Special Chapter 2

50 6 2
                                    

'You of all people know how important that clinical trial is! Narda shouts.

Her voice echoed the whole surgery floor. She was fuming mad learning that Regina, her own wife tampered it. Just to give the active placebo for a certain person.

'I didn't do anything Narda. I was just there to look if Chief sister will get the placebo. Sa tingin mo ba sisirain ko ng ganon-ganon lang ang trial mo. I will not do that', Regina answered.

'Someone saw you Regina. You are there holding the said placebo, so stop lying! Hindi ko akalaing ikaw pa mismo ang gagawa nito Regina. Ikaw ang kasama ko habang binubuo ko ang trial na 'to but you betrayed me. So, God forbids if my intuition was right, I will do anything in my power to have your license removed.

'Bub please', bulong niya.

But Narda didn't hear it. Nilayasan siya nito at tanging bagsak ng pinto ang sumalubong sa kanya. Napaupo siya at napahawak sa ulo niya. What did she do?

Pero hindi natatapos doon ang lahat. Nalaman ng korte ang ginawa ni Regina'ng pagsisinungaling kaya iniutos nito na alisin si Naya sa pangangalaga nila.

'Narda please wag kang umalis', pagmamaakawa niya.

'I'm sorry Regina pero mas makakabuting umalis na muna ako', sagot nito.

Walang tigil ang paglalagay nito ng mga damit sa isang bag habang si Regina naman ay paulit-uli na inaalis ito. Iyon ang naging dahilan para magalit ito.

'Enough! Stop what you are doing Regina! Hayaan mo kong umalis ng payapa, please lang.

'Narda pag-usapan muna natin lahat ito. Wag mo namang takbuhan oh.

'Takbuhan? Hindi ako tumatakbo Regina pero pinipili kong umalis muna at iwan ka para ma-proseso ko ang lahat. Hindi kita kayang makita, lalo lang nadadagdagan ang galit ko sayo.

'Narda please wag naman ganito. Wala na nga si Naya, pati ba naman ikaw iiwan ako.

'Nawala si Naya dahil sayo! Aalis ako dahil sayo! Nakaka intindi ka ba? Matalino kang tao Regina, alam mo kung bakit nangyayari lahat ng ito. Yun ay dahil sa kapabayaan mo.

'Bub please. Ayusin natin to.

'Hindi mo maaayos ang isang bagay ng over night Regina. Nawala ang tyansa nating magkaroon ng buong pamilya dahil sa mga maling desisyon mo.

'Ikaw lang ba ang nawalan? sumbat niya. 'Nawalan din ako Narda, even my career was at stake dahil sayo. You should listen to me, before you decide to report me sa board. Pero hindi mo ko pinakinggan, basta ka na lang nag-assume na kaya kong sirain yung trial. Kaya hindi lang ako ang may kasalanan dito kung bakit nawala si Naya. Nasa kamay mo ang desisyon nang mga oras na yon.

'Naririnig mo ba talaga ang sarili mo ha Regina? galit na galit niyang saad. 'Talagang sa akin mo pa isinisisi ang lahat? Ibang klase ka din talaga. You're career was at stake because you did it to yourself. May sinumpaan kang tungkulin nang maging doktor ka at isa sa mga iyon ay ang maging tapat sa propesyong pinili natin. Tapos ngayon pati pagkawala ni Naya sa akin mo isinisisi? Ako ba ang nag-sinungaling at sinabing okay lang ang lahat? Wag mong ibunton sa akin ang mga pagkakamali mo Regina. Dahil hindi porket mag asawa tayo eh hawak ko na ang mga desisyon mo. Kaya please lang let me go, wag mong hayaang pagsisihan ko kung bakit kita pinakasalan.

Regina stunned when she heard that. Tinalikuran na siya ni Narda at nakalabas na ng pintuan. Ang kaninang maingay na paligid ay nagmistulang kumbento sa sobrang katahimikan. She stumbled on the floor, her hand travel to her chest. Hindi siya makahinga, it aches her to the core. Sumigaw siya. Isinigaw niya ang sakit ng paglisan ni Narda. Tila nabibingi siya sa sarili niyang boses and it all turned into black.

MahiwagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon