CHAPTER 56

6.4K 87 2
                                    

Chapter 56: Ambush interview

ONE hour had passed ay nakatulog na siya. Ginising ko lang siya noong kailangan naman niyang kumain at uminom ng gatas niya. After an hour ay tulog na naman ulit siya. My plan is to watch over my son but nakaramdam din ako nang antok kaya hindi ko na napigilan pa.

Nauna rin siyang nagising at nakahilig pa rin sa chest ko. May kinakain na siyang biscuit. Hinigpitan ko ang yakap ko kay Lenoah at muli na naman akong nakatulog.

’Saktong paglapag naman ng eroplano ay siyang paggising ko na at mahimbing ulit ang tulog niya. Kalaunan ay unti-unti na ring bumaba ang mga passenger. Ayokong gisingin ang baby ko pero hindi naman puwede na buhatin ko siya habang tulog. Baka may gusto siyang makita sa NAIA at ma-miss pa niya.

I caressed his chubby cheeks and kissed it several times. “Wake up, my boy. Lenoah... Wake up na, anak ko... We’re here na...” I buried my face on his neck. I smelled it and kissed it. Mayamaya ay narinig ko ang sunod-sunod niyang paghinga. Nakikiliti siya noong hinalik-halikan ko ang leeg niya na sinabayan ko sa pagkiliti ng tagiliran niya.

Matiim na tinitigan ko ang maamo niyang mukha at napakurap-kurap pa siya. Mapupungay ang mga mata nang tumama ito sa akin.

“Uhm...”

“Good afternoon, babe,” malambing na bati ko. 3PM na rin naman. Mahaba-haba rin biniyahe namin. Ngayon pa nga lang ay nararamdaman ko na ang jet lag ko.

“Good afternoon po, Mommy. Nasaan na po tayo?” inosenteng tanong niya at napahikab pa. Inilapit ko ang nose ko sa munting bibig niya and I could smells his mint breath mixed with sweets. Mabilis niyang tinakpan ang bibig niya at nanlaki pa ang eyes niya.

Tinanggal ko ang kamay niya at mabilis na hinalikan ang mga labi niya.

“Welcome to the Philippines, Mickee Lenoah B. Brilliantes,” I uttered.

KARGA-KARGA ko siya nang bumababa na kami mula sa eroplano at saka ko lang siya ibinaba. Mayroon kaming sundo at nagtulong-tulong ang kasama ko sa pagbuhat ng luggage namin. Bitbit ko ang isang suitcase namin at nasa kanila naman ang isa. Hawak ko sa kaliwang kamay niya si Lenoah na kung saan-saan na dumadapo ang paningin niya.

May patalon-talon pa siya at hindi nawala ang excitement niya. The crew will checked our luggage before we were fully out and headed to the departure area. As usual, there are many people and masayang sinasalubong ng mga relatives nila ang kasamahan naming passengers. Tawanan at iyakan ang ingay na maririnig namin sa airport.

Akala ko ay hanggang doon lang ang ingay pero nabigla ako nang makitang nagsulputan sa iba’t ibang direction ang mga media dala ang camera nila at napuno agad kami ng lights. Dinagsa kami ng mga reporter.

Hindi ako nag-atubili na bitawan ang suitcase na hawak ko at mabilis kong pinangko ang anak ko. Sa liit niyang bata ay baka maipit siya and worst madaganan pa. I won’t let that happen.

May suot na siyang puting sumbrero pero inayos ko pa ang hoodie niya. If I protect Lenoah from a lot of media and he’s like the son of a famous actress or a young artist.

Si Coach Calym ay nabigla rin siya at halos hindi na rin niya alam ang gagawin niya. Couple for mother and son ang suot naming sumbrero ni Lenoah at mabuti na lang din ay palagi akong handa sa mga ganitong eksena. Humigpit ang yakap ng mga braso ng aking anak sa leeg ko at nakapatong sa balikat ko ang chin niya.

“W-What happened, M-Mom?” he stuttered when he asked me that. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya. Isa lang naman ang ibig sabihin no’n.

Nagulat siya sa pangyayari at natakot sa huli. Sa dami ba naman ng mga tao na lilitaw na lamang sa aming harapan. Hindi ko sila mabilang.

“It’s okay, my boy. There’s no something bad happens.” I caressed my Lenoah’s back to calm him down. Halos itago na rin niya ang face niya sa leeg ko.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon