Kabanata 4: Forest Destruction
Nagliwanag ang silid sa kisapmata bumungad kay Ziwin ang katabing silid na nagtataka nakatingin kay Mush na kasalukuyang nakatitig sa isang salamin.
"Mush anong tinitignan mo dyan?!”
Nakakunot noo siya na hindi man ito lumingon sa kaniya. Lumikha siya ng maliit na bolang tubig saka hinagis sa kabilang silid. Nang tumama ang bilang tubig naglaho lang ito na parang usok
“Kahit anong gawin mong atake ng ihagis mo dyan walang epekto sapagkat kakainin lang ito ng silid. Mas mabuti lumabas na tayo sa silid at puntahan sa kabilang silid ang babae. Kung napapansin mo ang isang salamin, isa yan ilusyon. Mukhang nasa ilalim ng ilusyon ang babae.”
Tinapunan lang ito ng blankong tingin ni Ziwin. Sa kumpas ng kamay muli nabuo ang bilang tubig na mas matibay sa unang ginawa niya. Hindi nagtagal naglaho ang Water Wall.
“Maraming salamat sa mga impormasyon.”
Hindi na sumagot ang bata sa halip nakatingin lang ito kay Ziwin. Nakasunod lang ito habang naka lutang. Pag lapat ng palad ni Ziwin sa lagusan bigla ito nawasak at bumungad ang sala.
Kaagad nagtungo sa kabilang silid. Kusa nagbukas ang pinto na ipinagtaka ni Ziwin.
“Ang bahay na ito ay Tinawag na Forest Destruction ayon sa unang biktima ng Gagamba. Nakaligtas lang ako at tumagal sa loob dahil binigay sa akin ng unang biktima ng pangontra.”
Kitang-kita ng dalawang mata niya nasa loob ng hawla na likha sa ugat si Mush. Nakaupo lang ito na wala sa sarili habang patuloy lumabas sa magkabilang palad ang kapangyarihan nito upang hindi mas lalo balutin ng ugat siya.
“Ito na siguro ang tinutukoy na lihim na sumira ng kagubatan. Tama ba ako?”
“Yun babae malapit na tuluyan makulong kung hindi mo yan masisira ang ugat.”
Tumalon si Ziwin, lumapag sa itaas ng hawla. Samantala na iwan ang batang lalaki nakanganga.
[Spider Magic: Uncontrolled]
Nawala sa control ang mga ugat kaya malaya ito na putol ni Ziwin gamit ang Water Bang. Ngunit hindi niya inaasahan na mas lalo rumami ang mga ito.
'Sa pagkakataong ito hindi ko magagamit ang elemento ng tubig. ʼ
Tumalon siya paikot sa eri ng kumilos ang mga ugat upang dakpin siya. Sa tulong ng Spider Magic nagawa niya makaiwas sa sunod sunod na atake.
[Fire Shower]
Napalingon si Ziwin na nagpakawala ang bata ng apoy na mula sa kisame. Kahit sobrang liit ang patak ng apoy na nilikha ng bata ngunit sa tulong ng kaniyang Spider Magic: Uncontrolled hindi magawa sanggain ng mga ugat.
“Yan lang ang tanging maitutulong ko sa iyo. Pasensya ka na parang gusto na matu—”
Nakatulog ang bata matapos niya gamitin ang huling enerhiya. Hindi pinansin ni Ziwin ang sinabi nito.
Patuloy ang palitan ng atake halos hindi maubos ang mga ugat sa sobrang dami na bagong lumabas na mula sa ilalim ng lupa. Hindi nagtagal na alaala niya ang tungkol sa Salamin. Ang pinagmulan ng mga ugat kung bakit may sariling buhay ito.
Binalot niya ang espada likha sa tubig ng enerhiya mula sa lupa upang maging mas matibay ito. Buong pwersa niya hinagis.
Isang malakas na boses ang kumawala sa loob ng salamin. Dahan-dahan na basag ito na mag pumilit lumabas ang isang nilalang na nasa loob ng Salamin.
“Hindi ito maaari. Hindi pa ako tapos sa akin misyon ni Master…!”
Naging abo ang mga ugat. Lumikha siya ng malaking Water Wall upang takpan silang dalawa. Biglaan sumabog ang salamin kasabay tumalsik ang itim na likido sa iba't ibang parte ng silid.
Bumigay ang Water Wall na likha niya. Mabuti na lang tapos na ang pagsabog. Walang malay si Mush, gaya ng ginawa ni Ziwin sa bata pinasok ito sa Water Ball upang manumbalik ang lakas.
Muntik na siya matumba na lumindol ng malakas. Napantingin siya sa palibot, napansin niya ang mga itim usok hugis bilog. Parang nataranta ang mga ito patungo sa kung saan.
“Ito na siguro ang mga kaluluwa na naging biktima. Malaya na kayo simula ngayon!”
Lumabas siya sa silid saka lumapit sa laruan na bahay upang suriin kung may pakinabang ito. Hindi niya natuloy suriin ito na marinig ang pagyanig ng buong bahay.
“Nasaan ang pinto? Kanina nandito pa ito.”
Naghahanap siya ka ibang pwede daanan kaya muli siya pumasok sa pinanggalingan na silid. Nag ipon ng enerhiya sa magkabilang palad. Hindi nagtagal isa-isa dumikit ang mga bato sa palibot sa kamay ni Ziwin.
[Earth Shock]
Pinaulanan ng suntok ni Ziwin ang pader hanggan sa nasira ito at natulayan bumagsak sa sahig. Bumungad sa kaniya ang mga puno na putol. Hindi nagdalawang isip na tumalon bago gumuhu ng tuluyan ang bahay.
Sa kaniyang paglapag kasabay naman bumagsak sa ilalim ng lupa ang bahay. Habol hininga siya nakatingin sa dalawang malay na kasama.
“Ano ito? Nararamdaman ko may papalapit. Kailangan ko makatago.”
Sa kisapmata nabasag ang harang ng tumama ang pamilyar na atake. Walang magawa si Ziwin kung hindi sumanib muli sa lupa upang makatakas na kasama ang dalawa.
Kumain muli siya ng lupa at naging ka isa ng lupa. Samantala ang dalawa ay lumiit ang Water Ball na kasing laki ng Snowflake upang hindi mahalata ang kanilang pag takas.
Umalong ang lupa palabas ng teritoryo ng palibot ng bahay. Kasabay naman dumating ang tatlong lalaki nakasuot ng itim na tela, balot ang kanilang mukha maliban sa kanilang mga mata malaya masisilayan ng kung sino man ang tumingin nito.
“Huli ka tayo nakarating. Sa tingin ko walang nakakuha ng kayamanan ngunit nararamdaman may naka una sa atin.”
“Pwes kung ganoon lang pala. Huwag na tayo magsayang ng oras baka tayo na naman mapagalitan ng pinuno,” sang ayon ng isa.
“Ano pa hinintay natin? Tara na,” una tumakbo ang nasa gitna na lalaki. Sumunod na rin ang dalawa na may pagtataka pag iisip tungkol sa pag ka sira ng Forest Destruction.
Habang pabalik ang tatlo hindi maiwasan pag-usapan ang pag ka sira ng Forest Destruction na parang dinaanan ng bagyo. Hindi madali sirain ang Forest Destruction at pasukin dahil sa sinaunang kapangyarihan ang nakapaloob nito. Lalo na ang Barrier nakapalibot sa bahay.
Samantala nakaupo si Ziwin ilalim ng puno habang gumagawa ng pansamantala tirahan nila sa pamamagitan ng Earth Wall. Napangiti na lang siya na matapos.
“Parang bahay na rin, ayos na ito kaysa wala, ” natawang sambit nito.
Pumasok na siya sa loob upang hindi lamigin. Lalo na sobrang lakas ng ulan ng niyebe. Kahit sino hindi kakayanin ng katawan maliban kung yelo ang elemento ng isang nilalang balewala lang ito.
BINABASA MO ANG
Shadow Of War: Assassin's Sector
FantasíaBook 1: The Power Within: Ziwin's Journey Book 2: Shadow Of War: Assassin's Sector Tinanggap ni Ziwin ang mapanganib na misyon, at natapos niya ito na puno ng mga katanungan. Sa kanyang pag-uwi, naligaw siya ng daan at napadpad sa teritoryo ng Ass...