Balay

73 7 4
                                    

Just listen the song above for better feels. Happy reading!




















Isang linggo na ang nakalipas mula ng makalabas ng ospital si Regina. Isang linggo na rin siyang tengga sa loob ng bahay.

Her brothers decided that she should stay with them at her Lola Agnes house. Wala siyang choice dahil mula ospital ay dito na siya idineretso ng mga ito.

Kasalukuyan siyang nakahiga sa kama niya, nag-iisip ng pu-pwede niyang gawin upang hindi mainip.

'Regina hindi ka ba lalabas riyan?

Boses ng Kuya Vito niya. Mula pa kaninang umaga ay ni hindi siya lumalabas. Ang pagkain niya ay inihatid lang kanina ng Kuya Elijah niya bago ito umalis papasok ng trabaho.

'Regina sa baba ka mag-tanghalian ha. Bahala ka di kita dadalhan ng pagkain mo diyan.

Muli nitong salita.

'Oo Kuya babangon na.

Nakasimangot niyang sagot kahit pa hindi siya nakikita nito.

'Oh sige. Ipaghahanda na kita ha.

Ilang minuto pa ng pinalipas niya saka bumangon sa pagkaka-higa. Isinukbit ng maayos ang cast niya sa braso saka lumabas.

She heard some voices laughing, which made her eyebrows frown. Her brothers are out, and only Vito stays to attend to her needs. 

And then she saw Narda in the living room, putting some bags on the table. 

'Uy hi Gi', kumakaway na bati nito.

Bigla siyang napatalikod at umakyat pabalik ng kwarto. Anak ng piskit hindi siya nakaayos. The shirt she was wearing had holes in it. Her hair was also dishevelled.

And then she heard some knocking on her door.

'Gi.

It was Narda.

'Bakit? kinakabahang sagot niya.

Pota bat ako kinakabahan? Sabay hawak sa dibdib niya.

'Okay ka lang? muling salita nito.

'O-o-oo. Lalabas din ako.

'You need help Bub? malambing na tanong nito.

'No naman. I can manage po', malambing din niyang sagot.

'Gi wala tayo sa koreanovela. Bakit sa pagitan ng pinto tayo nag-uusap?

She chuckled. And slowy opened the door. She peeked at her.

'Anong ginagawa mo dito?

'Dinadalaw ka. Ayaw mo ba?

'May sinabi ba ko?

'Eh bat ka biglang tumakbo pabalik dito?

'Eh kasi wala ka namang pasabi. Hindi ako nakaayos.

'Wala namang sorpresa na sinasabi tsaka kahit ano pang itsura mo Bub eh maganda ka pa din sa paningin ko.

'Bolera! Sige na baba ka na dun maliligo lang ako', taboy niya dito.

'Hindi mo kailangan ng tulong? nag-aalalang tanong nito.

'Narda hindi ako baldado. Kaya ko na baba ka na dun', muling taboy niya dito.

'Oh sige hintayin na lang kita sa baba',  nakangiting paalam nito.

Muli niyang isinara ang pinto ng umalis si Narda. Napapailing na lang siya sa sobrang pag-ngiti at kilig dito.













MahiwagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon