Chapter 17: pregnant

156 10 0
                                    

Liena's pov~
Nagluluto na ako ng pang umagahan. Bagong gising lang ako at nagluluto ng egg at ham para sa breakfast. It has been 4 weeks now since the wedding. I haven't seen Milo since. I felt like this is the right thing to do. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa una palang ay alam ko ng hindi ako ang mananalo. So, i did what i do best.
I fled away from him. This time sobrang masakit dahil it was the first time that this gay captured my most attention and we had the most interaction. Pero i did it anyway. Ayokong paglalaro lang ang papel ko sa buhay niya.

Humihikab pa ako at bumibigat ang mga mata ko dahil marami akong ginawa kagabi. Malapit na kasi nanaman ang klase marami nanamang tatrabahuhin.

~kringg..

My phone buzzed. Pinatay ko muna ang apoy at sinalin ang niluluto ko sa pinggan bago ko sagutin ito. Pinatong ko ang cellphone ko sa phonestand at sinagot ang tawag.

Tumambad sa'kin ang mukha ni Myka.
They're in Paris. As i said, they planned this before the wedding. And jace? Napakaprote tive niya sa mag-ina niya jusko!
Parang ilang hakbang lang ni Myka gusto niya pa samahan at alalayan. We can't blame him tho, he's inlove.

Myka looked at me na nakataas ang kanang kilay. Nagtinginan lang kami ng ilang segundo and it was awkward. Ano bang trip ng babaeng ito? Napahikab ako dahil sa antok at boring sa tinginan namin.
Napatalon ako ng kaunti sa kinauupuan ko sa gulat dahil bigla niya nalang hinampas ang mesa niya na galit na galit sa'kin.

"Sabi ko na nga ba eh! Nag overtime kananaman kagabi, nag umpisa ulit na makita eyebags mo oh! Liena naman ano nga sinabi ko? Makakasama yan sa baby!"

Yes, you heard that right. I'm pregnant. It has been 2 weeks since i found out. Nung araw kasi nun ng mula ng pag uwi ko galing resort nila Jace at nagmukmok lang ako at nilunod ang sarili ko sa trabaho. Nalaman ko lang na buntis ako ng binisita ako ni Myka.

Knock~knock~

Kumakain lang ako ng isang tub ng ice cream kasama ng mga tsitsirya at isang litro ng softdrinks. Gumagawa ako ng trabaho ng narinig ko ang katok mula sa pinto ko. It has already been two weeks since the wedding at haggang ngayon nilulunod ko ang sarili ko sa trabaho.

Tumayo na'ko. Pagtayo ko ay bigla akong nahilo kaya napasandal muna ako sa dingding ng kwarto ko. Nung nag okay na ay naglakad na ako papunta sa pinto.

Nung pagbukas ko ay tumambad sa'kin ang mukha ni Myka. "Hi bes-AHH! Anong nangyari sa'yo?" Tili niya sa'kin habang hinahawakan ang dalawa kong pisngi.

Winisik ko papalayo ang kamay niya at tiningnan siyang masama. "Bakit? Ano bang mali sa'kin ha?" Tanong ko sakanya na may pagka irita.

"Sungit! Kailan ka huling nagsalamin bes? Ang haggard mo na! Pano ka magkakalove life niyan?" Nakapamewang pa siya habang ineenterrogate ako.

"So? Eh nagtatrabaho ako eh, at isa pa walang papatol sa'kin kaya ano pang dahilan ng pagpapaganda ko aber?" Tanong ko sakanya na nakakrus ang braso.

"Edi for yourself nalang, teka nga papasukin mo nga muna ako." Sabi niya. Tinulak niya ako ng konti ag pumasok sa condo ko. I can see disgust in her eyes na nakikitang puno ng kalat ang condo ko. "Mygosh bes! Hindi ka naman ganito dati ah." sabi niya na nililibot ang mga mata sa condo

"People change?" Patanong kong sabi at sinara ang pinto. "In this case, hindi bes." Sabi niya at liningon ako. "Be honest nga, may problema ka bang hindi sinasabi sa'kin?" Tinaas niya ang kilay niya na nakatingin sa'kin na hinihintay ang sagot ko.

"W-wala ah!" Maang maangan ko. binigyan niya akong look na alam kong hindi siya naniniwala. Bumuntong hininga nalang ako at tinignan siya sa mata.

Uncommon AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon