Chapter 47: The Heartbreaks
SELOS, kung tutuusin ay maliit na bagay lang naman ito at hindi siya mabigat na dahilan upang hiwalayan at iwan mo na lang sa ere ang taong nagmamahal sa ’yo.
Natural na sa atin ang makaramdam ng selos dahil mahal natin sila. Dahil mahalaga sila para sa atin. Kaya sa paanong paraan ko naman tatanggapin ang pakikipaghiwalay ni Michael dahil lang sa naramdaman kong selos?
But now I understand, hindi na lang isang beses, dalawa at halos hindi na mabilang na palagi ko siyang inaaway sa bagay na ito. I admit na kasalanan ko ang lahat pero napapaisip ako at napapatanong na kung paano mo bibitawan ang isang tao gayong mahal na mahal mo naman siya?
Mabigat dahilan na ba kapag napagod ka mang intindihin siya at tila sinasakal ka na rin sa relasyon niyo ay makakaya mo na siyang bitawan at iwan na lamang, just like that?
Paano naman tayong naiiwanan? Mas masakit iyon. Dahil siya lang ang pinagkatiwalaan natin, pinagkukuhanan nang lakas ng loob. Siya lang ang alam natin na hindi tayo iiwan sa ere, siya lang ang iintindihin tayo at mamahalin.
Huminto ako sa harapan niya at pareho kaming luhaan. Itinaas ko ang kanang kamao ko na mahigpit ang pagkakuyom nito.
“N-Nangako ka,” nanginginig ang boses na saad ko sabay hampas ko sa dibdib niya. “N-Nangako ka sa akin...na hindi mo ako iiwan.” Isa pang palo ang ginawa ko. “Nangako ka sa akin kahit ano’ng mangyayari ay mananatili ka sa tabi ko dahil mahal mo ako!” Malakas na hampas ulit ang ginawa ko hanggang sa naging sunod-sunod na nga ito. “Where is the love na pinagmamalaki mo?! Nasaan?! Nasaan ang pagmamahal mo dahil ang bilis namang mawala!” umiiyak na sigaw ko.
Hindi siya kumibo at nanatiling mariin na nakatikom lang ang bibig niya. Malamig ang mga mata niya kahit wala na ring tigil ang pagtulo ng mga luha niya. Walang salitang namutawi mula sa bibig niya na binabawi na niya ang sinabi niya sa akin. Ngunit sa halip ay nakikitaan ko siya na desidido na siyang hiwalayan ako.
A word slipped from my lips
‘Dating you is a mistake’
I gave everything I have
My love, body, heart and soul
But it wasn’s sufficient
You leave me with a broken heart
My tears kept flowing down my cheeks
Calling your name
Pleading your comeback
Watching you leaving me it kills me so much
And baby, this is my everlasting love
Take my heart...“I’m sorry,” mariin na saad niya. Hindi na lang pagpalo ang ginawa ko sa kanya. Sinampal ko na siya at dinig na rinig ang pagtama ng palad ko sa pisngi niya na lumagapak lamang.
“I hate you... Michael... I-Ibinigay ko sa ’yo ang lahat... Dahil sa simpleng selos lang ay makakaya mo na agad akong...bitawan... ’Yan ang hindi pagmamahal, Michael...” saad ko at paulit-ulit akong umiling.
“I’m just tired, Novy... We...we need to break up...”
Umupo ako sa sofa at sapo-sapo ko ang mukha ko. Umaalog ang balikat ko. Pinipigilan ko na lamang ang umiyak nang malakas kahit hagulgol na ang ginawa ko.
Ngunit sa sunod na nangyari ay bigla na lamang akong natawa nang malakas na mauuwi rin sa pag-iyak.
Naghalo-halo ang emosyon ko. Nandoon ang natatawa ako dahil lang sa selos, dahil lang sa pakiramdam niya na selfish akong tao at tila sinasakal ko na siya ay makikipaghiwalay na siya sa akin.
Nakapapagod nga ba akong intindihin? O baka pagod na rin siyang mahalin ako?
“Fvck you, Michael. Fvck you! Sana hindi mo na lang ako sinanay sa presensiya mo! Sana in the first place ay tinanggihan mo na ang engagement natin! Tang-ina mong paasa ka! D-Dahil lang nagseselos ako ay gusto mong mag-break na agad tayo?! Ang babaw... Ang babaw ng dahilan mo, Michael! Ang selfish mo! Napaka-selfish mo talaga and I hate you! I fvcking hate you!” punong-puno nang hinanakit na sambit ko at walang tigil ang paghikbi ko.
BINABASA MO ANG
The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)
RomanceNovy Marie V. Bongon, an international athlete and a famous tennis player, who won several times in the Olympics games. A woman with a cold heart. Many men tried to court her but she often rejected them, because she had no intention of entering into...