Chapter 10: help Myka

184 10 0
                                    

"tingiinnn.. pakk! yowwnn! Ganda mo beshiee 360 ka nga." Sabi ni Myka at sinunod ko ang sinabi niyang pag 360 umikot.. "Pak na pak ang beauty mo bes! Sigurado akong paglalawayan ka, ang saya ko talaga na pinili mo mag bikini bes hays I'm so proud of my beshie." Sani niya at pumalakpak pa.

"Medyo nagsisisi na ako bes, sana pala hindi ko nalang tinaas pride ko at swimsuit lang ang binili ko, ang revealing nito oh." Reklamo ko naman sa kanya. "Naku naman okay na yan sigurado akong may tutulong mga laway ngayong gabi." Tinaas baba niya pa ang kilay niya at ngumiti sa'kin.

"Tigil tigilan mo ako bes ha, tatakpan ko muna to ng tshirt." Sabi ko. Kumuha ako ng overshized tshirt sa backpack ko at sinuot ito. "Sayang bes, hulma na hulma sana yung curves mo eh." Sabi niya na hinuhulma hulma ng kamay niya sa hangin na para bang hourglass.

Ngayong gabi kasi ang pool party. Everyone was told to bring swimsuits. "Tumigil ka nga jan bes tara na, hinihintay ka na dun di'ba may plano ka pa mamaya?" I grinned at her and i winked. Plano niya kasi mamaya sasabihin kay Jace ang magandang balita na buntis siya.

"Natatakot ako bes mygosh" sabi niya na pinapaypay paypay pa ang kanyang sarili gamit ang kanyang kamay. "Luh, ngayon ka pa matatakot na nagawa nyo na lahat lahat." Pamamaktol ko sa kanya. "Bunganga mo bes ha" sabi niya at inirapan ako.

"Suss, parang sira. Bakit di mo nagustuhan? ." Tanong ko sakanya. Nakita ko siyang kinakagat ang labi halatang pinipigilan ang ngiti."asuss, like na like mo eh noh wag mo nang i deny." Sabi ko sa kanya.

"Oo na!" Nginisihan ko siya at tinanong ulit. "daks ba?- aray!" Sabi ko ng hinampas niya ako ng malakas sa braso.
"Naku bes ha wag kang ano jan!" Sigaw niya. "Baka nakakalimutan mong buntis ako pababayaan talaga kita." Sabi niya at inirapan ako.

Tawang tawa naman ako dahil dun. "Sabihin mo nalang kasii" pamimilit kosa kanya "oo na! masaya ka na masaya?" Sigaw niya sa'kin at sumalampak sa upuan. "Bakit mo ba guston malaman? May pagnanasa ka ba sa asawa ko ha?" Balik na pagsigaw niya sa'kin.

"Wag kang assuming buntis" sabi ko naman. "Di ko type noh tsk iyong iyo na." Sabi ko naman. "Ba't ka ba kasi tanong ng tanong?" Tanong niya.

"Curious lang ako, bakit ba." Sambit ko naman. "Maghanap ka nga ng sa'yo." Sani niya at inirapan ako. Umiling-iling nalang ako sa asta niya, buntis nga.

Ilang segundo pa ay tumingin ulit siya sa'kin ng may ngisi." What about kay Milo?-aray!!" Ako naman ang napapalo sakanya sa braso. "Aray Liena ang bata!" Sigaw niya pa na hinahawakan ang tiyan niya.

"Wag ka ngang OA bes! Tsk.. tara na nga." Sabi ko at pumuntang elevator para bumaba. "Bes wait for me!" Sabi niya at dali daling pumasok sa elevator. Ng makalabas kami ay pumunta kami agad sa pool.

Nakakasilaw talaga dito ang mga lights, katamtaman lang ang mga tao dahil ang mga close friends and family lang din naman dito. Nung inikot ko ang paningin ko ay nakita ko si Jace at si Milo. Medyo tumalon ang puso ko dahil nakita ko siya. Topless lang siya at naka shorts. Naka tali ang sa ibabaw ng parte ng buhok niya kasi medyo mahaba yun.

Kumulo ang dugo ko ng may nakita akong lalaking kinakausap niya. Mukhang nagtatawanan sila at masaya. Nakaramdam ako ng konting kirot sa dibdib dahil don.
Nakita kami ni Jace at lumapit siya sa amin.

"Wow! You're so beautiful my love." Sabi ni Jace kay Myka at kinuha niya ang kamay nito at tinaas, inikot naman ni Myka ang sarili niya para sa lalaki at ngumiti ng nakitang manghang mangha si Jace. Binigyan naman ni Jace si Myka ng madaliang halik sa labi.

Wow, kaibigan ba talaga ako dito o thirdwheel?

Bumaling ang tingin sa'kin ni Jace at sumalubong ang kanyang kilay. "Ba't naka tshirt ka? It's a pool part remember?" She said. Inirapan ko lamang siya as i crossed my arms in my chest. "Eto gusto ko eh may angal ka?" Pasupladang sambit ko sa kanya.

Umiling nalang siya. Nakita kong pinapaypayan niya si Milo na lumapit. Nakita naman siya ito at nagpaalam sa lalaking kasama niya kanina. Tsk kung alam ko lang ang ayaw niya talagang matapos sa usapan niyang yon. Nagagalit ako sa isip ko dahil don.

"Hi mga sisters! Hi Myka, Hi Liena." He greeted us. Tiningnan ko lamang siya at inirapan. Nagagailit talaga ako sa interaksiyon nila ng lalaking yon kanina. Oo ,wala akong karapatan. Pero normal lang naman yun sa taong may gusto noh tsk. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagsalubong ng mga kilay niya, halata sa kanyang mukha ang pagtataka.

"Jace, upo muna tayo dun oh." Sabi ni Myka kay Jace. "Okay, let's go?" He said. Sumunod kami sa kanya he led us to the center table.
Umalis muna si Jace para kumuha ng mga inumin. Magkatabi kami ngayon ni Milo per dahil galit ako sakanya ay hindi ko pinapansin ang presensya niya. Nakatitig lang ako sa kawalan ng may biglang sumundot sa tagiliran ko.

Tinignan ko kung sino yun at nakita ko si Milo na Sinusundot ng hintuturo niya ang tagiliran ko. "Ano ba, wag mo ngang gawin yan." Pagsaway ko sa kanya. "Galit ka pa ba sa'kin." Tanong niya. "Dahil ba 'to sa pagpunas ko sa laway mo or dahil sa-." huminto muna siya sa sasabihin niya at bumuntong hininga. "Oh sa kiss?"

Namula naman ang mukha ko ng maalala ko yun nakita niya ang reaksyon ko at napangisi. "So, ano sa dalawa?". "Ewan" sagot ko sa kanya at umiwas ulit ng tingin.

Sinusundot sundot niya naman ang tagiliran ko sinasaway ko siya pero hindi siya tumitigil. Mabuti nalang ay okupado ng cellphone ang atensyon ni Myka.

Tumigil siya ng nakitang bumalik na si Jace na may dala dalang bote ng mga beer. Binigyan niya kami ng beer isa isa at inutusang uminom.

Tumingin sa'kin si Myka na parang humihingi ng tulong. Bawal kasi sa buntis ang beer. Nagets ko ang tingin niya at tumingin kay Jace. "Uhm Jace hindi pwedeng uminom si Myka, uhm ano kasi uhh, tatae muna siya, Samahan mo nga sa Cr jace." Sabi ko sakanya.

Binatok ko ang sarili ko sa aking isip. Kailangan kasing mapag dalawa lang sila dahil gusto ni Myka ng private na pag uusap. Pero nainis ako sa sarili ko dahil sa lahat ng pwedeng ipaalam ay tatae pa tsk.

Tiningnan naman ako ni Myka ng masama, nag peace sign naman ako sa kanya at ngumiti. Inirapan niya ako at sumalampak sa upuan niya. "Uh, sige ba, tara love samahan kita." Sabi niya kay Myka tumango na lamang siya at tumingin sa'kin.

Alam kong nag aalala parin siya. Nung lumayo layo na sila ay hinila ko si Milo sa braso at hinila siya. Napamura naman siya dahil nahulog sa sahig ang iniinom niyang beer. "Ano ba?! San mo ko dadalhin? Gaga i r-rape mo ba ako?" Tanong niya sa'kin. Napairap naman ako sakanya. "Hindi noh! sasamahan mo ako. "

"Ay sayang." Bulong naman niya."ano?!" Gulat na sabi ko. "Wala! Sabi ko bakit?! Tsk."
Inirapan ko siya at patuloy na hinihila. Pumasok kami sa isang kwarto. Sinarhan ko ito at hinila siya papuntang bintana. "Gagi ang dilim dito! Sabi ko nga ba eh rarapin mo ako!" Sabi niya.

"Tumahimik ka, punta ka dito dali! Pinaypayan ko siya na lumapit sa bintana. Sumunod na lamang siya. "Is that? Jace and Myka?" Tanong niya nasa malaking balkonahe sila at nandito naman kami sa loob ng kwarto na tumatanaw sakanila sa bintana. "Oo, may sasabihin kasi si Myka. Dali buksan mo yung switch dun oh." Sabi ko at tinuturo ang switch.

Binuksan niya naman to. Bumukas ang ilaw sa balkonahe kung saan si Myka at Jace. May mga decorations doon at mga pictures nila. Pinaypayan ko si Milo na lumapit para tumingin sa bintana. Namamangha siyang sumunod at tinignan din sila.

Nakita naming nililibot ni Jace ang kanyang mga mata na nagtataka "love, this is not the comfort room." He said. Nung bumalik ang tingin niya kay Myka ay nakita niya itong umiiyak. "Oh shit, love anong nangyayare? Bakit ka umiiyak?" Tanong niya na pinapatahan si Myka. Tumingala naman ito sakanya. "Jace I'm pregnant."





Uncommon AttractionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon