Author's Note

26 3 3
                                    

Una po sa lahat, maraming maraming salamat sa pagbabasa ng kuwentong ito. Dahil po sa inyo ay nagawa kong tapusin ito.

This is my second full-length novel (na hindi fan fiction) after "Agent Night" na pareho pong may vampire element. Both are influences of my favorite series "Anita Blake: Vampire Hunter" ni L.K. Hamilton. Ang Sangre Fria na ang ibig sabihin ay "cold blood" naman ay naimpluwensiyahan din ng ilan sa paborito kong Korean dramas like "Mr. Sunshine" at "The Scholar Who Walks at Night". Ang characters actually nina Lukas at Leonora ay impluwesiya nina Kim Hee Sung (Byun Yo Han) at  Go Ae-Shin (Kim Tae Ri) ng Mr. Sunshine. Malaking tulong din nang ipalabas ang "Maria Clara at Ibarra" habang isinusulat ko ito dahil nagkaroon ako ng visual ng kung ano ang Pilipinas during Spanish regime. 

Itong story na ito ay actually spontaneous ko lang nasimulan, pero matagal ko ring binuo at pinag-isipan. Nagsimula ang idea sa kapirasong element ng Young K fan fiction ko wherein si female lead ay director ng fictional film na "Bullet". The fictional film is about a woman from a well-known clan of assassins from the Goryeo dynasty. Doon nag-ugat itong kuwento. At actually may second book ito. (Opo. Sabihin ko na.) Pero 'yung kasunod nito ang matagal ko nang natengga na story. Since 2012 pa. Kaya sa pagtatapos nitong Sangre Fria, na-eexcite na akong simulang 'yung kasunod at sana matapos ko agad this year. Hehe

Ayun lamang po. Sa muli, maraming salamat sa pagbabasa.

Sangre FriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon