Chapter 4: confusion

221 11 0
                                    

all places and names are work of fiction
All things that is the same in real life and others are accidental.
_____

Eversince that day we always bump into each other. And everytime we do. We always end up in a fight.

One time we bump into a concert for a boyband. Nag away kami kung sino ang mas bagay sa'min para kay Reden, the lead singer of the band.

Flashback~

"Bes! Thankyou so much sa ticket na binigay mo sa'kin! Mahal na mahal talaga kita magpakailanman!" Tili ko sa kanya.
Binigyan niya kasi ako ng ticket para sa boyband na pinaka asam asam ko!

"Hindi magbabago~ ang sinisigaw nitong aking puso~" Pakanta na sabi niya

Napa"luh" naman ako dahil sa biglaan niyang pagkanta
"Bes tigilan mo yan, alam mo namang nung umulan ng biyaya sa boses ay nakikipag bato-bato pick ka sa tuko sa loob ng bahay."
Sabi ko naman sakanya

"Grabe ka naman bes, parang nasapak mo ko dun ah." Sabi naman niya na siya namang kinatawa ko.

"Tawang-tawa? Akin na nga yang ticket mo!." Pagbabanta niya

"Naku bes joke lang, eto naman, ayaw mo ba nun na tumawa ako ibig sabihin nun ay masaya ako sa piling mo, yiee." Sabi ko.

"Yuck bes. Tsk kung di lang kita bff. Sige na gora ka na bago pa mabago isip ko." Sabi naman niya

"Yiee thankyou talaga bes. The best ka talaga! Love you bess bye!" Sabi ko naman at pinatay na ang tawag.

Baka magbago pa isip niya, mahirap na.
_

I always wanted to attend their concert. Pero in the past years wala pa silang concert dito sa Pilipinas. I know that you think i'm ONLY into gays that likes other men and has soft and feminine actions and features. Sometimes i also like straight men but with more feminine, soft and quirky actions and features. At si Reden yunn. plus, it's a celebrity crush so i'm not too worried about it.

Dito na ako sa labas ng arena kung saan gaganapin ang concert. Nung nakapasok ako ay manghang mangha talaga ako dahil sa dami ng tao at sa laki ng arena. VIP seat ang nabili ni Myka kaya sa unahan ako napaupo.

Yiee dabest talaga ang bestfriend ko. Abot hanggang tenga ang ngiti ko ng napaupo na ako sa upuan. Bigla namang naglaho ng parang bula ang ngiti ko ng nakita ko ang katabi ko

"Ikaw?/Ikaw?" Sabay kaming napasigaw at napatayo ng nakita namin ang isa't isa.

"Iniistalk mo ba akong merlat ka at andito ka na naman?! Please give me a break ayaw ko na sa pagmumukha mo!" Pabaklang sabi niya na tinuturo pa ako ng hintuturo niya.

Kinagat ko naman ito, dahilan para mapatili siya sa sakit.

"Owemji merlat pinaglihi ka ba sa aso? Kagat ka ng kagat." Sabi niya at hinihipan ang daliri niya

Inirapan ko lamang siya dahil sa pagka OA niya.

"For your information chiksilog na di mukhang chiks pero feeling chiks at may itlog. Bestfriend ko ang bumili ng ticket kong ito at mayaman siya kaya andito ako. At hindi kita inistalk! Hindi ka gold!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

"As if i believe you! malay ko ba na sinundan mo'ko dito. Hindi naman malabo dahil sa ganda ko ba namang ito." Sabi niya at nagflip pa ng imaginary hair niya.

Napairap naman ako sakanya. May sasabihin nanaman sana ako ng narinig namin ang malakasang hiyawan bg mga tao at pag announce ng announcer

Uncommon AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon