Note:Ittalic words are inner thoughts and flashbacks. Happy reading!
Halatang iritable si Narda sa suot niya, halos magdikit ang kilay at kandahaba ang nguso sa pag-simangot. Hindi mapakali at kulang na lang ay mamula sa inis pero dahil kailangan eh wala siyang choice to still wear the dress that Maloi gave.
'Ate ano ba yan! Gusot na agad yung dress mo dipa tayo nakakaalis', natatarantang salita nito.
'Eh kasi naman I am not used to this. Kailangan ba talaga ganito suot ko? naiiritang tanong niya.
'Ate awards night pupuntahan natin. Just for tonight wear that dress kasi yan ang dress code ng event.
'Wag na kaya akong magpunta? suhestyon niya.
'Ate hindi pwede. Isa ka sa nasa selection of awardee tapos hindi ka magpapakita? Halika na nga', sabay hila dito.
'Maloi dito na lang ako. O kaya sa ospital na lang ako.
'Ate manahimik. Lahat kami nakipagpalit ng shift tonight so we can accompany you tapos papasok ka? Ay nako! Halika na', sabay hila muli rito.
Kahit anong piglas niya at hindi siya tinantanan nito. Hanggang parking ay hawak nito ang kamay niya. And to her surprise Aiah was there, waiting for them.
'What are you doing here? manghang tanong niya.
'To make sure you'll attend tonight's event. Tara na. Kanina ko pa kayo hinihintay', aya nito saka naunang sumakay sa sasakyan.
'Maloi', baling niya sa pinsan.
'Wala kang kawala Ate. Sinugo ni Ice Queen yan dito so wala din akong choice to let her drive us to the venue. Halika na kasi', pagpupumilit pa nito.
Ice Queen, ang bagong bansag sa tinaguriang Valentina ng NEMH. Dahil kung noon ay sobrang strikta lamang nito ngayon naman ay para itong yelo sa pakikitungo nito sa mga nakakasalamuha niya. She guard her whole being, again. Three times more than the usual.
Napailing si Narda sa sumagi sa kanyang isip ngunit naagaw naman agad ang atensyon niya nang marinig ang pagpiksi ni Maloi sa likuran niya.
The latter was patiently waiting, until she decided to get inside the car. She sits at the back, frown her face even more. The latter sits beside Aiah.
'Baka naman hanggang event puro simangot na lang gagawin mo Narda', Aiah said. 'You are very elegant wearing your dress. Sayang naman kung hindi mo isho-show off yan.
'Nangangati na nga ako eh. Bat kase kailangang naka-dress? kunot ang noo na tanong niya.
'Dress code nga kasi Ate. Alangan namang uniform sa ospital isuot mo don', nayayamot na sagot ni Maloi.
'Let her be Babe. Aayos lang naman yan kapag nalaman niya kung kanino---
'Hoy anong Babe? gulilat na tanong ni Narda.
That made Aiah stop midway. Chuckling a bit to what Narda's reaction on her sudden outburst.
'Care to explain Maria Loisa Custodio Ricalde? Narda exclaims.
'Eh kasi ano Ate', panimula ni Maloi na halos mapakamot pa sa ulo. 'Manawari kasi eh. Hindi ko pa nga nasasabi sa Ate tapos binuko mo na agad', baling nito kay Aiah.
That made Aiah laugh even more. No one in their circle knows that she said yes to Maloi after years of courting. They decided to be discreet because apparently it's prohibited in their workplace to be in a relationship with attendees and interns. But after Maloi pass her residency exam she gave the best gift to her. To be her girlfriend.