kabanata 21

105 8 3
                                    


Kabanata 21: Improvement

Kasalukuyan nakaupo ang binata habang nakikinig sa paliwanag ng dalawang Elder. Pasimple siya tumingin Kay Aristotle na hindi mapakali sa kinatatayuan.

Nalaman niya sa dalawang Elder na ang Leaf Clan sa bawat taon ay nababawasan ng membro. Sa hindi malaman dahilan. Halos lahat ng misyon na ipinadala ng Leaf Clan ay namamamatay sa lason.

Sa kasalukuyan ang bilang ng Leaf Clan ay nasa ikalabing-apat at ikalabing-lima si Ziwin. Subrang baba ang kanilang bilang subalit malakas at katangi tangi ang bawat membro.

Pinag isipan ng dalawang Elder ang sunod na hakbang lalo na ipapadala si Ziwin sa misyon kasama ang ibang angkang. Ang ikinabahala nila baka matulad ito sa iba na hindi nakabalik na buhay.

Sa maikling panahon malapit na  ang Freezer Season. Walang tigil ang pag ulan ng niyebe subalit pag dating ng Freezer Season. Sa halip na niyebe ang ulan mapapalitan ito ng yelo at tataas ang temperatura.

“Natanggap ko ang mensahe mula sa Pinuno ng Assassin's Sector. Bukas na bukas ipapadala kayo sa bayan ng sakop ng Venus Kingdom para tuklasin ang na sa likod ng pandemya,” huminto saglit si Aristotle. “Tamang tama oras na para mag sanay ka at tuklasin ang kakayahan ng artificial.”

Walang magawa si Ziwin kung hindi sundin ang utos ni Aristotle. Kahit hindi matutohan ang binigay sa kaniya nito. Kaya niya na protektahan ang sarili.

“Isang araw na ako nandito. Pero napapansin ko, nasaan ang ibang membro ng Leaf Clan?”

Umalis ang dalawang Elder na sina Aron at Varra upang magpahinga. Malungkot na tinapunan ng tingin si Ziwin.

“Nag trabaho para mabuhay lalo na  pa lapit ang Freezer Season. Wala ng lalabas ng bahay subrang delikado.”

Tumango siya. Hindi na nag tanong muli.

Nag paalam na rin si Aristotle na mag tungo sa Hall. Umupo siya sa malamig na niyebe. Ipinikit ang mata para pakiramdam ang kaluluwa ni Valencia.

“Paumanhin Master ngunit Malaki ang tansya hindi na ako makakaalis sa katawan mo. May alam ako na sulusyon pero malabo mangyari yun.”

Nanginginig ang buong katawan ng binata. Nararamdaman ni Valencia ang kakaibang enerhiya na mula sa inner core ng binata. Sa tanang buhay niya ngayon lang muli niya naramdaman ang takot.

Hindi niya malilimutan ang pamilyar na aura ng isang Old Legend Star. Hindi niya inaasahan matuklasan ang tunay na antas ng binata.

Ang akala niya pang karaniwang lang ito. Subrang bata pa nito para maabot ang Legend Star.

“Huwag ka mag alala hahanap ako ng paraan. Sa ngayon tulungan ko ako tuklasin ang taktika ng Leaf Clan paano ito gamitin, Artificial, at iyong kakayahan.”

Natahimik ang kaluluwa. Hindi na niya magawang makasagot na tinablan ng subrang lamig na enerhiya na mula sa kung saan.

Nakabawi ang kaluluwa na bumalik sa normal ang daloy ng inner core ng binata.

“Master hindi ka mahihirapan pag aralan sapagkat ang iyong elemento ay lupa. Kung hindi ako nagkakamali na master mo ang elemento ng tubig. Kung ganoon pamilya ka na sa taktikang ituturo ko sa iyo.”

Lumutang ang binata kahit ang dalawang Elder na kasalukuyan nagpapahinga na agaw ang atensyon.

Samantala sa Assassin's Sector sa Legend Hall at sa lihim na silid ay nakaupo ang isang batang babae. Nakatingin sa isang bangkay ng matandang lalaki.

“Hindi magtatagal, mabubuhay ka muli. Kaunti na lang i sakripisyo upang mag tagumpay ako panginoong.”

Lumikha ang babae ng bolang enerhiya na may bakas ng kaluluwa na pumapalibot nito.

“Kahit buhay pa ng karamihan ang kapalit hangga't kaya ko gagawin ko panginoong. Sa pagkakataon ito wala ng makakapigil sa akin na kahit sinong man adventure,” natatawang sambit nito.

Kumawala ang aura nag mula sa bolang enerhiya. Nakakabinging ingay ang sunod sunod na likha nito.

“Wala ng kaluluwa ng mga sinaunang Assassin's, na kolekta ko na ang lahat. Tiyak isang daan ang aking tagumpay whaha...”

Ang bolang enerhiya ay hinigop ng bangkay. Lumipas ang isang oras na ubos ang enerhiya na ipon sa bolang enerhiya. Dahan-dahan nanumbalik sa normal ang kulay ng balat.

Tumilapon ang batang babae na bigla kumawala ang malakas na aura ng bangkay. Kahit isang Legend Star ang bata ay nagawa ito patalsikin.

Bumagsak ang batang babae na may panglalaki ng mata. Sa mahabang panahon na pagpapahinga ng panginoong tinawag ng bata ay ganoon pa rin ang lakas nito noong nabubuhay pa ito.

“Pipa?”

Napalingon ang batang babae sa lumang salamin. Hindi niya inakala na mabilis din umunlad sa maikling panahon ang alipin.

Tumayo ang batang babae saka sumigaw ng napakalakas na halos binigay nito ang buong enerhiya. Hindi apektado ang silid sapagkat protektado ito ng artificial mirror kaya walang nakakalabas na ingay.

Sa kabilang banda nag tagumpay si Ziwin na matuto ng bagong taktika at nalaman ang kakayahan ng artificial.

Hindi pa rin makapaniwala ang dalawang Elder sa kanilang nasaksihan. Sa tanang buhay nila ngayon lang sila nagkakilala ng subrang talentado sa henerasyon ito.

“Ano sa tingin niyo? Nakahanda na ba ako para bukas?”

Nagakatinginan ang dalawa saka tumango sa isa't isa.

“Nakahinga kami ng maluwag. Sa nakikita namin hindi namin kailangan mag alala pa sa iyo. Pero sana'y huwag mo kalimutan mag ingat sa kasama mo sa misyon,” mahinang sambit ni Aron.

“At hindi lang yun. Huwag ka gumawa ng gulo na ikakasira ng pangalan ng atin angkang. Maliwanag?”

“Maliwanag pa sa sikat ng Araw Elder Aron at Varro. Pangako susundin ko ang inyong habilin sa akin.”

Bahagya napatawa ang dalawang Elder bago mag pasya gawin ang trabaho ng dalawa.

Na iwan muli siya mag-isa. Huminga ng malalim na masigurado wala ng tao sa paligid.

Na buo sa likod niya ang dalawang anyong lupa na ka mukha ni Ziwin. “Na miss ko rin ang Clone Technique ko. Hindi ako hihinto ngayon hangga't hindi mapaunlad ang technique na ito.”

Mas lalo umunlad ang kasanayan ng clone niya. Hindi dalawa o tatlo ang kaya ngayon likhain kung hindi walo na.

Kung dati rati hindi tatagal ang Clone niya. Ngunit sa kasalukuyan tumagal na ito lagpas sa pangkaraniwan.

Nagawa na niya rin ipasa sa mga clone ang kaunti enerhiya upang makalikha ng atake ng hindi lang sa physical pati na rin sa mahika na pinsala.

Shadow Of War: Assassin's Sector Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon