Always listen to the music above for better feelings. Happy reading!
Halos kauuwi lang ni Regina galing ospital. Pagod na naupo at bahagyang hinihilot ang paa'ng nangalay katatayo sa loob ng OR. She decided to have a quick shower so she can rest after.
Twenty minutes later, she heard her phone ring.
'Oh Maloi napatawag ka?
'Doc pasensya na sa istorbo, pero nasa bahay ka na ba?
'May I remind you na stop calling me Doc kapag wala naman tayo sa ospital', saad niya. 'At oo nasa bahay na ako, kauuwi ko lang. May kailangan ka ba?
'Sorry na, di lang talaga ko masanay pero kase ano, baka pwede naman po ako makisuyo. Si Ate Narda kase-----wait balikan kita Doc.
'ah ang sakit ng tiyan ko' Regina heard from a distance, and then a footsteps approached.
'Hello Riv.
'Oh Raya, andiyan pala si Maloi?
'Yes kagabi pa.
'She was saying about Narda eh.
'You should go to Narda's condo Riv. She needs you.
'Huh? If she needs me magsasabi naman yon.
'Riv alam ko nahihiya lang yon dahil sa tampuhan niyo pero puntahan mo na. She really needs you kasi malamang they have the same situation ni Maloi.
'Napano si Maloi? takang tanong niya.
'Continues diarrhea, mula pa kagabi. So malamang si Narda din. Ang gagaling ba naman ginawang pulutan ang talaba at tahong sa beer na iniinom nila kahapon.
'Jusmiyo', saad niya at napasapo sa noo.
'Kaya puntahan mo na. Kanina pa di mapakali 'tong si Maloi sa Ate niya eh.
'Oo sige. Salamat Raya.
'Manawari pakisabi ke Doc Regi katukin niya lang si Ate', Maloi said from a far.
'Narinig mo naman yung sinabi diba? Aiah said.
'Oo sige. Puntahan ko na lang. Salamat Raya.
Matapos iyon ay napabuntong hininga na lamang siya. Agad siyang kumilos at umalis ng bahay.
Nakailang katok na siya ay hindi parin siya pinagbubuksan nito. She twist the doorknob and to her surprise it was open. Dahan-dahan siyang pumasok, malinis naman pero nakita niyang nakakalat sa counter area ang isang plastic ng kilalang pharmacy at iilang gamot. May isang balot din ng skyflakes na bukas at halatang hindi naubos.
Ilang araw ng umuwi si Narda sa condo nito matapos nilang mag-talo. It's about their wedding preparation. Hindi kasi sila mag-kasundo kung saan nila ito gaganapin knowing na dito sa Pinas ay hindi naman allowed ang same sex marriage. Yes, both of them can fly anywhere to get married but what about their families? Praktikal ika nga, aniya niya. Kaya nilang ilipad papuntang ibang bansa pero masasagad lahat ang savings nila. Simpleng bagay na mapag-uusapan sana kaso nauwi sa pagtatalo nilang dalawa. Naputol ang pag-iisip niya ng makarinig ng kalabog. Agad siyang nag-tungo sa banyo at itinulak ang pinto nito.
'Narda! sigaw niya.
Nakayukyok ito at mukhang galing sa pagsusuka. Nagkalat ang mga hygiene kit nito sa sahig.
'Regi', mahinang sambit nito.
Nangingilid ang mga mata nito sa luha.
'Okay ka lang? Kaya mo tumayo?