Chapter 9: stolen kiss

198 12 0
                                    

"hindii, narinig ko eh nasarapan ka." Pagrereklamo niya"Hindi, kasi ano, minamasahe niya ang paa ko." I replied.

"Sa pagkakatanda ko balakang mo masakit ah." Sambit niya, still crossed arms leaning against the door.Wait nagseselos ba siya? Uyy halaa kinikilig ako. Charot.Pero wait, paano kung assuming lang ako? Bakla yun eh, baka si Matt yung crush niya.Ouch ang sakit nun ah.

"Nagseselos ka ba?." I asked.Bigla siyang namutla sa tanong ko."H-hindi ah" i can sense hesitant in his voice. I laughed.
"Ba't ka tumatawa may nakakatawa?"

"Wala naman, pero ano ka ba, hindi ko bet si Matt dont ya worry" i said. Reassurance is evident in my voice."You think that i have a crush on that guy?" He asked me."Syempre, alangan naman sa'kin, bakit sakanya ka ba nagseselos?" Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha.

"H-hindi ah! I meant lang na i-i'm glad that you know, so wag ka ganyan sakanya okay?" He said.Nasaktan naman ako. What did i expect? He's gay."Hmm, right."
"By the way, about last night-" pag uumpisa niya.Nagulat naman ako at nataranta.
Tinapunan ko siya ng unan at tumama ito sa mukha niya

"Aray! Ano ba!" Sigaw niya.

"Umalis ka na sige bye!"
Kahit masakit ang balakang ko ang pinilit kong tumayo at tinulak siya papalabas.
Bago pa man siya may mabanggit pa ay sinara ko na ang pinto.Napaupo ako sa sahig ng bumuntong hininga.I don't want to remember it, it feels like i'm holding into false hopes.Humiga ako ulit sa kama at umidlip.Nagising ako ng may tumawag ng pangalan ko. "Liena."

Tumingala ako at nakita ko si Milo na kasalama si Matt. "Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko. "Wag ka ng umasa sa'kin Liena, i'm gay! Bakla ako, Sirena! Barbie! Gusto ko ang talong!." Sani niya at sinunggaban ng halik si Matt. Sobra akong natakot at nasaktan ng ginawa niya yon. Nakita ko kung gaano siya kasaya at gaano siya nasasarapan sa ginagawa nilang yon. "Milo."

"Shet ahh!" Sabi ko ng narinig ko ang tunog ng alarm clock ng cellphone ko. Pinatay ko yun at umupo. Gosh ano yun? Hays sign na ba yun?. Tinakpan ko ang mukha o ng unan at inis na napasigaw dito.

Tumayo na ako ako at naghilamos.
I decided to go back to the party. Hindi pa naman siguro tapos yun. Hindi din naman masyadong masakit na ang balakang ko.

Nung bumalik ako ay naabutan ko silang nagtatawanan. They're opening gifts. Yung isa kasing friend ni Jace ay nag gift sakanila ng sitaw because the twist of the gift giving is to give something long sa friends and family ni jace. Something gold naman sa friends and family ni Myka. Umupo ako malapit sakanila at tinignan silang masayang nagtatawanan.

"Okay ka na?" Tanong ng isang boses. Tumingala ako kung sino ang nagsabi nun "Matt, uhm oo okay naman." Sabi ko sakanya. Tumango naman siya. Nabigla ako at napabato sa kinauupuan ko ng tumabi siya sa'kin. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil namumula ako.

"Dito muna ako, to make sure you're safe." He said. Tumango nalang ako na nakatalikod parin sa kanya. Umikot ang mata ko ng mahagip ang mukha ni Milo.
Bumagal ang tibok ng puso ko at namamawis ako ng tumitingin siya diretso sa mga mata ko na para bang pinapatay ko ang pamilya niya.

Ganyan ba talaga yan pag nagseselos? Nararamdaman kong kirot sa dibdib ko ng naalala kong si Matt pala ang gusto niya. Inirapan ko lamang siya at dumiretso nalang ang tingin ko kay Myka at kay Jace na namimili ng gift para buksan. Na-iinis talaga ako tuwing maalala ko na si Matt ang gusto niya kaya para mawala ang tension sa isip ko ay tumayo ako at lumapit sa magkasintahan.

"Buksan mo akin bes."sabi ko kay Myka at hinablot ito. "Aww okay bes." She replied. Nung binuksan niya ito ay napanga-nga siya. I gave her a gold necklace with a small gold moon with matching moon earings.

Tiningala niya ako na para bang hindi makapaniwala. Hinawi ko ang buhok ko at pinakita ko ang dibdib at tenga ko. Nakakabit sa dibdib ko ang isang sun necklace at nakakabit naman sa mga tenga ko ang sun earings.

"Oh my gosh Liena."Tinakpan niya ang kanyang bibig gamit ang dalawa niyang palad na pinapakita na hindi siya makapaniwala. Kinuha ko sa kanya ang necklace at pumunta sa likod niya para ipasuot sa kanya. Kinuha niya naman ang kanyang pearl earings para ipalit ang earings na binigay ko.

"Happy 17 years of friendship Myka." I whispered in her ear. "OMG it's our friendship anniversay today." Di makapaniwalang sabi niya. Nginitian ko lamang siya. Tumayo siya at niyakap ako.
"Thankyou Liena, I love you." She whispered. "I love you too." I replied. I heard the audience saying "awww." When we hugged.

Napatingin ako sa likod niya ng nagyayakapan kami. Butterflies in my stomach started to fly when Milo and I locked eyes contact and smiled at me.
I smiled back at him.

Bumalik na ako sa kinauupuan ko. Wala na dun si Matt, nag cr siguro. Bigla akong napamura sa isipan ko ng nakita kong papalapit si Milo. Lumunok ako ng laway ng tumabi siya sa'kin sa kinauupuan kanina ni Matt. Nabuhay muli ang mga butterflies in the stomach ko.

"Okay ka na?" He asked. "Y-yeah." I replied.
"Hindi na ako magsasalita about last night merlat don't worry hindi ko uulitin if yan ang gusto mo." He said. Tumango nama ako dahil don.

Naupo kami dun, walang imikan ng may sinabi ulit siya. "You're a really good friend merlat." He said. "T-thankyou?" Patanong kong saad. Mahina siyang tumawa dahil don. Luh pa fall tsk.

"you could be a good girlfriend too." He said. Naramdaman kong namula ang mukha ko dahil don. Shit, pinapaasa ako neto eh.
"W-what do you mean?" I asked not looking to his direction. Nilingon niya ang pwesto ko. Hindi ako gumalaw kahit nakita kong nakatingin siya sa direksyon ko.

Hinawakan ng dalawang palad niya ang pisngi ko para makita ko siya. Napakulunok ako ng ginamit niya ang hinlalaki niya at hinimas ang pisngi ko. Lumalapit siya sa'kin. "hahalikan niya ba ako" sabiko sa sarili ko kaya napatulala ako sa kanya. Akmang pipikit na sana ako ng may pinunasan niya ang gilid ng labi ko.

"Gaga, may laway ka pa sa gilid ng labi mo oh, ewww." Sabi niya na parang naduduwal-duwal epek pa. Luh, sabi ko na nga ba eh! Paasa tong baklitang to!

"Che!" Sigaw ko sa kanya. I crossed my arms in my chest at galit na umiwas sa direksyon niya. "Uy, nagtatampo ka ba? Gagi di bagay sa'yo." Tawa niya na sinusundot sundot ang tagiliran ko.

"Ano ba! Tigilan mo nga yan!" Sigaw ko at pilit na pinapaalis siya. "Uy nagtatampo ka eh." Sani niya at pinipilit paring sinusundot ang tagiliran ko. "Sabi ngang tama na eh!" Galit kong sabi at tumayo na ako at lumakad palayo.

"Uy! San ka pupunta? Gagi Liena Sorry na." Sabi niya habang hinahabol ako ng lakad. "Totoo naman yun eh, tinutulungan nga kita tapos gagalit ka? Tsk. Ang OA mo girl!" Sabi niya. Mas lalo akong nagalit at mas binilisan ang paglalakad.

Kung hindi lang talaga medyo masakit pa rin ang balakang ko ay tatakbuhan ko na to
"Huy!" Sigaw niya at hinila ako. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at pinihit ako sa direksyon niya.

"Sorry na nga okay?, bakit na galit na galit ka dahil lang dun?" Tanong niya. Inirapan ko siya at nagsimulang magsalita. "Eh ikaw kasi! Sana man lang sinabi mo lang sa'kin para ako nalang ang gumawa, nakakahiya kaya ginawa mo kanina, akala mo ba matutuwa ako? Tapos sinusundot sundot mo pa ako alam mo ba na ayaw na ayaw ko yun? At saka-" hindi natapos ang sasabihin ko ng naramdaman ko ang labi niya sa labi ko.

Nanatili akong nakabato sa kinatatayuan ko.
Kumapit ako sa dalawang balikat niya dahil kung hindi ko gagawin yun baka matutumba na ako sa gulat at kilig. Ng naghiwalay kami ay nagkatinginan kaming dalawa. Lumayo siya sa'kin at napakamot sa batok.

"S-sorry, ang daldal mo kasi eh, sorry na nga eh dami mo pang sinasabi.."
Hindi ko medyo napapansin ang sinasabi niya nanatili akong nakabato at hinahawakan ang labi ko.
We kissed.

"Tsaka merlat bilhan mo din ako ng lipbalm mo nayan ha, masarap kasi hehe sige bye! Gogora na ako" sabi niya at tumakbo palayo.
Nakatingin lang ako ng tumakbo siya papalayo nakatulala parin ako na hinahawakan ang labi ko kinikilig ako pero naalala ko parin ang panaginip. Umusbong naman ang galit ko sa kanya dahil..

Bwesit! Mixed Signals!

Uncommon AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon