Kabanata 15

83 9 0
                                    

Kabanata 15: Poison Hall

Narating ni Ziwin ang Poison Hall. Sa tulong ng kaluluwa kasama niya. Nalaman niya nasa Venus Kingdom na siya. Ang Poison Hall ay sakop ng Vinus Kingdom na sa hangganan ng pagitan ng dalawang kaharian. Kinilala ng magkatabi kaharian ang Assassin na hindi banta sa kanilang pamumuno hangga't walang ito pinapatay na maharlikha.

Sa pagtapak ni Ziwin sa hagdan nagsimula tumunog ang kampana mula loob ng Poison Hall. Hindi alam ni Ziwin kung anong nangyayari ngunit inilabas niya ang kaniyang pamaypay. Nagpatuloy siya sa paglalakad na hindi inalis ang tingin sa harap ng Poison Hall.

"Hindi nakakapagtaka kung malayo ang Poison Hall sa lahat. Mukhang kinatatakotan ang propesyon ito. Kahit sino pwede malason, kahit may mataas pa ng antas."

Huminto siya na marating ang pinto ng Poison Hall. Napapansin niya may mga bulaklak na kulay dilaw, bulaklak na binubuo ng maliliit na bola.

Napatalon paatras siya nang bigla bumukas ang malaking pinto. Nangliit ang tingin na lumabas ang usok na kulay dilaw mula sa loob. Kaagad niya tinakpan ang ilong upang hindi niya ito malanghap.

Hindi nagsalita ang kaluluwa si Valencia. Nanatili nakatingin sa palibot. Nakiramdam sa nag may-ari ng lason sa hangin. Kahit anong pagpupumilit ng kaluluwa ngunit hindi gumana. Napatawa na lang ito, napagtanto patay na pala siya. Mahina ang pakiramdam ng isang kaluluwa lalo na kung may kinalaman sa buhay.

"Mabuti pinili ko gumawa ng pamaypay kaysa sa espada." Hinampas niya sa sahig ng sunod-sunod. Sa paraan ito kahit hindi niya taglay ang elemento ng hangin kaya niya naman gamitin ito sa paraan alam niya.

"Kung matutunan ko ang tungkol sa poison at maging ganap na isang poison master. Malaking tulong ito sa akin paghihiganti," bulong sa hangin niya.

Umiikot siya ng bahagya na dumaan sa harapan niya ang karayum na sobrang bilis. Huminto siya na marinig ang mga yabag.

"Poison Grandmaster?"

Nakatayo sa kaniyang harapan ang isang lalaki na hindi kita ang mukha. Natatakpan ito ng maskara maging ang buhok nito hindi makita.

Nanliit ang tingin na napansin ang usok na kulay dilaw ay nag mula pala sa kuko ng lalaki. Pinakawalan ang aura nito. Ngunit hindi na apektuhan si Ziwin. Pagod na siya magpanggap na mahina. Hinarang niya ang pamaypay saka nilapat ang enerhiya at doon lahat tumama ang aura na mula sa lalaki.

"Magaling, humahanga ako sa lakas ng katawan mo. Hindi ko inakala na mas malakas ka, sa akin hinala."

"Mawalang galang na po. Nandito ako hindi para makipag kwentuhan."

Hindi nagustuhan ng lalaki ang sinagot ni Ziwin. Mas lalo pinalakas ang aura inilalabas ng katawan.

"Hindi ko alam na matalas pala ang dila mo. Hmmm... Gusto ko yan."

Na alerto si Ziwin na nararamdaman ang Blood aura na may kagustuhan saktan siya.

Hindi natatakot si Ziwin sa maaari mangyari. Nakahanda na siya sa lahat na pwede niya gawin para manatiling buhay.

"Nagkukunwari ang isang ito. Hindi siya isang master star. Maari mas higit pa siya sa Master o hindi kaya Grandmaster Star."

Umiikot ang lalaki saka ibinato sa kaniyang direksyon ang mga karayom. Wala naman ito kahirap hirap na iwasan ni Ziwin ngunit sa huling karayom na hindi niya napansin, sakto tumama ito sa kaniyang leeg.

Napahinto si Ziwin, kaagad hinawakan ang leeg na biglaan siyang nahihirapan huminga.

"Dilaw na lason ang dumadaloy sa ugat sa iyong leeg kaya madali ito mapapansin. Ngunit huwag ka mag-alala, ako ang bahala sa iyo," mahinahong sambit ng kaluluwa.

Shadow Of War: Assassin's Sector Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon