Kabanata 3

170 20 0
                                    

Kabanata 3: First time using Celeste magic.

Hindi nagtagal napapikit si Ziwin sa sobrang pagod. Sa pagmulat ng kaniyang mga mata bumungad si Mush na may nag alala ng tingin nito.

"Master, ayos ka lang po ba? May masakit ba sa iyo? Asan po? " sunod sunod na tanong nito.

"Ayos lang ako pero tulungan mo ako nakatayo... Parang ang bigat ng katawan ko."

Kahit masakit buong pwersa ibinigay niya para makatayo. Hindi nagtagal nagtagumpay rin siya sa tulong ni Mush. Dahan-dahan sila lumapit sa bahay hanggan nasa harapan na sila ng pinto.

Nang dumampi sa palad ni Ziwin ang pinto. Hindi niya maiwasan mapanganga na maramdaman ang malamig na enerhiya nagmula sa bahay.

"Master?"

Dahan-dahan itinulak ang pinto hindi nagtagal tuluyan na ito na buksan. Hindi inaasahan nila ang bumungad. Maraming nagkalat na mga buto ng tao, bungo at mga patay na dahon. Walang makikita na mga bagay maliban sa laruan na bahay.

"Master ako na la-"

"Huwag ka maingay."

Pumasok ang dalawa na maingat ang bawat hakbang. Nilibot ang paningin, natigilan sila na marinig ang sigaw ng isang tao mula sa kung saan. May dalawang silid na pareho sira subalit magkaiba ang tunog ng ingay ang dalawa.

"Mush pasukin mo ang puting pinto samantala ako sa kabila."

Walang magawa ang babae kung hindi ang sumang ayon na lang. Bago maghiwalay pinaalalahanan si Ziwin na huwag gumawa ng hakbang kung hindi sigurado. Hindi pinansin niya ang babala ng spirit.

Hindi nag dalawang isip na buksan ang pinto. Huli na ang lahat para maiwasan ang malaking lagusan na paikot.

"Hindi...!"

Hinigop siya nito habang paikot ikot nakapasok sa loob ng silid. Bumagsak siya sa malagkit na itim na likido. Noong una nahirapan siya tumayo ngunit hindi nagtagal nakagawa siya ng paraan sa pamamagitan ng kaniyang elemento ng tubig.

"Anong klase ng silid ito? Wala ako makita maliban sa tatlong pula na parang mga mata. Hindi kaya nasa loob ako ng isang trap?"

Naging alerto siya na marinig ang nakakakilabot na ingay. "Maaari kaya dito napupunta ang mga kumuha ng misyon? Pero hindi malinaw." Tumagilid siya nang nararamdaman ang matulis na enerhiya pa lapit sa kaniyang direksyon.

Muntik na siya matangay ng hangin na mula sa pagsabog ng atake ng kung sino man. Kung hindi niya ginamit ang Water Barrier at Water Ball. Dinagdagan niya ang enerhiya inilaan sa Water Barrier kaya naging sanhi na pag liwanag ng Barrier na likha niya.

Kitang-kita ng dalawang mata niya ang dambuhalang Gagamba na may anim na mga mata na kulay pula, tatlong sungay, at kulay Diamond ang katawan nito.

"Demon Spider?"

Mabilis ang kilos ng Gagamba na muntik na siya tamaan ng itim na saput. "Asido?" nalusaw ang pader na tamaan ng saput.

[Water Harrison Mega Bite]

Kusang gumalaw ang katawan ni Ziwin sa hindi malamang dahilan. Nabuo sa kaniyang harapan ang imahe na likha ng bola ng tubig. Ngunit may mga matulis na ngipin at dalawang mata ng dragon ng tubig. Ikinabigla niya ang Water Barrier nakapalibot sa kaniya naging baluti ng tubig.

Na bigla siya sa nangyari. Pero hindi niya ito pinansin ng umatake ang Gagamba. Tumalon siya sa kabila, at ligtas naman lumapag sa sahig.

"Tulungan mo ako," mahinang sambit ng batang lalaki nasa anim na taon gulang. Napaatras si Ziwin na masilayan ang hindi kaaya aya wangis nito. Puno ng sugat ang katawan at puno dugo na parang naliligo na ito.

Sa pagkakataong ito hindi umiwas si Ziwin lalo na malaman hindi siya ang Target ng kalaban kung hindi ang bata. Kaunti na lang dumanpi sa balat ng bata ang saput subalit ipinasok niya ito sa malaking Water Wall. Naglaho ang sapot na tumama sa Water Wall.

[Demon Waver]

Nang marinig niya ang ingay na mula sa Gagamba. Humarang siya sa bata kasabay pinakawalan ang atake.

[Water Harrison Nega Bite]

Malaya kumilos ang malaking Water dragon ball. Walang wala na sinangga ang atake ng kalaban. Nararamdaman niya ang mabigat na enerhiya mula sa kalaban.

[Spider Fire Spell]

Sinalubong ng kalaban ang atake niya, ang dambuhalang apoy na hugis libro. Sa pag bukas ng libro doon tumama ang Water dragon ball subalit kusa na naman nagpakawala ng panibagong skill si Ziwin.

[Water Hari Son Meta Bite ]

Nagbago ng hugis ang Water Dragon Ball patungo sa hugis bata nasa apat na taon gulang. Hindi niya inaasahan ang nangyari na naging sanhi na pagkatalo ng Spider Fire Spell.

Pinagpupunit lang ito na parang laruan ang hugis libro na apoy. Muntik na matumba siya ng biglaan lumindol sa kaniyang kinatatayuan.

Naglaho ang atake ng kalaban na sakupin ito ng Hugis bata na tubig. Nanginginig ang magkabilang kamay ni Ziwin na bigla uminit ang temperature ng Tubig na kontrolin niya.

[Spider Magic: Uncontrolled]

Sa isang iglap nahihirapan ang hugis tubig na bata pigilan ang mga galamay ng Gagamba. Hindi maintindihan ni Ziwin kung anong klase ng mahika ang gamit ng Gagamba sa kadahilanan may iba't ibang klase ng skills ang pinakawalan nito.

Bumagsak ang magkabilang tuhod niya na may nakalampas na atake ng Demon Spider.

"Hindi na kakayanin ng Water Hari Son Meta Bite ko. Kailangan ko gamitin ang tunay kong Elemento...!"

Nanginginig ang buong katawan niya na bigla nagpakawala ng malakas na dark force ang Demon Spider.

[Terra Electrotime]

Pumapalibot sa buong katawan ni Ziwin na naging sanhi na pag lutang niya sa eri. Sa muli pagkakataon umilaw ang magkabilang mata na senyales na may bagong bituin ang mag ningning.

Kumalat sa buong paligid ang kuryente na may mataas na Voltage. Sa unang pagkakataon na gamit ang tatlong bituin sa kadahilanan malapit na siya sa kamatayan.

Nagbanggan ang magkasalungat na atake. Naglaho ang hugis Tubig na bata na sunod sunod sumabog ang nagtutulak ng enerhiya.

Naglaho ang pwersa likha niya subalit lumitaw ito sa likod ng Demon Spider. Wala ng kawala na tumama ang hugis bato na Zigzag sa katawan ng kalaban. Tumaas ang temperature ng kuryente na naging sanhi na sumabog ang katawan ng Demon Spider sa maraming beses.

Bumagsak si Ziwin sa sahig na labis namimilipit sa sakit na naglaho ang epekto ng tatlong bituin.

[You have received a new techniques called Healing magic and Spider Magic : Uncontrolled. Congratulations, you are level up two times.]

Kusang nag hilom ang kaniyang sugat sa katawan. Napagtanto niya ang System sa kaniyang isipan ito. Matagal na rin niya ito narinig mula ng maligtas siya sa kamatayan.

[If your opponent is an outsider demon. There is a chance that when you defeat it, you can use their ability.]

"Totoo ba ito narinig ko."

Bumangon siya na parang walang nangyari. Napantingin siya sa bata na kasalukuyang nasa loob ng Water Wall na walang malay.

[Healing Outer Self]

Nagliwanag ang katawan ni Ziwin maging sa bata, sa pag hupa ng liwanag na wala ang sakit nararamdaman ng bata pero hindi niya kaya pag hilomin ang sugat nito.

Author Note: Try mag sipag. Huwag kalimutan mag comment at vote if nagustuhan mo ang chapter na ito. 😇🕸️

Shadow Of War: Assassin's Sector Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon