Always You

77 8 2
                                    

Note: All italic words are flashbacks.















Katulad ng ipinangako ni Narda, kinabukasan ay agad siyang dumating at pumasok ng ospital. Masaya man ang lahat na makita ang pinaka paborito nilang doktor ay kaibahan naman sa awra nito.

Wala ang masisiglang ngiti. Blangko ang ekspresyon. Wala ang dating Narda na nagdadala ng kasiyahan sa lahat nang ka-trabaho sa ospital.

Agad itong nag-kanlong sa kanyang opisina at tanging si Regina lamang ang allowed na pumasok dito.

'Here's the latest MRI scan you requested, Narda', abot nito. 'Her lab results was in your table. Lahat yun ni-request kong gawin ulit just for you to look at it.

'Okay', tugon nito na hindi man lang tumitingin sa kausap.

'There's food in the fridge, ire-heat mo na lang. Eat Narda, you need it.

Regina decided to leave her. Hindi siya sanay sa bagong Narda na nakikita niya. Pain really change a person. At hindi niya masisisi ito for shutting everyone out just to hide her pain.


















Play the song above for the next part.


















Hapon na ng makalabas si Regina ng OR. Agad na sumalubong sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Aiah.

'Hey, what are you doing here? takang tanong niya.

'Riv, are you sure Narda's here na? she asked worriedly.

'Of course. I was the one who gave the new scans of Peia earlier.

'Riv hindi parin kasi siya nagpapakita. Ilang beses na kong nagpa-page para makausap pero wala pa din', nag-aalalang sagot nito.

Pabalik-balik itong nagla-lakad sa harapan niya.

'Riv, i can't lose Peia. Hindi ko kaya, hindi ko kakayanin', teary eye na salita nito.

'Raya, Raya relax. No one's gonna lose someone. You are not gonna lose her, I swear. I'll talk to her again, baka she was reviewing Peia's scan lang', alo niya dito. 'Let's go back to your daughter's room baka hinahanap ka na non.

Inaya niya na itong bumalik roon bahagya padin itong humihikbi pero agad na nawala ang pag-aalala nito when she heard Peia's laughter. Nagmamadali silang lumakad at natagpuan nila itong kasama si Narda at nilalaro.

'Narda', mahinang bigkas ni Aiah sa pangalan nito.

'You have a beautiful daughter Aiah', nakangiting saad nito.

'T--t--thank you.

'I'm sorry ngayon lang akong nagpakita sayo. I know you paged me a lot of times and that makes you worry more. Ayoko lang talagang humarap sayo without having a concrete plan of saving her', baling nito sa bata.

'I'm sorry for getting you paged a lot of times', hinging paumanhin nito.

'It's okay. You are a mother; all you want is to save her. But Aiah tatapatin na kita, what she has is something rare; you knew that. Rasmussen Encephalitis is a disease in which half of the brain is not functioning well. Left untreated, the disease gonna kill her. The only treatment is to remove the damage part and sealed it off.

Aiah hugs her child, crying silently. Sinisisi ang sarili kung bakit inabot ito ng anak. A typical mother.

'River', umiiyak nitong saad.

Waring humihingi ng lakas sa kaibigan nandoon. Agad siyang nilapitan ni Regina saka hinawakan ang kamay nito.

'Sssh Raya, andito ako', alo niya. 'What are the risk Narda? baling nito.

MahiwagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon