Living with pain

70 5 2
                                    

Play the music at the multimedia section for better feels on the first part of this chap. Thank you!





























Malamig ang simoy ng hangin kahit pa bahagyang tirik ang sinag ng araw sa bahaging iyon. Huminto ang isang sasakyan kung saan lulan si Narda.

Marahan siyang naglalakad habang hawak ang isang bungkos ng puting rosas. Inilapag niya ito sa isang puntod na kanyang hinintuan.

'Kumusta ka diyan sa taas Nanay? Masaya ba kayo nila Tatay at Aleng diyan?, malungkot niyang kausap dito habang hinahaplos ang lapida nito.

Maingat siyang umupo sa damuhan sa tabi nito.

'Nay doktor na ko. Natupad ko na yung pangako ko sayo na magta-tapos ako', kwento niya. 'Isang taon na lang din ga-graduate na si Ding. Sayang lang at wala na kayo ni Tatay para pag-alayan ng tagumpay namin', naluluha niyang kwento.

Limang magka-kapatid sila Narda. Ang Ate at Kuya niya ay may kanya-kanya ng pamilya. Si Ding ang sumunod sa kanya. Ang bunso nila ay bata pa lamang mula ng mamatay, ang unang pagkawasak ng puso nang kanyang Nanay.

Highschool siya ng biglaang mamatay ang Ama. Brain Aneurysm daw sabi sa ospital, iyon ang ikalawang pagguho ng mundo ng Nanay niya. Mula noon pinangarap na niyang maging doktor, sa takot na baka maulit ang ganong senaryo sa buhay nila.

Ngunit panibagong dagok pala ang ibibigay sa kanila dahil sa ikalimang taon ng pagkamatay ng Ama ay siyang binawi din ang Ina. Nasa med school na siya noon, sa sobrang busy hindi niya napansin na unti-unting iginugupo ng sakit ang Ina. Wala siyang kamalay-malay na may dinadamdam ito. Punong-puno siya ng regrets noon na sana ay nabigyan niya ito ng pansin.

'Nanay miss na miss na kita', muli niyang saad. 'Kung bakit ba kasi hindi mo sinabi sa akin noon na may sakit ka edi sana ay naipagamot man lang kita.

Her mother died on New Year's Day. They were currently at the hospitals ward. She's her mother's companion on the day she surrender her life. Holding her hand while praying the rosary. Habang ang lahat ay nagsa-saya sa pagpasok ng Bagong Taon ay siya namang pagguho at pagka-wasak ng puso niya.

Patuloy ang luhang pumapatak sa mga mata ni Narda nang isang kamay ang dumantay sa balikat niya. Napalingon ito at isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kanya. Niyakap siya nito at hinayaang umiyak sa dibdib nito.

It was Regina.

'Hush now Narda. You'll be okay', saad nito habang hinihimas ang likod niya.

'Anong ginagawa mo dito Gi?, tanong niya ng kumalas sa mga bisig nito.

Bahagya pang natawa si Regina sa itsura nito. Mugtong mata at nangangamatis ang ilong dahil sa kakaiyak.

'Bagay talaga sayo nakangiti Regina', muli nitong saad.

'Ikaw kagagaling mo pa lang sa iyak, nambobola ka na agad.

'Hindi yon bola, kasi totoo naman. Pero ano ngang ginagawa mo dito?

'Dinalaw ko ang Papa ko at si Lola. Banda roon ang puntod nila', sabay turo nito. 'Paalis na dapat ako pero napansin kita dito.

'Small world. Thank you sa pag-comfort Gi', pasasalamat niya.

'Wala yon. We're friends Narda, kaya gusto kong damayan ka.

Pareho silang tahimik at nakatingin sa papalubog na araw sa gawi nila.

'Mind sharing what you're thinking Doc Custodio', she said while still looking at the sky.

'Too formal ha. Kanina tinawag mo pa lang akong Narda ah', natatawang saad nito.

MahiwagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon