Kabanata 20: Who are you?Nagising si Ziwin na puno ng takot ang nadarama. Pero alam niya sa kaniyang sarili na panaginip lang yun. Kahit kailan ay hindi mangyayari.
“Nasaan ako? Huli ko naalaala nasa silid kami ni Legend Pipa.”
Lumitaw ang system sa kaniyang harapan. Nakalutang ito sa eri. Napakunoot noo bago nanglaki ang mata sa kaniyang nakita.
“Totoo ba ito?”
Nalilito si Ziwin. Hindi niya akalain na abot niya ang ranggo ng hangganang ng Legend Star. Hindi magtatagal tatapak na siya sa Old Legend Star.
“Ang elementong tubig ko ay tuluyan nawala sa akin. Hindi ko na isip dadating ang panahon na bawiin ito ng may-ari.”
Naglaho ang system sa eri. Nakatayo siya sa loob ng lumang silid, halatang pinag lumaan na ito ng panahon na hindi ginamit.
“Valencia?! Hindi ko naramdaman ang presensya niya.”
Napahawak siya sa bandang dibdib niya. Uminit ang puso niya, hindi maintindihan kung bakit nangyayari ito.
“Valencia?” tanging na sambit niya.
Nanginginig ang buong katawan. Pakiramdam niya parang sinunog siya ng buhay.
Natigilan siya naramdaman ang kakaibang ihip ng hangin. Umupo siya kasabay naman dumaan ang patalim na tumama sa pader.
“Mabuti gising ka na. Kumusta ka?” tanong ng bagong pasok.
Napalingon siya mula sa pinto. Nakatayo si Aristotle na may mapanuring tingin.
“Ayos lang ako. Ngunit wala ako maalaala, ang tanging naalaala ko nagpakawala ang Legend Star na si Pipa ng mapangwasak na enerhiya, na naging dahilan na walang ng malay ang mga kasama ko. Hindi ko lubos maisip na magagawa niya ang bagay na yun sa tulad namin na baguhan.” huminto siya sa pag salita. Seryuso tinitigan si Aristotle sa mata.
“At hindi lang yun. Bumaba ang mga ranggo namin. Hindi ko naramdaman ang kapangyarihan ng elementong tubig ko. Labis nasaktan ang kalooban ko sa nangyari.”
Huminto si Aristotle na may hindi makapaniwalang tingin. Nakaramdam ng matinding init mula sa kalooban looban si Aristotle sa kaniyang nalaman.
“Paumanhin Ginoong Stellar sa nangyari. Hindi ko alam kung bakit niya nagawa ang bagay na yun. Subalit pinapangako ko, aalamin ng Leaf Clan ang tunay na dahilan nito.”
Tumayo si Ziwin. Hindi nag dalawang isip na lumabas sa silid at lumabas ng bahay habang nakasunod sa kaniya si Aristotle.
“Ziwin? Sabihin mo sa akin ngayon ang katutuhanan. Sino ka ba talaga Ziwin Stellar?”
Huminto saka humarap si Ziwin. Itinuro ang sarili. “Ako si Ziwin Stellar. Hindi ako nagsisinungaling, Isa ako rogue adventure. Walang kinabibilangan angkang. Ano pa iyong gusto malaman?”
Hindi nag dalawang isip si Aristotle itanong ang tungkol sa gem Beast. Hindi inaasahan ni Ziwin ito, sa pagkakaalam niya. Kaunti lang ang may alam sa Gem Beast.
Hindi niya alam ano gagawin para takpan ang katotohanan na taglay niya ang elemento ng lupa. Hindi pa ito ang tamang oras para malaman ng kahit sino. Kahit isang ganap na siya na legend star. Hindi maaari ma ibungyag ang katotohanan. Maraming mga mata ang nakamasid lalo na nabibilang siya sa Leaf Clan.
BINABASA MO ANG
Shadow Of War: Assassin's Sector
FantastikBook 1: The Power Within: Ziwin's Journey Book 2: Shadow Of War: Assassin's Sector Tinanggap ni Ziwin ang mapanganib na misyon, at natapos niya ito na puno ng mga katanungan. Sa kanyang pag-uwi, naligaw siya ng daan at napadpad sa teritoryo ng Ass...