Chapter 3: swimsuit

257 12 0
                                    


"Ang ganda ng Gown mo Myka!" Compliment ko sa bff ko ng sukatin niya ang kaniyang Gown.Gosh! Someday sana ako rin.

"I know right!" Masaya niyang sambit.
Masaya ako para kay Myka. We were besftriends since high school.
Jace was her long time boyfriend and first love. Sobrang rare ang mga situations na tulad ng sa kanila. They're perfect for each other.

"How about yours? Okay ka na ba sa gown mo? Maid of honor pa naman kita." Sabi niya na ikinangiti ko "Yes naman bes! Kahit basahan pa ipasuot mo sa'kin ay okay lang sa'kin. Being your maid of honor alone is already a blessing for me."

"Awww.. thankyou bess." Sambit niya na pinupunasan ang imaginary niyang luha.
"Sige na bes ang drama mo, hubarin mo na yan at kumain na tayo, gutom na ko." Reklamo ko sa kanya.

"Oo eto na oh, bes naman kahit kailan patay gutom."

"Grabe ka naman bes, slight lang." Sagot ko na ikinatawa naming dalawa.

Pagkatapos niya hubarin ay gown ay agad din kaming nagpaalam sa designer at pumunta sa kotse ko.Pumunta kami sa isang malapit lang na mall.

Kumain na kami sa isang korean restaurant. Favorite kasi namin ni Myka ang Korean Foods. Mula college ay dito kami always kumakain kapag bonding time namin.
Pagkatapos namin kumain ay nag window shopping muna kami

Pinilit ako ni Myka na pumunta sa isang shop na halatang mamahalin
"Myka naman.. alam mo namang hindi ako sanay sa mga ganito eh." Reklamo ko sakanya.

"Well that changes today bestie. Lets go."
Literal na kinaladkad ako ni Myka sa loob ng shop habang ako ay naka pout katulad ng bata.

"Ang OA mo bes ha, pumili ka nalang.. libre ko naman. Ano? Gusto mo bawiin ko?." Sabi niya sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin at napabuntong hininga.

Sinunod ko na lamag siya at pumili na ng pwede kong suotin. "Damihan mo bes ha! By the way, buy some swimsuit din, the venue has a pool, we will have bonding time there. so go all out, eto na ang chance mo para makahanap ng boylet este kahit femenine men man lang to your liking bes, goodluck." Sabi niya at humiwalay na sakin papuntang ibang isle.

Napabuntong hininga ulit ako at sinumulan ng maghanap.Pagkatapos ng ilang minuto ay naka hanap na rin ako ng mga susuotin kong mga damit.

Medyo may kamahalan pero bahala na hindi naman ako ang magbabayad.
Swimsuit nalang ang kulang.
Wala akong nakita kahit anong nasang ayunan kong suotin.

Aalis na sana ako sa isle nayon ng mahagip ko ang isang swimsuit.It was a midnight blue color. At may lace sa likod at harap.
It's not too revealing nor masyadong natatakpan. Nung kukunin ko na sana ito ay may isang kamay na naman ang nagtatangkang kumuha nito.

Tinaas ko ang tingin ko sa lalaking ito ng nakita ko kung sino ito.

That GAY!

"It's you again." Sambit ko.
Tinaasan niya naman ako ng kilay

"Bitaw merlat." Sabi niya
"Ayoko chiksilog." Sabat ko naman.

Napa nga-nga naman siya sa sinabi ko at pilit na pinapabitaw sa'kin sng swimsuit
"Bitaw nga chaka eh!" Sigaw niya sa'kin

"Eh kung ayaw ko? Tsaka ano ba gagawin mo dito ha? Paano mo to susuotin kung chiksilog ka nga?" Tanong ko pa.
"None of your business merlat!" Balik niya sa'kin.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Ganon din siya sa'kin.
Tumatagal ang eye contact namin dahilan para mas lalong tumagal ang pagtitig ko sa mukha niya. Napalunok ako dahil alam
kong kung tatagal pa to ay titiklop na'ko.

hindi ko ito kinakaya kaya napagdesisyunan kong maunang magsalita dahil kung hindi baka halikan ko to.charot.
"Sa ayaw mo at sa gusto mo chiksilog kukunin ko t-" hindi natapos ang sasabihin ko ng may isang empleyado na lumapit sa'min

"Ma'am, sir? Ano pong problema dito?" Tanong niya."how much is this miss?" Tanong ng bakla ng hindi pumipiglas sa eye contact namin

Bitaw na nga sa eye contact be! Baka kung anong gawin ko sayo e. chos."That swimsuit costs 3,999 sir." sabat ng empleyado

"I'll triple the payment if you give me the swimsuit and not this merlat." Sabi niya na siya namang napa nga-nga sa'min dalawa ng empleyado"Really sir?" Tanong ng empleyado

Magbabayad siya ng triple para lang wag ibigay sa'kin ang swimsuit?! Ang petty ha
"You're insane." Nalang ang nasabi ko sakanya.

Nginisihan niya ko at sinenyasan ang empleyado para ipabitaw na sa'kin ang swimsuit"Ma'am i will take this swimsuit na po" sabi sa'kin ng empleyado

Binitawan ko na lamang ito. Hindi na ako nagreklamo dahil ayaw ko namang ipabayad ng mas mahal si Myka dahil lang sa swimsuit.

Kahit na type ko tong baklang to gusto ko siyang tirisin. "Don't look at me like that." Sabi niya."Hindi naman mababagay sa'yo to eh, magmumukha ka lang na nanay." Dagdag pa niya

"Excuse me?" Sabi ko.

"Excuse me mo mukha mo." Sabi niya
I scoffed.

"Hindi mo alam, baka kung makita mo akong naka swimsuit baka tumulo yang laway mo." Sambit ko pa.

"I will never"Tinignan ko lang siya ng masama. "Ang pangit mo." Sabi ko which is obviously not true but you know the drill.

"Aba't-" hindi natapos ang sasabihin niya ng tumunog ulit ang cellphone niya.
"What?" Padabog na sabat niya sa cellphone

"I need you here ASAP Milo." The voice in the phone said.

"Im coming." Sabi niya at binaba niya ang phone.

I scoffed upon hearing his name. Milo?pfft it's not a bad name. Pero gusto ko siyang asarin.

"Milo? As in para Champion Everyday?" Tanong ko sakanya
Napakunot naman ang noo niya.

"Shut up, hindi pa dito tayo natatapos Merlat." Sabi niya at umalis na

"Tsk. Whatever." Sabi ko nalang sa sarili ko.
I decided i don't want a swimsuit. I want a bikini.
I want to prove that Gay wrong.

Binili ko na ang isang red laced bikini na nakita ko sa bikini aisle.
Nagkita na ulit kami ni Myka sa cashier at nung nakita niya ang binili kong bikini napangiti siya sa'kin

"Ohhh Bess. Nice choice! You're getting wild na ha." Sabi niya

Ngumiti nalang ako sakanya
"Bagay sa'yo yan! Palagi nalang natatago ang figure mo sa oversize tshirts mo tsk. It's your time to shine naman beshy!" Dagdag niya pa.Na ikinatawa ko naman

"I guess i'm reliving what what lost." I said
Napangiti ulit siya sa'kin at binayaran na lahat ng binili namin.

When i got home. Humiga agad ako sa higaan ko dahil sa pagod.
Then bigla ko nalang naalala ang ganap kanina

"He's annoying." Sabi ko "i hate him."

Uncommon AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon