'Ayoko na, pagod na ko', Jhoanna said out loud.
Agad din itong sumubsob sa lamesang inuukopa ng mga kaibigang kanina pa naghi-hintay sa kanya. Napag-kasunduan kasi nilang sabay-sabay na kakain upang personal na i-welcome si Sheena sa pamilyang nabuo nila.
'Napano ka Ate? nag-aalalang tanong ni Sheena.
'Don't mind her Shee, mamaya okay na yan', nakangiting saad ni Stacey.
'In 3, 2, 1. Okay Jhoanna rant na', natatawang saad naman ni Maloi.
'Ayoko na sa service ni Doc V at Doc Custodio. Jusko para akong naiipit sa nag-uumpugang bato. Everyday na lang nag-aaway sila', exhausted na kwento nito. 'Hindi ko na alam sinong susundin sa kanila. Buti na lang andun si Doc Arceta kanina kaya natigil sila kaka-away.
'Oh love, tubig ka muna', singit naman ni Colet sabay uwang ng baso sa bibig nito.
Pabalik-balik naman ang tingin ni Sheena sa mga nasa harap niya. At tila naguguluhan sa nangyayare.
'Sheena masanay ka na. Lahat kami pinag-daanan yang stress kapag nasa service kami ng dalawa. Mild pa yang sa Ate mo promise', muling sambit ni Stacey.
'Ganon ba talaga kalala? Eh okay naman si Dr. Custodio as an attending eh.
'Okay naman sila both Shee, kaso kapag same patient yan ay jusmeh kala mo laging magsa-salpukan kapag nagka-kaharap. It's like a ticking bomb na kaunti na lang ay sasabog', Colet answered.
'Maloi trade tayo. Ikaw na lang sa service nila', Jhoanna pleaded.
'Ano ko hilo? Jho kahit pinsan ko si Doc Custodio ay cannot be beh. Ayoko ma-stress sa kanila ni Doc V kahit pa andun ang aking honey my love so sweet eh ayaw ko pa din.
'Ang korni mo Ricalde', natatawang saad ni Jhoanna sabay bato ng tissue dito.
'Ate ako na lang', suhestyon ni Sheena. 'Si Dr. Lim naman attending ko today eh. Magpa-paalam ako.
'Ay nako wag na, antayin mo na lang kung kelan ka maa-assign sa kanila Sheena. Di uubra pagiging accelerated mo sa school sa dadaaning stress sa kanila', tanggi ni Jhoanna.
And before Sheena could react, the said attendees walked into the cafeteria. Parehong kunot ang noo at tila hindi mo maaaring kausapin. They sat almost next to their table. It's like a thick air that surrounds the whole cafeteria.
Everyone knows that the two were constantly fighting about the same patient they were treating.
In that way all of them decide to finish their food silently. No one dare to speak.Nagpa-pakiramdaman sa mga susunod na mangyayare. Habang ang dalawang doktor na malapit sa lamesang inuukopa nila ay tahimik ding magsi-simulang kumain. Mapapansin ang hindi pagpapansinan ng mga ito ngunit hindi naging hadlang sa dalawa ang asikasuhin ang isa't-isa.
Narda carefully placed a plate in front of Regina while the latter was wiping the utensils and placing them on the side of their plate.
Nag-tinginan naman silang lima saka pasikretong nag-ngitian.
'Ang sweet nila', Sheena stated in low voice.
'Super. Ilang beses man namin ma-witness na mag-away silang dalawa never na pumalyang hindi sila mag-kasabay lalo na sa kainan', Colet said.
'They were inseparable', Maloi added while smiling. 'Parang nakatadhanang mag-tagpo sila at maging isa.
'Tama ka diyan Loi. Iba yung impact ng pagdating ni Doc Narda sa buhay ni Doc V eh. Alam mo yon kahit bad days for her eh makikita mo pa ding nakangiti', Stacey added.