23: Earth Superior Sector
Nag handa si Ziwin sa kaniyang pag alis kasama ang iba pang angkang patungo palabas ng hangganang ng pagitan ng dalawang kingdom.
Mahigpit ang ipinagbawal ang pakipag-usap sa tuwing isinagawa ang misyon lalo na kung hindi kilala ang bawat isa.
Malungkot man isipin ng nakakarami ngunit naging tradisyonan na ito ng Assassin's Sector.
Walang nakakaalam kung ano naghihintay na panganib ang nakaabang sa kanila. Ang bawat isa may bell sa ibabaw ng ulo na tanging lang ang makakita ang nag mamay-ari ng Sound Bell.
Nag tipon ang lahat para sa kanilang pag alis. Kaunti ang kanilang bilang kaysa sa una ipinadala sa misyon.
Pinangungunahan ng misteryusong lalaki ang kanilang paglalakbay patungo sa itinuro na lokasyon na ibinigay na impormasyon.
Ang lahat ay tahimik sa kadahilanan iniingatan na mabungyag ang kanilang kahinaan. Hindi pa man nakalayo sila sa Assassin's Sector.
Huminto ang nangunguna sa paglalakad na may napansin kakaiba sa palibot.
“Hindi pa tayo tuluyan nakalayo sa atin ngunit nakikita ang bakas na pinangyarihan. Sa akin palagay kung hindi ako nagkakamali na hi—”
Hindi natapos ang sasabihin na masilayan niya ang bangkay naka sabit sa puno.
“Ang unang ipinadala sa misyon kung hindi ako nagkakamali. Ang may gawa halata may mataas na ranggo. Kailangan natin maging maingat sa lahat ng oras.”
Nagpatuloy ang lalaki matapos malaman ang dahilan ng kamatayan nito.
Lumipas ang isang linggo na paglalakbay na puro laban, pahinga at takbuhan ang nangyari sa tuwing nakakasalubong sila ng mga Beast.
“Tanaw ko na ang bayan ng Manori!” sigaw ng misteryusong lalaki.
Natigilan ang lahat na bumungad sa kanila ang mga patay na puno at halos ng may buhay ni kalikasan ay walang kulay.
“Pag masdam niyo ang kalangitan. Nasisiguro ko doon nag mula ang lason na naging sanhi na pagkasira ng may buhay. Hindi na ako magtataka pati ang mga naninirahan sa bayan.”
Binalot ng misteryusong lalaki ang buong katawan ng enerhiya niya upang protektahan ang balat sa nakakalason ulan. Bago pa man ito sumulong sa bayan, “Gawin niyo na ang ginawa ko. Hindi ligtas sa atin ang manatili sa labas lalo na malapit na gumabi,” dagdag pa niya.
Nalaman ni Ziwin ang impormasyon patungkol sa bayan ng Manori sa tulong ni Valencia. Ito ang kaniyang kalamangan sa iba na walang sapat na alam sa misyon nila.
Hindi pwede gamitin niya ang kaniyang natural na enerhiya ng elemento ng lupa. Baka ito ang maging sanhi ng gulo sa kanilang misyon. Sapagkat ang Venuz Kingdom, may isang Earth Superior Sector na pinamamahalaan ng isang babae. Ang kanilang target sa paghahanap ng disciple ay nagtataglay ng elemento ng lupa.
Mahirap kalabanin ang Earth Superior Sector sapagkat mahalintulad ang kanilang lakas sa isang Kingdom gaya ng Assassin's Sector.
Naisip niya ang hindi nakita na bangkay na ipinadala sa misyon ng Angkang kinabibilangan niya ngayon. Maaari buhay pa ito ngunit nasa ilalim na ito ng Earth Superior Sector.
Natigilan siya na may napagtanto. Kung may disciple ang Earth Superior Sector, maari din mayroon ang Assassin's Sector.
Hindi namalayan niya na kusa binalutan siya ng hindi pamilyar na enerhiya. Kung hindi siya tinawag ni Valencia baka hindi niya pa nalaman.
BINABASA MO ANG
Shadow Of War: Assassin's Sector
FantasyBook 1: The Power Within: Ziwin's Journey Book 2: Shadow Of War: Assassin's Sector Tinanggap ni Ziwin ang mapanganib na misyon, at natapos niya ito na puno ng mga katanungan. Sa kanyang pag-uwi, naligaw siya ng daan at napadpad sa teritoryo ng Ass...