Nakasimangot at mainit ang ulo ni Regina ng dumating sa ospital. Halos mag-salubong ang kilay nito kaya hindi makaimik ang mga residents sa harap niya.
'Who's on my service today? kunot noo'ng tanong niya.
'That would be Dr. Vergara and Dr. Ricalde', Aiah stated.
'No. I don't want them today. I want Dr. Sevilleja and Dr. Robles with me', sabay talikod nito.
'Dr. Vanguardia, mind you explain why the sudden change of mind?
'Nothing Dr. Arceta. I just want them today', dire-diretsong saad nito.
'Go na Stacey and Jho mukhang nagising sa maling pwesto ang attending niyo today.
Agad namang sumunod ang dalawa na nag-uunahan pa.
'So, what's the beef? baling naman ni Aiah sa dalawa.
Nag-sikuhan naman agad yung dalawa at hindi alam kung sino ang unang magsa-salita.
'Babe? Aiah suddenly spill her endearment towards Maloi.
Nanlaki naman agad ang mata nito at napatitig sa kanya. Napapadalas ata ang pagiging malambing nito sa harap ng ibang tao kaya ang desisyong maging discreet for quite some time ay hindi nangyayare.
'Akala ko ba hindi pa kayo ni Doc Aiah? nakangiti ngunit nang-iintriga na tanong ni Colet.
Colet was the only person who knows she is consistently courting Aiah kahit ang ilap nito. And same with Narda eh hindi niya parin nasasabi na sila na ng mailap na doktor, kaya lang ay mismong ito ang nagbu-buking sa kanila.
'Enough with us muna Colet. So, ano nga? Bakit mainit ulo non? Aiah asked again.
'Eh kasi inihatid namin si Ate Dok sa condo niya ng lasing na lasing kagabi', kamot ulong sagot ni Maloi
'Eh mukhang nag-e-expect si Ate na umuwi ng maaga si Doc Narda. Naka-nighties ba naman nung pinag-buksan kami ng pinto', Colet added.
Before Aiah reacts, Narda came to the scene. Hawak ang noo na bahagyang hinihilot pa ang sintido. Parehong nakasimangot si Maloi at Colet sa harap niya.
'Problema? naka-kunot noo na tanong niya.
'Kasalanan mo 'to Ate', Maloi said na nakasimangot pa.
'Ha? Pinagsa-sabi mo? takang tanong niya.
'Nasa service dapat kami ni Doc V eh, may big case yun ngayon. Hindi tuloy kami pinasama sa bwisit niya sayo', nakasimangot pa ding sagot nito.
'Kanina pa ba siya andito? biglang hanap niya.
'Apparently yes at mukhang nagising sa maling pwesto yung jowa mo. Diko pa nga na-interogate yon about you two', Aiah stated. 'Bat ka ba kasi lasing kagabi?
'Mag-a-unwind lang dapat ako kagabi kasi nga di naman tayo nakapag celebrate nung awards night tapos nakita ko sila ayun napatagay ng malala. Gaano ba kadami nainom ko? muling baling nito sa pinsan.
'Halos ikaw umubos nung bucket ng beer na inorder namin Doc. Tawag ng tawag sayo si Ate kagabi sabi ni Jho', Colet answered.
'Kaya pala ansakit ng ulo ko pati likod ko', reklamo niya. 'Sa couch ako natulog.
'Dasurb. Inom pa more', sarkastikong saad ni Maloi.
'Oh', sabay abot ng chart kay Narda. 'You have a consult at 1307', Aiah said. 'These two will be at your service today since your girlfriend refuse to be with them.
Nakamata silang tatlo sa papalayong pigura ni Aiah. Maloi still frowning her face, scrunching her nose, while Narda still massaging her head.