Kabanata 8

90 13 2
                                    

Kabanata 8: Trial Assassin (Part 1)

Dahan-dahan umangat sa eri ang binata kasabay naman nag silutangan ang mga tipak ng yelo, nakatutok sa lalaki.

"Anong sadya mo sa akin?" malalim ang boses na sambit ni Ziwin.

"Hindi mo alam? Nagpapatawa ka yata, ang sino man tumapak malapit sa teritoryo ng mga kaluluwa mandirigma, malapit man ito o hindi sa kinaroroonan ng teritoryo basta nakikita at nararamdaman namin. Hindi kami magdadalawang isip na makipag laban."

"Wala ako paki alam!"

Nabuo sa magkabilang kamay niya ang dambuhalang tubig sa pamamagitan ng Spider Magic : Uncontrolled. Dahil dito patuloy lumaki ang bolang tubig na hindi niya kayang pigilan.

"Walang kwenta ang tulad mo para pigilan ako."

Nawasak ang mga anyong lupa na kamay na pumigil sa kaluluwa na makakilos. Tumalon ang kaluluwa ng pa baliktad, lumapag ito sa tipak ng yelo na mismo siya ang lumikha. Iwinasiwas ng kaluluwa ang espada na naging sanhi na higupin ang mga niyebe. Lumaki ang espada ng kaluluwa sa panibagong anyo.

"Isa kang hangal bata para sumubok makapasok sa Trial Assassin! Hindi ako makakapayag na makatapak sa teritoryo."

Mabilis naglaho ang kaluluwa at sumulpot ito sa likod ni Ziwin subalit walang kahirap hirap na sanga niya gamit ang dambuhalang bolang tubig at doon lang tumama ang atake ng kaluluwa. Nanlaki ang mga mata ng kaluluwa halos nanginginig kamay na ginamit niya sa pag atake.

"Trial Assassin?" mataas na boses na sambit ni Ziwin. "Kung hindi ako nagkakamali may kinalaman ito sa samahan ng mga Assassin, hindi ba?" tinapunan niya ng masamang tingin ang kaluluwa.

Hindi namalayan ng kaluluwa na umiikot ang mga tipak ng yelo at muli ito nakatutok sa kaniya. Huli na ang lahat para maiwasan. Sinubukan ng kaluluwa sanggain ang mga ito ngunit nakalimutan nito ang dalawang dambuhalang tubig na lumutang sa ibabaw ng ulo ng kaluluwa. Huli na ang lahat para sirain ito. Bumagsak sa ulo na naging sanhi ng panigas ng kaluluwa. Hindi maunawaan ng kaluluwa kung bakit naapektuhan siya nito sapagkat matagal na siyang patay. Sa unang pagkakataon muli niya nararamdaman ang pakiramdam na nilalamig. Natulala na lamang ito na makulong sa loob ng pinagsanib ang dalawang dambuhalang bolang tubig.

"Itatanong ko muli sa iyo. Ano ang Trial Assassin? Kung hindi mo sasagutin, hindi ako mag dalawang isip na ikulong ka ng pang buhay diyan."

'Paano ako makapag salita kung mataas ang temperatura nasa loob ng ginawa mong bolang tubig? ʼ

Hindi maiwasan ni Ziwin na namagha sa kakayahan ng kaluluwa. Kahit wala na ito pisikal na katawan, nagagawa pa nito makipag laban ng pisikal, may mayaman enerhiya na gamit sa mga Techniques at higit sa lahat ang kakayahan nito makipag usap sa isip.

"Oo nga naman, teka lang ah," natatawa sagot niya. Sa kumpas ng kamay ni Ziwin ay dahan-dahan bumaba ang temperatura na naging sanhi na muli naka galaw ito.

"Kahanga hanga ka bata, hindi ko akalain na talo mo lang ako ng ganoon kadali pero..."

Naglaho ang sandatang hawak ng kaluluwa. Lumitaw sa kamay nito ang isang dahon na balot ng yelo. Iwinagayway ang kamay bago pasahan ng enerhiya ng kaluluwa.

"Anong balak mong gawin?"

Hinanda ni Ziwin ang kaniyang sarili sa maaaring mangyari. Wala naman siya nararamdaman na panganib subalit ang mga kilos ng kaluluwa ay hindi pamilyar sa kaniya.

Napa halakhak ang kaluluwa na makita seryuso si Ziwin. Nakikita ng kaluluwa kay Ziwin ang katangian ng isang mandirigma. Hindi maiwasan ng kaluluwa na humanga sa pinapakita nito angking talino pag dating sa laban. Isa pa dito ang pagkakulong niya sa loob ng bolang tubig ay matibay na maihahalintulad sa mataas na uri ng Techniques ng mga Assassin na walang ka wala ang biktima kung nais wakasan ang buhay.

"Kumalma ka lang bata, wala akong balak na masama laban sa iyo. Sa katunayan natutuwa ako sa iyo. Hindi ko akalain mahusay ka sa larangan ng labanan. Bweno ang hawak ko ngayon isang mahalagang bagay. Alam ko isa ka sa maraming kabataan na naghahangad na makapasok sa larangan ng Assassin."

Nagliwanag ang ekspresyon ni Ziwin na malaman isa pala ito pagsubok ng mga Assassin. Ngunit nagtataka siya sa isang bagay.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Muli na naman humalakhak ng nakabibinging ang kaluluwa. Nagbago ang ekspresyon nito. Tinapunan ng mapanuring tingin si Ziwin ng kaluluwa.

"Siguro hindi nasabi sa iyo ang tungkol dito. Sakit talaga sa ulo ang mga bantay na kumuha ng mga kabataan para dahil dito sa kagubatan para malaman kung sino karapat dapat na makapasok sa larangan ng Assassin."

Malapad na ngumiti si Ziwin na malaman ang buong katotohanan kung bakit siya inatake ng hangal na kaluluwa. Sa parte ni Ziwin gusto niya mag diwang, sa wakas alam na niya kung saan mahahanap ang Assassin na nagpabagsak sa kaniyang angkan. Ito na ang pagkakataon na lukuhin ni Ziwin ang kaluluwa.

"Tanggapin mo ito upang ika'y makapasok sa Assassin. Binabati kita, nakapasa ka sa pagsubok ng Trial Assassin ."

Lumutang palabas ang dahon na balot ng yelo patungo kay Ziwin. Huminto sa palad ni Ziwin ang dahon. Sa pag dampi nito sa balat ng palad, sa hindi malamang dahilan naglaho ito sa kisapmata.

Unti-unting nasira ang bolang tubig na kinalalagyan ng kaluluwa. Bumalik sa katawan ni Ziwin ang tubig. Nanumbalik sa normal ang buong katawan ng kaluluwa kahit mga sugat ay na wala. Nabahala si Ziwin pero sigurado siya wala na balak na hindi maganda laban sa kaniya.

"Isa na lang ako kaluluwa na gagabay sa iyo. Ako ang maging taga-bantay mo sa pagpasok sa larangan ng Assassin. Ngunit hindi ibig sabihin nakapasa ka sa akin ay maaari ka na makapasok sa Assassin. May isa pang pagsubok na sila mismo ang gumawa na kaylangan mo makapasa. Ang katulad ko na kaluluwa ay isang sandata na maituturing mo sa pag yakap sa larangan ng Assassin."

Nakahinga ng maluwag si Ziwin na marinig ang paliwanag ng kaluluwa subalit na bigla na malaman na maaari niya maging sandata ang kaluluwa sa larangan ng Assassin. Hindi man siya sigurado kung totoo ang sinabi ng kaluluwa pero naniniwala siya dito sa pamamagitan ng kaniyang nakikita. Kahit labag sa kalooban ni Ziwin na sumali sa Assassin ngunit nangingibabaw sa kaniyang puso at isip ang paghihiganti laban sa mga Monar.

"Sabihin mo sa akin, saan ko matatagpuan ang pagsubok ng mga Assassin?"

"Bago ko ituro sa iyo. Hayaan mo ipakikila ko muna ang aking sarili upang wala tayo problema sa hinaharap. Ako nga pala si Valencia, Valencia Duplicate ang aking makapangyarihan na Techniques. Ikaw bata, sino ka?"

Pinag isipan mabuti niya kung sasagutin ang tanong ng kaluluwa. Wala naman masama kung kilala siya nito kahit sa pangalan lang.

"Tawagin mo na lang ako Win. Nakikita mo naman ang aking kaya gawin kaya hindi ko na kailangan sabihin sa iyo."

Napatawa ang kaluluwa sa ugali ni Ziwin. Huminto na naaala ang dapat gawin niya sa oras na ito. Tumahimik ng maraming minuto ang lumipas sa pamagitan nilang dalawa.

Binasag ang katahimikan na mag salita ang batang kasama ni Ziwin na may pagtatakang tingin sa kanila.

Napantingin naman ang kaluluwa sa bata na may ngiti sa labi. "Hindi mo naman sinabi sa akin, Win. May kasama ka pala bata. Isasama mo rin ba siya?" sabay tingin sa kaniya.

"Oo, may problema ba, Valencia?"

"Wala naman. Maari ko siya alagaan para hindi ka maabala kahit nandoon na tayo sa mga Assassin."

Napa isip naman si Ziwin sa sinabi nito. "Paano mo naman magagawa ang bagay na yan?" tinitigan mabuti niya ang mga mata ng kaluluwa. May napansin siya dito, para ba ito isang salamin kung pagmasdan maigi.

Shadow Of War: Assassin's Sector Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon