Chapter 1: You

469 12 0
                                    

Jelliena Mica Montaño
____

"OMG ang cutee!!" Tili ko ng nakita si Reden sa isang billboard ng isang mall. Ang feminine talaga ng features niya at ang lambot ng balakang!

Titig ako ng titig ng. "Ahh!" Tili ko ng muntikan na akong mabangga ng isang motor. Humarurut ito palayo hindi manpang ako nilingon! "Huy! Ang bastos mo naman!" Sigaw ko at pinapadyak padyak pa ang aking paa na parang bata. Tsk. Epal!

Binaling ko muli ang atensiyon ko sa billboard ng 4E.V.E.R. "pasok muna ako Reden luvs, baka mabangga pa ako, ayaw ko pang mamatay." Ngiting ngiti ako ng pumasok sa café.

"The usual po miss." Ngiti kong sinabi sa babaeng empleyado. Tumango naman siya.
Naghintay ako sa table ng biglang nag ring ang cellphone ko. Nilayo ko ng bahagya ang aking tenga dahil sa napakalakas na sigaw ng aking bestfriend.

"Huy babaita! Paulit-ulit akong tinitext at tinawagan ni Rainiel kung nasan ka na daw at kung anong nangyare sa'yo? May Ginhost ka na namang baklita? Grabi ka na gurl!'

Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. Binalik ko ulit ang tenga ko sa cellphone ko at sumagot sa kanya. "Bes, first of all, alam mong nagkakagusto na ako sa kanya at nasasaktan na ako at kapag nasasaktan na ako alam mong lumalayo talaga ako, second of all hindi ko siya ginhost dahil nag b-bye ako sakanya sa text bago ko siya binlock, third of all, makakalimutan din niya ako dahil friends lang kami! At fourth of all... Wala na, yun na yun."

Narinig kong napasinghap ng hangin si Myka. Dumating na rin naman ang waiter na binigay sa'kin ang cheesecake ko. Nagthankyou naman ako sa nag dala.

Tinanguan niya naman ako. "Ma'am, may bago daw po kaming menu. Yung oreo cheesecake, baka daw kasi gusto nyong ma try, next week po." sabi ng waiter.

Napa 'oh' naman ko dahil gusto ko yung masubukan. "Talaga? Yes naman! Ita try ko yan. Thankyou." Ngumiti ako sakanya. Sinuklian din niya naman ako ng ngiti at umalis.

"Ang harsh mo bes, alam mo, mahal ka ng baklitang yun". Napa 'ows?' naman ako dahil dun. Hindi talaga ako maniniwala na may papatol sa'kin.

"As a friend" dugtong ko naman.

"So? Kahit na." Napabuntong hininga naman ako dahil dun. "Ayaw ko masaktan" marahan kong sinabi.

"Naku naman Liena, hanggang ngayon ba naman? Bente otso ka na gurl! Hindi ka na babata." Nanlumo naman ako dahil dun.
Tama siya. Lalagpasan na ako ng kalendaryo at baka sasara na talaga ng tuluyan itong matris ko.

"Ihh.. Myka naman eh.. anong gagawin ko?" Napapout naman ako kahit hindi niya ako nakikita.

"Naku kasi girl, try mong lumandi! Oh kaya ay pumikot ka nalang, instant baby pa." Suggest niya sa'kin. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Anong akala niya sa'kin? Surrogate mother?

Umiling ako sa suhestiyon niya. "Bes, ayaw ko namang ganyan noh! Gusto ko magpakasal at magkaroon ng pamilya. Eh kung magkakaanak nga ako pano kung ayawan kasi ng tatay aber?" Taas kilay kong sambit.

"Suss! Sige na nga, eh anong gagawin mo?" Tanong niya.

"Ewan ko, maging rich single tita nalang siguro?" Suhestiyon ko.

"Nakakaloka ka talaga bes ewan ko sa'yo! Oh sya, ang kasal pala namin ni Jace wag mo kalimutan! Nextmonth na yon. Papasundo kita kay Mang Thomas sa condo mo ha! Kitakits besh." Sabi niya sabay niyang binaba ang tawag.

Kakasal na bestfriend ko. Ako it's complicated parin hays.
Dito ako nakatambay sa "Midnights Cafe" malapit lang sa pinagtatrabahuhan ko. I'm a teacher kasi, dito ako sa café palaging tumatambay kapang may tinatrabaho o may pinupuyatan.

Tatayo na sana ako hawak hawak ko ang kape ko ng biglang may naka bangga sa'kin dahilan para tumilapon ang kape ko sa aming dalawa

"Ohmygosh! Sorryy po!" Sabi ko ng nakayuko sakanya. Kumuha ako ng tissue sa bag ko para ipamunas sana sa damit niyang natapunan ng kape ng bigla siyang napatili.

"Mygosh Merlat! Anong ginawa mo?!" Sigaw niya dahilan para mabato ako sa ginagawa ko.

W-wag mo sabihing...

Unti unti akong napatingala sakanya.
He is wearing a pink polo at jeans. May nakasabit pang leather jacket sa balikat niya.
I looked at his face. Halatang halata sa expressions niya na bakla siya.

He is wearing make up. Pink blush in his cheeks. Napatingin ako sa labi niya.
It looks so soft. Hindi sya naka lipstick.
The pinkish shade of his lips is natural.

Napalunok ako at naramdaman ko ang paglipad ng mga butterflies sa tiyan ko.

Eto na naman tayo.

Uncommon AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon