Epilogo - Nos Vemos

51 2 5
                                    

(Para kay @JelyMarrianeSB at sa iba pa na masugid na nagbasa ng kwentong ito. Maraming salamat.)


December 31, 2022

"Narito naman ang pamilya Alcala, isa sa mga prominenteng pamilya noong 1840s hanggang early 1890s. Mahigit apat na dekadang nanilbihang gobernadorcillo ng aming bayan si Don Fernando samantalang walong taon namang namahala ang anak niyang si Don Francisco. Mayroong dalawang anak sina Don Francisco at ang asawa niyang si Doña Consuelo—"

"Dalawa? Hindi ba't tatlo?"

Natigilan ang museum tour guide dahil sa tinuran ng bisita. Ilang oras na lamang ay bagong taon na, ngunit naroon siya't nagto-tour pa ng nag-iisang bisita ng museum. Kung bakit kasi pumasok pa siya noong araw na iyon. Ngunit para sa kanyang su-swelduhin ay ngumiti na lamang siya at magalang na itinama ang sinabi nito.

"Dalawa lamang ho. Si Esperanza Gallego y Alcala at si Corazon Alcala na isang madre."

"Nakalimutan mo ang bunso, si Leonora Alcala."

Kumunot ang noo niya. "Pero wala po sa record ng pamilya Alcala ang ganoong pangalan."

"Ah, dahil ba hindi tunay na anak nina Don Francisco at Doña Consuelo si Leonora? Dahil hindi siya tunay na Alcala?"

"Prank po ba 'yan?" Ang tanging naisagot ng tour guide. Limang taon na siyang nagta-trabaho sa Museo de Alcala, subalit hindi niya alam ang tungkol sa pinagsasasabi ng bisita.

Napangiti na lamang ang turista bago lumipat sa susunod na exhibit. Hindi na sumunod dito ang tour guide dala ng pagkalito. Marahil nga pina-prank lamang siya nito.

"Jessa," tawag sa kanya ng manager ng museum. mag-ayos ka na para makapagsara tayo ng maaga. Pagkaalis ng dalawang visitors, Isara mo na agad 'yung main door."

"May dumating pa pong bisita?"

"Ah, oo. Galing Washington D.C., pero Pinay." Nagsimula na ngang magkuwento ang manager, nalimutan ang mga dapat gagawin. "Apparently, inampon ng mag-asawang Americans. Ngayon hinahanap ang biological family niya. Nalaman daw niyang galing siya sa mga lahi ng Cortez. Kayo nandito para i-trace ang pamilya niya."

Napatingin si Jessa sa painting ni Doña Consuelo. Sa ibaba niyon ay nakasulat ang buong pangalan nito: Consuelo Alcala y Cortez.

Tsaka niya naalala ang lalaking bisita ng museum. "Alam mo ba, Ma'am Gem, 'yung isang bisitang lalaki, sabi ba naman tatlo raw ang anak nila Don Francisco at Doña Consuelo. Leonora raw 'yung bunso."

Nanlaki ang mga mata ng manager na si Gemma. "Ano kamo?"

"Wait, so totoo?"

Hindi sumagot si Gemma. Hindi niya kasi inaasahang marinig muli ang impormasyong iyon. Maliit pa siya nang may isang lalaki ang nagkuwento sa kanya noon. Ngunit kahit anong research niya tungkol sa pamilya Alcala ay hindi niya mahanap ang patunay sa sinabi nito.

Hinanap niya ang lalaki at nagulat nang makilanlan ito.

"Ikaw?"

Nilingon siya nito at nakangiting binati. "Magandang umaga po."

"Ikaw si Professor Marcus. Marcus Joaquin, hindi ba?"

Mahina itong natawa. "Hindi po, pero anak niya ako. Cedric Joaquin po."

Para namang nabunutan ng tinik si Gemma. Imposible nga namang walang pinagbago ang hitsura ni Professor Marcus gayong thirty years na ang nakalipas. Unless bampira ito.

Lihim na natatawa si Cedric sa reaksyon ng manager ng museum. Ilang beses na nga ba niya na-encounter ang ganoong pagkagulat sa tuwing nakikita siyang muli ng mga nakilala makalipas ang maraming taon. Tapos ang gulat ay napapalitan ng relief kapag malalaman na kamukha lamang niya o kaya ay tatay niya kuno kahit pa nga siya lang din naman iyon.

Nakipag-kuwentuhan pa sa kanya ang manager, kinamusta ang "tatay" niya. Nabanggit din nito ang tungkol sa paghahanap nito ng kahit anong record tungkol kay Leonora Alcala at patuloy na pagkabigo sa ginagawa nito.

"Dahil sa sinabi ni Professor Marcus noon kaya ako naengganyo magtrabaho rito sa Museo. Ang kaso, sa tinagal ko rito, wala pa rin akong mahanap na kahit ano tungkol sa sinabi niya at tinutukoy mong si Leonora Alcala. Pero may dati akong classmate sa university na galing sa angkan ng mga Gallego. May pinakita siya sa akin noon na sulat daw ng ninuno niyang si Matteo Gallego, galing sa isang "Leonora" na mukhang kasintahan daw nito noon. Do you think it's her?"

Wala sa sariling nasapo ni Cedric ang kanyang dibdib. Thirty years na mula noong muling tumibok ang kanyang puso matapos ang mahabang panahon. Mula noon ay nabago ang misyon niya sa pangalawang pagkakataon. Subalit batid niyang iba na ang hitsura ng babaeng dahilan ng muling pagtibok ng kanyang puso at siguradong hindi rin siya nito makikilala. Ganunpaman, alam niyang kung makikita niya muli ito ay siya mismo ang makakakilala rito.

"Hi. Excuse me. I know this museum is for the Alcala family, but may I know if you have more records about Doña Consuelo Cortez-Alcala or her sister?"

Nilingon niya ang babaeng nagsalita. Sinundan niya ito ng tingin habang iginigiya ito ni Gemma. Ni hindi na niya narinig ang pasintabi ng manager ng museo dahil nilunod na ang boses nito ng malakas na pagtibok ng kanyang puso.

###

Sangre FriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon