Chapter 10: Michael’s arrival
HINDI mahirap i-coach ang mga alaga ni Coach Daisy dahil kahit amateur pa sila pagdating sa paglalaro ng tennis ay talagang makikitaan mo na sila ng potential. Paano kasi dedicated sila sa paglalaro. Alam kong magiging successful din sila.
Malapit na akong mag-one month dito at kinukulit na ako ni Tita Mommy na umuwi na pero palagi ko siyang tinatanggihan dahil ang reason ko ay gusto ko pang manatili rito ng mas matagal.
Kung may natuwa man sa ginawa ko ay iyon ang mga kapatid ko. Pero si Cloud, na kapatid ko kay Mommy ay nagtampo siya dahil nakita niya raw sa IG whatsoever ang pictures namin ng two brothers ko. May bonding daw kami while him ay wala. Hindi ko pa raw siya pinansin sa birthday party ng daddy ko.
Napanguso ako dahil sa naisip kong nagtatampo siya. Kawawa naman ang baby boy ni Mommy.
I stood up from my seat when Coach Daisy approaching me.
“This is your last day. Thank you, Novy,” pasasalamat niya at naglahad pa ng kamay. Nakangiting tinanggap ko naman iyon.
“You’re welcome, Coach Daisy. I really enjoyed them. Like you can say they lack practice. That’s why I know they can do it because I can still see their potentials,” ani ko.
“That’s exactly what I see in them. Anyway, are you going back to your country?” she asked me.
“Visiting my brother across the country,” sagot ko lang na ikinatango niya.
“Okay, take care.”
I looked at my backpack when I heard my phone’s ringtone. I know who’s calling me. This has been bothering me for 3 weeks now but I intend not to answer.
It’s an unknown number but I know who the caller is because I’ve read his text messages. That’s Engineer Michael.
After kong nakakuha ng flight kung saan nananatili na nga for good si Mommy with her family ay nag-impake agad ako ng mga things ko.
Nag-iwan lang ako ng notes sa mga kapatid ko bago ako umalis. Kay Dad lang ako nagpaalam at may pinadala na naman siyang money sa bank account ko. Ang wife niya ay ngiting tagumpay na naman siya dahil aalis na ang panganay na anak ni Dad at wala na siyang maaaway pa.
Sina Cloud at Primo ay same age lang sila. Nag-aral nga lang ulit si Cloud at hindi pa na-turn over sa kanya ang company ng Daddy niya.
Pagod ako sa biyahe at parang inaantok pa ako kaya nag-message na lang ako sa brother ko kung nasaan siya at sunduin niya mismo ako sa airport. Hindi naman nagtagal ay nakita ko na siya.
“It’s true that you are here, Ate! I thought it was just a prank!” he exclaimed.
“But why did you still come here even though you thought I was just a prank?” I asked him at naipit ako sa malaking katawan niya nang mahigpit niya akong niyakap. Napangiwi ako.
“To be sure!” pasigaw na sagot niya.
Hinila ko ang t-shirt niya nang makita ko na parang may mali...
“Goodness, Cloud. Noong nag-text ba ako sa ’yo ay natutulog ka at nakahubad?!” gulat kong tanong dahil baliktad ang puting t-shirt niya.
Natatawang humiwalay siya sa akin at hindi ako sinagot.
“Let’s go, let’s go! Let’s stay in my condo because you might be tired. The condominium I’m staying at is just closer to here. Tomorrow we go to the house together!” He took my luggage and carried it himself. Inakbayan pa niya ako at hinila na palabas ng airport.
BINABASA MO ANG
The Cold-hearted's First Love (Brilliantes Series #4) (COMPLETED)
RomanceNovy Marie V. Bongon, an international athlete and a famous tennis player, who won several times in the Olympics games. A woman with a cold heart. Many men tried to court her but she often rejected them, because she had no intention of entering into...