumalik sa pag-upo.
“Kulay Dilaw magaling ang iyong ipinakita ngunit masyado pang mababa ang iyong kaalaman kaya nararapat kita bigyan ng isang puntos. Kulay bughaw alam ko may igagaling ka pa ngunit pabaya ka sa bawat kilos mo kaya madali napapansin ang presensya mo kaya nararapat kitang bigyan ng dalawang puntos. Kulay pilak pinahanga mo ako sa pag hawak ng mga patalim ngunit masyado hindi mo binigyan pansin ang bawat pag hagis na naging sanhi kung saan saan na lang ito na punta, nararapat kita bigyan ng tatlong puntos. kulay itim magaling ang iyong ginawa, kunting pagsasanay pa ma perpekto mo rin ang taktikang iyan. Nararapat kita bigyan ng apat na puntos.
Kulay berde akala ko noong una wala kang ibubuga ngunit nagkakamali ako. Kahanga-hanga ang iyong ipinakita sa labanan ito, umabot sa punto sa pag laho mo sa paningin namin, kahit katiting wala kami mararamdaman kung nasaan ka. Hindi mo ginagamit ang patalim na ibinigay sa iyo. Nararapat kitang bigyan ng limang puntos!”Umupo na si Winkie matapos mag bigay puntos.
“Ngayon tapos na mag bigay puntos. Opisyal ko ipaalam sa iyo ang kabuohan puntos na nakuha niyo. Kulay bughaw may limang kabuohan puntos, kulay dilaw may anim na kabuohan puntos, kulay itim may walong kabuohan puntos, kulay pilak may labindalawa kabuohan puntos, at kulay berde may labing apat na kabuohan puntos. Tanggapin ninyo ang ibibigay na bagay, at kayo na ang gumawa kung anong klase ng sandata ang iyong gagawin. Bahagi ito ng pagsasanay niyo. Opisyal ko tinapos ang Trial Assassin…!”
Pagputok ng bula kasabay naman lumitaw sa kanilang harapan ang mga kagamitan sa paggawa ng sandata. Kapansin-pansin ang enerhiya inilabas ng mga bato nasa harapan nila.
“Shao ihatid mo sila sa tarangkahan. Siguradohin mo ang kanilang kaligtasan, alam mo naman ang ating bantay masyado mahigpit baka mapahamak pa sila lalo na mga baguhan pa lang sila,” mahinahong utos ni Winkie.
“Ito ang bag na lalagyan niyo ng gamit. Hindi tatanggapin ng bag kung hindi pang Assassin ang mga gamit ma ipasok.” Sabay hagis ng itim na maliit na bag. Na kaagad naman nasalo ng lima.
“Kahit kailan ka Evan, palagi ka suportado sa mga bagong pasok. Bweno ihatid mo na sila, Shao. Wala na tayo sapat na oras para ipaliwanag sa kanila ang lahat.”
"Masusunod. Sumunod kayo sa akin.”
Umalis ang anim na may ngiti sa labi habang patungo sa tarangkahan. Nakatayo ang tatlo habang nakatingin sa papalayo na pigura ng mga nakapasa sa pagsubok.
" Mabuti, lima ang nakapasok ngayon taon kaysa dati isa lang ang pumasa,” patawang sambit ni Master Kwagi.
“Lahat sila may kaniya kaniya talento, nararamdaman ko may mangingibaw sa kanila, napansin ko ang bawat mahika na mayroong sila. Kung hindi ako nagkakamali, maari sila makapasok sa may mataas na posisyon sa loob ng Assassin.”
“Yan din ang iniisip ko, Evan. Pero malalaman natin yan sa susunod na mga araw.”
Naglaho ang tatlo na may ngiti sa labi. Nag tagumpay sila makakuha ng higit sa dalawa na makapasok sa Assassin.
BINABASA MO ANG
Shadow Of War: Assassin's Sector
FantasiBook 1: The Power Within: Ziwin's Journey Book 2: Shadow Of War: Assassin's Sector Tinanggap ni Ziwin ang mapanganib na misyon, at natapos niya ito na puno ng mga katanungan. Sa kanyang pag-uwi, naligaw siya ng daan at napadpad sa teritoryo ng Ass...