Special Chapter 4

36 3 0
                                    

'Sister Isabel!

'Jho? Ikaw na ba yan? takang tanong nito.

'Opo, ako nga po', ngilid luhang sagot niya.

'Nako, anak ikaw nga! masayang sambit nito. 'Salamat at nag-balik ka!

Patakbong yumakap si Jhoanna dito. Ang naturang madre ang kumupkop sa kanya, sa Sitio Aruga siya napadpad. Ang ampunan ang naging tahanan niya sa mga nakalipas na taon. Nang magtapos ng highschool ay saka siya umalis na sa naturang lugar, upang tahakin ang pangarap na nais niya.

'Kamusta ka, anak? Ang tagal na mula nung huli kitang makita.

'Doktor na po ako Sister! masayang kwento niya.

'Talaga? Salamat sa Diyos at natupad mo ang pangarap mo. Ano pa lang sadya mo dito?

'Maayos na po ang buhay ko. Nais ko po sanang magbahagi ng tulong sa mga batang naririto.

'Ganoon ba, masaya ako para sayo. Halika doon muna tayo sa opisina ko.

Agad silang nag-tungo rito, lilinga-linga si Jhoanna ng makapasok dito. Malaki na ang pinagbago nito, malayo sa natatandaan ng kanyang musmos na kaisipan. Mas maayos na ang interyor ng opisina ni Sister Isabel maging ang naturang establisyemento ng ampunan.

'Marami ng nagbago dito, anak. Pasalamat kami sa mga nagbigay ng tulong para mas mapaganda ang ampunan. Ikaw kamusta ka naman? Kwentuhan mo naman ako ulit, katulad ng dati', nakangiting sambit nito.

Naupo si Jhoanna sa tabi nito, hinawakan ang kamay ng tumayong Ina sa kanya, sa maraming taon.

Napakadami niyang kwento at taimtim namang nakikinig ang naturang Madre hanggang sa may kumatok at sumilay na babae papasok ng opisinang iyon

'Magandang araw po Sister Isabel.

'Nako nariyan ka na pala Crof', masayang sambit nito. 'Kanina ka pa ba?

'Hindi naman ho. Inuna lamang po namin ni Riri ibaba yung mga pagkain para sa mga bata.

'Ah ganon ba, ay teka pakilala ko lamang sayo itong anak kong nagba-balik', sabay baling nito kay Jhoanna. 'Jho anak, ito si Crof isa sa mga major sponsor ng ampunan.

'Nice meeting you po', nakangiting bati niya.

'Nice meeting you din', nakangiting bati nito. '

'Tita tawag po kayo ni Nanay ko sa labas', saad ng isang bata.

Agad na napabaling ang tingin ni Jhoanna sa batang lumapit dito. Kunot ang noo na pinagmamasdan ito.

'Jho hindi mo na ba naalala ang batang iyan?

Alanganin siyang umiling.

'Okay Liam. Tell your Mom I'll be there in a bit', nakangiting saad ni Crof sa bata.

'Liam', mahinang bulong niya.

'Liam halika, I'd like you to meet someone', saad ni Sister Isabel.

Agad naman tumalima ang bata at sumunod.

'Liam siya si Ate Jho', panimula nito. 'Jho this is Liam, yung batang inalagaan mo noon.

Jhoanna's eyes became teary, she wants to hug the kid but she's hesitated. This kid gave her hope to be the best. Tandang-tanda niya pa noon kung ilang beses siyang umiiyak kapag napupurnada ang pag-aampon ng ilan dito. At anong saya ang naramdaman niya nang finally may pamilya ng nais tumanggap dito.

'Ang laki mo na', humihikbing saad niya.

Nagtataka namang tumingin lamang ang bata sa kanya. Jhoanna get something from her pocket, a picture she's been keeping inside her wallet.

MahiwagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon