Chapter 7: Arranged marriage
TITA Mommy Novyann chuckled softly at humahalakhak na rin si Don Brill. Ewan ko lang kung ano ang dahilan nila na kung bakit natuwa pa sila sa sinabi ko. May nakatutuwa ba na sa halip na tomato sauce ang kukunin namin ay nauwi lang kami sa salt?
“By the way, alam mo ba kung bakit nakiki-share tayo sa kanila ng table, sweetheart?” Tita Mommy asked me. Sinusubukan ko nang buksan ang takip ng jar pero nahirapan pa ako. Hindi ko kaya sa super higpit nito.
I cleared my throat at tumingin ako kay Engineer Michael. Likas na tahimik yata ang isang ito, eh. Siguro Most Behave siya noong nasa grade school pa siya, ’no? Every year siguro iyon. Psh. Tuwang-tuwa rin siguro ang parents niya na umaakyat sa stage para sabitan siya ng ribbon. Kung nandoon lang ako ay baka papalakpakan ko pa siya.
“Or maybe sila po ang nakiki-share sa atin?” balik na tanong ko at hindi na tumigil sa malakas na pagtawa niya si Don Brill. Nakukuha na rin niya ang ibang attention ng mga guest pero wala lang naman iyon sa kanya. Napailing na lamang ako at ngumiti na lang. Masayahin naman pala itong lolo niya. Kahit nakikita mo ang strict sa mukha niya at parang palaging may authority kapag nagsasalita siya.
Nagulat pa ako nang mabilis na inagaw ni Engineer Michael ang jar na hawak ko at siya ang nagbukas no’n. Napakagat na lamang ako sa labi ko at nakita ko na nilagyan niya rin ng asin ang rice niya after niya itong mabuksan.
Seryoso pa rin siya nang ibinigay niya ulit sa akin. “Thanks—” Nalukot ang tungki ng ilong ko dahil mas humigpit lang ito lalo.
Nang balingan ko siya ay ngumunguya na siya ng kanin habang nakatitig sa akin. May ibang pahiwatig ang tingin niya. Bumalik naman ang pagiging isip bata niya kanina. Akala ko pa naman ay bubuksan na niya ito para sa akin. What a jèrk. Gumaganti siya ng harap-harapan. Gusto talaga niya na may war sa pagitan namin? Grr.
Kumain na lang ako kahit walang lasa ang kanin. Ang drinks lang naman ang iniinom ko. Sa tuwing napapatingin nga sa akin ang engineer na ito ay iniikutan ko ng eyeballs. Kanina pa siya but no reaction pa rin siya. Marunong kaya itong mainis? Kasi parang hindi, eh. Matalino lang kung mang-asar at gumanti sa akin.
“Anyway, bago ko makalimutan ang gusto sana naming sabihin sa ’yo, Novy anak. Ang purpose namin ay...” Sinadya naman ni tita na binitin ang kanyang sasabihin. Para mas lalo akong ma-curious.
“What is it po, Tita?” I asked her at tumikhim pa siya bago siya tumingin kay Don Brill. Binalingan naman ako nito.
“How old are you, hija?” Don Brill asked me. Bago nga lang ako sumagot ay sinulyapan ko pa ang apo niya. Nang maramdaman niya na nakatitig ako sa kanya ay matapang na sinalubong niya ang mga mata ko.
“I was born on April 30, so... I’m 27 years old na po,” sagot ko at medyo tumaas pa ang sulok ng mga labi niya.
“Hmm, not bad. I think magkakasundo naman kayo ng apo ko. Novy Marie, meet my grandson. He’s going to marry you soon,” sambit niya at nagulat pa ako. I almost choke with my saliva.
“We already settled your engagement party sa Philippines, sweetheart.” Naibaba ko ang hawak kong spoon nang magsalita rin si Tita Mommy.
“What?! Are you serious po, Mommy?!” biglang bulalas ko at namimilog pa ang mga mata ko. Hindi niya lang pala binalak na ipakilala ako rito dahil gusto niya rin na— I shook my head.
Parang hindi nga kami magkakasundo nito dahil ang kulit niya kanina! Mahilig siyang mang-asar kahit wala naman akong ginagawa! Kaya paano kami magkakasundo ng isang engineer na ito? And bakit hindi man lang siya nagreklamo na it seems sumasang-ayon na agad siya?!
BINABASA MO ANG
The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)
RomanceNovy Marie V. Bongon, an international athlete and a famous tennis player, who won several times in the Olympics games. A woman with a cold heart. Many men tried to court her but she often rejected them, because she had no intention of entering into...