CHAPTER 40

6.6K 77 1
                                    

Chapter 40: Problem

IN THE next day, I can’t get up anymore sa sobrang bigat at sakit ng katawan ko. Lalo na ang balakang at mga hita ko. I was sore rin. Sumandal lang ako sa headboard ng kama at humugot nang malalim na hininga.

Napatingin naman ako sa bedside table at nakita ko roon ang contraceptive pills ko. Palaging nakalagay roon para hindi ko makalimutan na uminom at makikita ko siya. But dahil naging busy person na ako ay nakalimutan ko nang inumin iyon.

Sa gabi lang ako nakababawi sa fiancé ko at may nangyayari pa rin sa amin. Napahawak ako sa impis kong tiyan.

“God, mauuna pa yata ang baby kaysa sa kasal namin,” problemadong saad ko. Sa dami ng inilabas niyang seeds sa loob ko ay imposible na hindi ako mabubuntis agad. Stop na nga ang pag-inom ko.

Gayon pa man ay hindi ko na masyadong inisip pa. Kahit may mabubuo kami ay matatanggap ko naman ang baby namin. Alam kong siya rin naman. Iyon nga lang hindi ko maiwasan ang kabahan, lalo na...kung kaya ko bang maging isang mabuting ina para sa kanya?

Pinilig ko ang ulo ko. Kahit na lumaki ako na hindi ako inalagaan ni Mommy ay gagawin ko ang lahat para sa kanya. Hindi ako matutulad sa mommy ko na walang pakialam noon nang iwan niya ako at pinagtalunan pa nila ni Dad ang responsibilidad nila sa akin bilang anak nila.

I’ll be a good mother...soon.

I stilled nang bumukas ang door sa room ko at pumasok sa loob ang engineer ng buhay ko. Hindi yata siya papasok ngayon dahil casual lang ang outfit niya.

May dala siyang tray na naglalaman no’n ng breakfast ko, maybe. Tumaas ang sulok ng mga labi nang tapunan niya ako nang tingin. I frowned. Umupo siya sa edge ng bed at matiim niya akong tinitigan.

My gaze shifted to the walled clock. Hindi na ako na-shock pa when I saw the time. 11:19 in the morning. I heaved a sigh.

“Good morning, baby,” he greeted me sweetly and kissed my lips. Hinaplos ko ang braso niya at amoy na amoy ko ang matapang niyang perfume.

“Malapit na ngang mag-pm, oh,” saad ko.

“Does it hurt?” Sumimangot ako dahil kailangan pa ba talaga niyang magtanong?

“Isn’t it obvious, baby?” I fired back. He let out a short laugh before he kissed my temple.

“Sorry.” I stared at his expressive eyes. Ang mga mata niya na nagagawa akong tunawin sa pamamagitan lang nang pagtitig niya.

His handsome face na hindi nakasasawang pagmasdan palagi and sometimes mahirap din basahin ang facial expression niya. Ang maganda niyang ngiti ay paminsan-minsan ko lang din makikita pero dahil nga sa akin ay ilang beses na niyang ipinapakita iyon.

Ang mahaba niyang pasensiya ang mas nagpa-amaze sa akin ng sobra-sobra. Bihira na lamang ang mga lalaking katulad niya na palaging iniintindi ang mga babaeng mahal nila. Kahit wala na akong oras sa kanya ay palagi pa rin siyang nasa tabi ko at sinusuportahan ako.

Kaya ko bang pakawalan ang isang tulad niya na minahal ang buong ako?  Na tanggap niya ang pagkatao ko? Parang hindi ko yata kaya iyon...

“Nagalit ka ba sa akin kahapon? Sorry, ah? Pabalik-balik ako sa company ko kahapon at nakalimutan na kita. Susunduin pa lamang sana kita,” paliwanag ko na tinanguan niya lang.

“I understand, baby. Well, nagtampo lang naman ako kagabi kasi ilang oras akong naghintay sa ’yo. Akala ko nga ay babalik ka pa pero hindi na pala. Sorry rin if I was rough and unstoppable last night. I just... missed you,” he muttered. I smiled at him.

“Engineer, palagi naman tayong nag-s-sèx—”

“Baby, stop it. Hindi ganoon ang tawag,” naiiling na sambit niya. “Kumain ka na lang. Alam kong kumakalam na ang sikmura mo,” aniya. He was feeding me at nakikipagkuwentuhan pa ako sa kanya.

The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon