Mabibigat ang talukap na iminulat ni Regina ang kanyang mga mata. Waring may nakadagan sa parteng ulo niya na tila mabibiyak sa sobrang sakit. Sa tuwing magba-balak siyang bumangon ay bumabalik siyang muli sa higaan. Nahihilo at tila kay init ng kanyang pakiramdam.
Muli siyang tumagilid sa paghiga tila tuluyan na ngang sumama ang pakiramdam niya. Ilang araw na kasi niyang napapansin ang pag-sakit ng ulo niya ngunit di niya lang binibigyang atensyon. Sa dami ng mga pasyente niyang kailangang unahin ay tila nalimutan niya ang mismong sarili. Napapikit siya sa pag-kirot ng kanyang sentido.
'Regina tanghali na! Hindi ka pa ba babangon diyan?
Tinig ng kanyang Kuya sa labas ng pintuan nang kwartong inookupa niya. Tila ngayon lang pumasok sa isip niya na umuwi nga pala siya sa kanila dahil araw ng kamatayan ng kanilang ama kahapon.
Kinapa niya ang cellphone na nasa gilid niya saka idinayal ang numero nito.
'Kuya di ko kayang bumangon, masakit ang ulo ko', nanghihinang saad niya sa kabilang linya.
Sunod na sunod na katok muli ang narinig niya at pagpihit ng seradura ng pintuan niya.
'Napapano ka? agad na tanong nito at hinipo ang noo niya. 'Hala ka! Ang taas ng lagnat mo.
'Kuya wag mo ko alugin. Nahihilo ako lalo', nakasimangot niyang tugon.
'Mag-pahinga ka na lang muna. Ikukuha lang kita ng pagkain at gamot para medyo humupa ang lagnat mo.
Nagmamadaling lumabas muli ang kapatid. Pumikit siya ng mariin. One thing she doesn't like ay ang magkasakit dahil napaka-oa ng mga kapatid niya palagi. Being a bunso and only girl in the family ay sobrang protective sa kanya ng mga kapatid.
As if on cue, ay halos magkaka panabay na pumasok sa kwarto niya ang iba pang kapatid.
'Bunso, ano dalhin ka na ba namin sa ospital? tanong ng Kuya Rowan niya.
'Bakit tinatanong mo pa? Dalhin na yan agad! saad naman ng Kuya Isaac niya.
'Saglit at ihahanda ko na ang sasakyan', singit naman ng Kuya Vito niya.
'Ang ingay niyong tatlo pag kayo sinungitan na naman nitong si Regina saka lang kayo magsisi-tigil', saad ng Kuya Elijah niya na may dalang tray ng pagkain. 'Bunso kumain ka muna at ito ang gamot inumin pagkatapos.
'Salamat Kuya', may maliit na ngiting sagot niya.
Tahimik siyang kumain pero tila hindi niya malunok ang kinakain dahil sa katahimikang taglay ng mga kapatid na bibihirang mangyari at hanggang ngayon ay nasa loob ng kanyang silid.
'Mga Kuya hanggang anong oras niyo ba ko tititigan? masungit na tanong niya. 'Di ako lalo makakain sa inyo eh', nakasimangot niyang saad.
'Eh bunso nag-aalala lang naman kami. Baka kailangang dalhin ka na sa ospital', her Kuya Isaac said.
'Kuya okay lang ako. Lagnat lang to', she answered.
'Regina alam naming doktor ka, at kaya mong pagalingin ang sarili mo pero kapag kailangan ka ng dalhin sa ospital eh hindi mo kami mapipigil', segunda naman ni Rowan.
'Fine Kuya. Pero please let me eat in peace', she said.
'Oo na po sige, iiwan ka na. Kung sino pa ang bunso siya pa itong ubod ng sungit', sabay kurot sa kanyang pisngi ni Vito.
'Kuya Vito!
'Pikon! natatawang saad nito. 'Oh siya lalabas na kami. Elijah halika na', kalabit nito sa kapatid.
Halos magtulakan pa ang mga ito palabas ng kwarto niya at nang maisarado ng mga ito ang pintuan ay isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.
OA man ang mga kapatid niya pero kahit kailan ay hindi niya ipagpapalit ang mga ito sa kahit sinuman. Not unlike their mother na piniling bumuo muli ng bagong pamilya after her father died.
Three days after ay tila mas lumala ang lagnat niya kaya kahit ayaw ay napilitang sumama si Regina sa mga kapatid. Pinangko siya ni Isaac palabas ng kanyang silid habang si Vito ay nagmamadaling ini-start ang sasakyan.
Wala pang isang oras ay nakarating sila sa ospital, kung saan mismo siya nagta-trabaho. Tila ba naman nakikipag-karera ang kanyang Kuya sa bilis nito magpa-takbo. Agad siyang iniupo ni Isaac sa wheel chair at sinuotan naman ng tsinelas ni Elijah na ikinatawa niya.
'Bakit? nagtatakang ganong nito.
'Kuya sobrang taranta mo magkaibang tsinelas yung nabitbit mo', natatawang saad niya.
Agad itong tumungo at tinignan ang sinasabi niya. Nag-tawanan pa silang dalawa ng isang tunog ang nagpalingon sa kanya.
'Code blue! Code blue! sigaw ng isang nurse.
Agad siyang tumayo at hinawi si Elijah at tinungo ang pasyenteng nag-aagaw buhay.
'Huy Regina! Pasyente ka din!, natatarantang tawag sa kanya ng kapatid.
Nilingon niya ito at sinamaan ng tingin kaya tila napako ito sa kinatatayuan.
Agad niyang dinaluhan ang pasyenteng pinipilit i-revive ng isang nurse na andoon.
Mabilis na inaksyunan niya ang pasyenteng nag-aagaw buhay. Pinalitan ang nurse na nagsi-CPR dito.
'Who's in charge? mahinang tanong niya.
'Dr. Mercado po.
'Where is he? muling tanong niya.
Hindi na niya muling narinig ang sagot ng Nurse na kausap niya. She was too focus to revive the patient.
'Bagged her', saad niya.
She continued to CPR the patient until the doctor's assigned came with their interns.
'Dr. Vanguardia', mahinang tawag nito.
Her eyes landed on them, nakakunot ang noo saka muling binalingan ang pasyente sa harap niya.
'Charge to 150', she said. 'Clear.
'Charge to 200', she said it again.
But the patient is still not responding and the monitor doesn't show any rhythm.
Bagsak ang balikat na binitawan niya ito. She knows, she knows that she lose the patient a while ago. They've been doing resuscitation for almost 30 minutes.
'Declared it', mahinang saad niya.
Dr. Mercado', untag niya rito.'A-a-ah', nauutal na panimula nito saka tumingin sa relong pambisig. 'Time of death, 16:22.
Bahagya siyang nahilo matapos marinig ang oras ng pagkamatay nang pasyente. Agad rin siyang dinaluhan ng mga kapatid at iniupo sa wheelchair.
'You better start explaining your side Dr. Mercado, for not being present while some patient is coding under your care.
Halos mamuti ang on-call senior resident na nasa harapan niya. They've known her for being the strict, stiff, cold and emotionless attending of the said hospital.
Dr. Regina Veron Vanguardia M.D
General Surgeon
Ang kinatatakutang attending physician ng mga interns sa
Nueva Esperanza Memorial Hospital.
A/N: This is purely fictional. Please lang paki-hiwalay ang nangyayari sa totoong buhay. Gawa-gawa lamang po ito ng malikot kong kaisipan, at kung may pagkakahalintulad man po iyong ay pure coincidence lamang. Again fictional story lang po ito ha. Salamat!