Kabanata 30

64 7 0
                                    


Kabanata 30: Trust and Doubt

Nagtagumpay na mahasa ni Ziwin ang kaniyang kakayahan sa Soul Star gamit ang kaniyang isipan. Nais niya man pumasok sa kaniyang artificial na mundo subalit hindi pa rin niya magawa buksan ito.

Hindi niya alam kung anong problema subalit hindi na niya iniisip ang tungkol sa Artificial na mundo. Ayaw niya rin makita ang dalawang nilalang nasa loob ng mundo pag mamay-ari niya.

Tatlong araw na lumipas simula dumating siya sa Leaf Clan. Ngunit kahit isa wala siyang makita na membro ng leaf. Huminto siya sa pag cultivate na naramdaman ang panganib na mula sa kung saan. Naamoy niya sa hangin ang malangsang dugo.

Alam na niya ang patungkol sa kakayahan nito , base sa ala-ala ng Temple Monkey. Nakaramdam ng panganib ang mga nasa antas ng legend. Kaya mahirap kalabanin ang isang legend sapagkat nakakagawa sila ng paraan para kontrahin ang panganib na paparating.

Nanliit ang mga mata na makita ang isang uwak, sa ibabaw ng ulo nito ang isang mensahe na sinulat mismo ng pinuno ng Assassin's Sector.

Nang makarating sa kinaroroonan niya, hinulog ng uwak ang liham na kaagad niya nasalo.  “ Assassin's Rank,” mahinang basa niya.

Kaagad binuksan ang mensahe ipinadala. Lumantad sa kaniya ang nakasulat at hindi lang yun may kasama pa symbol.

Napakunoot noo matapos mabasa ang mensahe. “Itinaas ng pinuno ang aking antas. Ngayon hindi na ako novice, sa wakas nasa pangunahin antas na ako ng Gold Assassin's,” masayang wika.

Sa oras na malaman ng Monar Clan ang patungkol sa kaniyang pag angat ng antas. Tiyak na malaking gulo ang nag hihintay sa kaniya.

Hindi bastang basta Assassin's lang siya. Marami siyang talento na hindi pa alam ng lahat, Poison Grandmasters, Healer Grandmasters, Weapon Mastery, Mage Master, Summoning Master at maraming pang iba.

Hindi siya natatakot na malaman ng pinuno ng Assassin's Sector ang patungkol sa kaniyang tunay na katauhan. Sa oras na malaman baka nahasa niya ang paging Shadow Assassin's at Blood Asura.

Lumikha siya ng panangga na mabilis tumama sa kaniyang direksyon ang mga patalim na mula sa kung saan.

Mabilis ang pangyayari, kung ibang membro inatake ng kung sino man baka natamaan ito.

Lumabas ang limang lalaki na balot ng itim na tela ang buong katawan. Ang bawat isa may pambihirang sandata. Sabay sabay na umatake sa kaniya, ngunit walang kahirap hirap na iwasan niya ang lahat ng atake.

Umusok ang buong palibot ng hinagis ni Ziwin ang bolang enerhiya. Isa sa kakayahan ng technique ng mist na ibinigay sa kaniya ni Aristotle.

Kaagad naglaho siya sa paningin ng apat. Ang hindi alam ng apat paparating sa kanila ang mapangwasak na atake. Nang tumama ang atake malakas na pag sabog ang na likha nito. Hindi nag tagal humupa ang usok, bumungad sa kaniyang ang walang buhay ng apat.

“Mahihinang nilalang, hindi niyo ako maiisahan, akala siguro kung sino man ang nagmamasid ngayon mula sa hindi kalayuan, ipapakita ko ang elemento ng lupa ko,” mahinang tawa sambit niya.

Samantala ang lalaking si Brick nakaramdam ng takot na nasaksihan ng dalawang mata niya, walang kahirap hirap namatay ang apat na master sa isang gold star.

“Alam ko naramdaman niya ang presensya ko. Kailangan ko bumalik sa Monar Clan upang i-ulat ang nangyari.” Mabilis nag laho ang pigura ni Brick.

...

Lumipas ang isang oras matapos mangyari ang pagpatay ni Ziwin sa apat na Assassin's na ipinadala ng Monar Clan. Mabuti na lang at walang kahit isang Leaf member ang naroroon nang dumating ang isang lalaki. Nakasuot ito ng Leaf Armor, may hawak na kadena na may disenyo na dahon. Mahaba ang buhok nito na kulay puti, at mukhang bata pa ito sa kanyang twenties. Ang kanyang mga mata ay nagliliwanag na parang asul na kristal, at ang kanyang aura ay puno ng misteryo at kapangyarihan. Ang Akala ng lalaki ay may nanghihimasok sa kanilang village na walang iba kung hindi si Ziwin, na bago lang sa kanyang paningin. Ang lalaking ito ay mula pa sa malayong lugar na may kinalaman sa mahalagang misyon.

Nagulat si Ziwin nang makita ang bagong dating. Naramdaman niya ang kakaibang enerhiya na nagmumula dito. Agad siyang inatake ng lalaki,  at nagpalitan sila ng mga atake. Ang lupa ay nag-crack sa bawat pagtuntong ng kanilang mga paa, at ang hangin ay nag-init sa bawat pagtama ng kanilang mga sandata. Ngunit bigla silang huminto sa paglaban nang dumating ang dalawang elder, si Aron at Varro.

Naging malinaw sa bagong dating na kinikilala na head family ng Leaf clan walang iba kung hindi si Neo Leaf. Nang matapos ang pagpapakilala, inulat ng dalawang elder ang mga nangyari sa Assassin’s Sector, lalo na patungkol sa amoy na panganib na naramdaman ng mga elder Assassin's Sector.

Nagtaka ang Head Family kung bakit may apat na Shadow Assassin's Master na walang buhay na nakahandusay. Kaagad niyang tinanong si Ziwin, “Ikaw ba ang pumatay sa mga Shadow Assassin's na ito, Ziwin? At kung gayon, ano ang layunin mo?”

Nanatili ang katahimikan sa paligid, ang tanging naririnig ay ang mabilis na paghinga ni Ziwin habang nag-iisip kung paano niya sasabihin ang katotohanan. Alam niyang ang kanyang pagtatago ay malapit nang masira, at ang kanyang tunay na layunin ay malapit nang malaman ng lahat.


Shadow Of War: Assassin's Sector Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon