Tahimik ang paligid, payapa at puti. Tanging huni ng mga ibon ang maririnig mula sa bukas na bintana ng silid kasabay nang malamyos na tinig na nagmumula sa isang maliit na speaker. Iyon ang nagisnan niya sa pagmulat ng mga mata.
Leaves by Ben&Ben, napangiti siya. Iyon ang unang kantang sabay nilang pinakinggan noon ni Regina, nang una silang mag-kita sa roof deck ng ospital.
Iginala muli ni Narda ang paningin sa buong silid, waring may hinahanap ngunit hindi matagpuan. Pinilit niyang bumangon ngunit agad ding napabalik sa higaan ng maramdaman ang kirot sa kanyang bandang likuran.
Mayroon ding dextrose na nakakabit sa kanyang kanang kamay. Napakunot ang kanyang noo at muling tinignan ang paligid, tila yata ay naka-confine siya sa ospital.
Panandaliang iwinaglit ang mga agam-agam ng bumukas ang pintuan nang silid. Iniluwa nito ang pinsang si Maloi at ang taong kanina pa hinahanap ng kanyang mga mata. Si Regina.
'Maloi make sure your safe kapag pauwi ka na. Napakiusapan ko naman na sila Colet na baka pwedeng dun ka muna sa condo nila ni Jho at Stacey dahil mas malapit yun dito', panimula nito. 'Nakausap ko na din yung baranggay kung saan nakatira sila Ding. Alerto na din sila kapag muli sila hinarass ng mga stalker na yon.
'Yes Doc V. Salamat po ulit ha. Sobra-sobra na po ang abala namin', nahihiyang sagot nito.
'We're family here Maloi. Kailangan naming masigurong safe kayo ng Ate mo after ng nangyari. Hindi safe na dun kayo sa condo ng Ate mo uuwi lalo na at alam ng mga yun kung saan ang address niyo at palaging nakaabang doon.
Sige padin ang pag-uusap nila tila hindi aware na gising na si Narda at nakikinig sa kanila.
'Salamat padin Doc V. Kung hindi kita nakita kagabi malamang----
Napahinto ito sa pagsasalita at napatakip ng bibig.
'Bakit? nagtatakang tanong ni Regina saka lumingon sa tinitingnan nito.
'Ate gising ka na! Teka sandali sasabihan ko lang yung mga nurse sa labas', saka ito nagmamadaling lumabas.
Tila na-estatwa naman si Regina na nakatitig lang dito. Hindi namalayang nagsi-simula ng pumatak ang mga luha sa mata.
'Bub you're crying', nag-aalalang saad nito.
Nag-pumilit pang tumayo muli si Narda dahilan para mas kumirot ang likuran nito. Doon tumalima si Regina, at agad siyang nilapitan.
'Saan masakit? humihikbing tanong nito.
Walang tigil ang paghimas nito sa likuran niya umaasang maiibsan ang kirot na dala ng sakit na nararamdaman nito.
'We'll ask for another round of pain killers para mawala agad yan', saad ni Regina habang humihikbi.
'Regina. Bub? You stay? naiiyak na tanong niya.
Tumango siya. Pinipilit supilin ang hikbi mula sa pag-iyak.
'Saan pa masakit? muling tanong nito.
'Okay na Bub. Tahan na', alo niya.
'Ikaw naman kasi bat mo sinalo yung kahoy kagabi. Paano kung napuruhan ka? muling saad nito.
'Mas di naman tamang ikaw ang sumalo non. Yun na lang ang naisip kong gawin after what i did---
'Sshh Narda, ayokong pag-usapan yan sa ngayon', putol niya sa sinasabi nito. 'Ang importante maging okay ka, gumaling ka, lumakas ka.
'Pero Regina-----
'Narda wag makulit. Yung tigas ng ulo mo talaga papatay sayo eh', nakataas ang kilay na saad nito.
'Wala namang malambot na ulo', katwiran uli nito.