Chapter 14: Bodyguard
PINAGMAMASDAN ko lang si Michael habang pinapatuyo niya ang buhok niya gamit ang bimpo. Katatapos niya lang kasing nag-shower. Nakaupo ako sa bed at nakasandal sa headboard nito. May kayakap akong stuff toy. Actually ay kanina ko pa siya hinihintay na matapos sa loob ng bathroom ko. Ang damit niya ngayon ay hiniram niya lang sa nakababatang kapatid ko. Eh, kasi naman wala siyang dalang kahit na ano.
White t-shirt lang naman ito at hapit na hapit pa iyon sa maganda niyang katawan. Ang muscles niya ay nag-f-flex, na-t-temp pa akong pisilin ’yon, bumabakat din ang mga uaht niya sa braso. Itim na pajama ko naman ang suot niya. Malaki naman ’yon pero bitin pa rin sa kanya, kasi mas matangkad naman siya kaysa sa akin. Ayaw niya kasi ng shorts, eh hindi pajama ang sinusuot ni Cloud kapag nasa bahay lang siya, ayaw niya ring manghiram kay Uncle Leonard. Kaya nagtsaga na lamang siya sa pajama ko.
“Ang mga engineer na katulad mo ay hindi ba busy kayo? Busy kayo sa paggawa ninyo ng mga building. So ano ulit ang ginagawa mo rito, Engineer?” untag na tanong ko kaya napahinto na siya sa pagtutuyo ng buhok niya. May hair dryer naman pero mas pinili niya ang ganyan na ways to dry his hair.
“Yes,” tipid na sagot niya at sumampa na sa kama pagkatapos niyang isampay sa chair na malapit sa vanity mirror ko ang bimpo na gamit niyang pagpapatuyo ng kanyang buhok.
Nasa right side ko iyon at doon din ang pintuan ng banyo ko. Umupo naman siya sa tabi ko at kahit malaki pa ang space nito ay kailangan bang magkadikit talaga ang mga braso namin?
Bahagya akong dumistansya pero kusa siyang lumalapit. Feeling close talaga siya kahit nag-kiss na kaming dalawa. Muntik ko pang mabawi ang kamay ko dahil sa paghawak niya. May nararamdaman na naman kasi ako na boltaheng kuryente na dumadaloy mula sa kanyang kamay. Kinuha niya iyon at pinaglalaruan na naman niya ang mga daliri ko. Aba, naging favorite na niyang paglaruan ito, ha. Parang bata kung makaasta din kung minsan.
“So, what are you doing here again?” I asked him.
“Nandito ka.”
“What?”
“Nandito ako dahil nandito ka rin,” sagot pa niya. I blinked my eyes repeatedly. Kung seryoso siya sa sinabi niya. Pumunta lang siya rito dahil sa akin? Nandito raw siya ay dahil nandito rin ako? Ha? Ano raw ulit?
“Nag-j-joke time ka ba, Engineer? Nandito ka lang ba dahil sa akin?” kunot-noong tanong ko at tumango siya saka naninimbang na tinitigan naman niya ang mukha ko.
“Wala ka bang balak umuwi?” tanong niya.
“Ay wala ka na roon. Sino ba sa atin ang nang-iwan sa Canada?” laban kong tanong sa kanya para lang magsalubong ang makapal niyang kilay. Hindi naman kami sabay na pumunta roon and hindi naman iyon big deal kung mauuna siyang babalik sa Philippines.
“I’m sorry. Hindi ako nakapagpaalam sa ’yo sa personal. Sumama na rin kasi ako kay Grandpa at isa pa nasa akin ang alagang pusa ni Kuya Mergus. Akala ko rin ay sasama ka rin sa tita mo,” paliwanag niya para lang mapairap ako.
“Bukas na bukas ay umuwi ka na rin,” sabi ko.
“Yes I will but you’re going home with me, baby.”
“Ayaw ko. Umuwi kang mag-isa at uuwi rin ako ng ako lang din. Kaya ko naman ang sarili ko,” masungit na sabi ko at binawi ko ang kamay ko sa kanya saka ako humiga sa kama ko. “Lumabas ka na. Sa guest room ka matutulog sabi ni Mommy. Bawal ka raw tumabi sa anak niya,” sabi ko. Tinanggal niya ang stuff toy na hawak ko. Umawang pa ang labi ko sa gulat dahil masunurin nga siyang engineer kasi hindi na siya nakipag-argument pa sa akin at basta na lamang siyang lumabas mula sa room ko. Good boy, psh.
BINABASA MO ANG
The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)
RomanceNovy Marie V. Bongon, an international athlete and a famous tennis player, who won several times in the Olympics games. A woman with a cold heart. Many men tried to court her but she often rejected them, because she had no intention of entering into...