CHAPTER 13

5.8K 94 4
                                    

Chapter 13: Endearment

I FEEL like nasa ulap na rin kami dahil kakaiba talaga ang feelings sa tuwing nakikipagsabayan ako sa kiss niya. Kung sa una ay mararahan lang ang mga galaw ng lips namin pero habang tumatagal ay mas nagiging agresibo na iyon at ang marahan na pagkagat niya sa lower lip ko ay mas dumidiin at sinasamahan pa niya nang paghila but he sucked it naman later on. So nawawala rin ang sakit.

I meet his tongue na nag-explore pa sa loob ng bibig ko at hanggang sa dumapo ang isang kamay niya sa likuran ko. Nagpalit kami ng position at nasa ibabaw na niya ako. Nang maramdaman naman namin na wala na nga kaming hangin sa dibdib at mabilis pa ang paghabol namin ay naghiwalay na ang mga labi namin.

I rested my head on his forehead and he even caressed my hair. That’s my first kiss at nakawawala pala talaga ng ulirat. His lips super so sweet talaga! Parang mas matamis pa siya sa mga nakain kong fruits! I think my favorite na ako ngayon, ha. Hinaplos ko naman ang panga niya at tumitig ako sa mga mata niya.

Ang lamig ng eyes niya kung mapapansin mo pero nandoon iyong tila ang lambing kapag sa akin naman siya nakatitig. Nandoon iyong parang matutunaw ako o malulunod sa sobrang lalim nito.

Ngumiti ako sa kanya na hindi naman niya ginantihan dahil nagsalubong pa ang kilay niya. Ang hirap pala talaga niyang pangitiin pero nang makita niya ang pagtulis ng mga labi ko ay hinaplos niya ang gilid nito at iniangat niya pataas ang kanyang ulo para halikan ang tungki ng ilong ko at pababa sa labi ko ulit. I respond with his kiss but nag-stop na siya.

Tinitigan ko ulit siya at masyado na talaga siyang seryoso. Ni hindi man lang ngumiti. Dahil sa inis ko ay pinisil ko ng super diin ang nose niya para hindi na siya makahinga pa.

He just stared at me and I thought wala na siyang gagawin pa but after a couple of minutes ay tinanggal na niya ang kamay ko sa nose niya.

“Bakit ba ang hirap mong pangitiin, ha?” naiinis kong tanong at magkabilang pisngi naman niya ang mariin kong pinisil pero hindi man lang talaga siya nag-react. “May nararamdaman ka pa ba? Or don’t tell me manhid ka na?! Wala kang feelings na kahit na ano?” nagugulat kong tanong sa kanya.

He didn’t say anything and he remained silent. Napabuga ako ng hangin sa bibig ko at sumimangot na ako. Nang makita niya ang reaction ko  ay hinaplos na naman niya ang cheeks ko saka niya mararahan na pinatakan ng halik.

Kinabig pa niya ang batok ko para lang dalhin sa dibdib niya. I frowned when I heard his heartbeat. Parang hindi mapalagay, oh. Sa bilis nito ay tila may kasama siya sa racing.

Hindi ko masyadong na-gets pero nang pakinggan ito nang masinsinan ay roon lang nag-sink in sa akin ang katotohanan.

“Bakit ganito ang heartbeat mo?! Hindi na ito normal! Nagpa-check ka na ba, Michael?!” worried kong tanong sa kanya. “Baka kasi abnormal na ito at may kung ano na sa heart mo,” dagdag ko pa at mayamaya lang ay humagalpak na siya nang tawa. I was so confused but I stilled.

Sa hirap niyang pangitiin ay nakaramdam pa ako ng frustration. But when I’m talking about his heartbeat ay kung makatawa naman siya ay parang wala ng bukas, ha!

Kunot na kunot ang noo ko at umalis na ako sa ibabaw niya. Nag-indian sit pa ako at pinapanood ko lang siya na tumawa. Napakamot ako sa kilay ko at napatili pa ako dahil sa paghila niya sa pulso.

Ginawa pa niyang pillow ko ang braso niya at hinapit pa niya ako palapit sa kanya para lang mahigpit niya akong ikukulong sa mga bisig niya.

“You’re so adorable, and too innocent, baby,” he uttered and rested his chin on the top of my head after he kissed it.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon